Bumuntong hininga muna si Tamara bago pumasok sa sasakyan. Ngayong gabi pag-uusapan ang tungkol sa magiging kasal nila ni Evo at mismong si Ellena ang nagpatawag ng pagtitipon. Ngunit hindi maiwasan ni Tamara ang mag-alala dahil hindi katulad ng mga nagdaang okasyon, wala siyang balita tungkol sa anumang balak ni Evo para sa pagtitipong ito.
Kanina pa niya hinihintay ang tawag ng binata ngunit tila wala itong pakialam tungkol sa gaganaping pagtitipon. Kung noon ay umaga pa lang, pinaalalahanan na siya ni Chad tungkol sa oras kung kailan siya susunduin para sukatin ang suoting damit na napili ni Evo, ngayon ay siya na mismo ang tumawag.
"Chad?" bungad niya nang sagutin ni Chad ang kanyang tawag, saka siya nagpatuloy, "anong oras ako susunduin?"
"May pinapa-asikaso pa si Mr. McTavish sa akin," sagot ni Chad, "sumabay ka na lang sa mga magulang mo. Doon na daw kayo magkita sa bahay ng lola niya."
"Ah okay," tumango si Tamara saka nagtatakang ibinaba ang kanyang cellphone.
"Ano kaya ang nasa isip ngayon ni Evo?" tanong niya sarili, "Bakit parang wala siyang pakialam sa kung ano ang gaganapin ngayong gabi?"
Nagkibit balikat si Tamara saka pumunta sa kanyang closet para mamili ng damit na susuotin. Marami-rami na ring damit ang naibigay sa kanya ni Evo at madalas ay isang beses lang niyang nasuot. Napangiti siya dahil sa pagkakataong ito, dadalo siya sa pagtitipon ayun sa istilo na gusto niya.
Pero kumunot ang noo niya nang tignan ang sarili sa salamin, "hindi kaya nakita na niya si Shawn kaya parang wala na siyang pakialam?"
Nakaramdam siya ng lungkot dahil sa inisip. Kung sakaling nakita n ani Evo si Shawn, ang ibig sabihin nito, tapos na ang papel na ginagampanan niya sa buhay ni Evo. She will be free from being his temporary bride. Ang problema, unti-unti na siyang nasanay na kasama si Evo. Mamimiss din kaya siya ni Evo kapag wala na siya?
"Nak, okay ka lang?" tanong ni Tina habang nilapitan siya.
She gave her the fake smile that she mastered since she met Evo, "okay lang, mommy; pero pwede bang sumabay na lang ako sa inyo? Busy kasi si Evo kaya hindi raw niya ako masundo."
"Ah 'yan ba?" napangiti si Tina, "ikaw talaga, siyempre okay lang. Saka huwag ka nang magtampo sa boyfriend mo. Alalahanin mo, CEO ng kumpanya ang magiging asawa mo, ibig sabihin, marami siyang inaatupag sa kumpanya."
"Hindi naman ako nagtampo," napayuko si Tamara, "ngayon lang kasi ito nangyari."
Bumuntong hininga si Tina saka mahinang tinapik ang likod ni Tamara saka sinabing, "tulad ng sinabi ko kanina, CEO ng isang malaking kumpanya ang boyfriend mo kaya dapat habaan mo ang pasensya mo."
Tumango lamang si Tamara ngunit sumabat ang kanyang ama at sinabing, "Pinili mong tanggapin ang proposal ni Evo kaya kailangan mo itong panindigan."
Hindi na kumibo si Tamara saka kinausap ang sarili, "Get yourself together, Tamara. Matatapos din ang lahat na ito. Mahahanap din ni Evo si Shawn at pagnangyari 'yun, makakawala ka na sa kasunduang naglagay sa'yo sa sitwasyong ito."
___________________________
Nasa kalagitnaan ng meeting sina Evo at Chad nang biglang tumunog ang cellphone ni Chad. Tinignan ito ni Chad saka ipinakita kay Evo kung sino ang tumawag.
"Gawin mo ang balak natin," matabang na saad ni Evo.
Bumuntong hininga si Chad saka sinagot ang tawag ni Tamara, "Chad, anong oras ako susundiin?"
Bahagyang tumingin muna si Chad kay Evo at nang tumango ito, alam niyang hindi niya dapat ito susuwayin. Ngunit hindi niya maiwasang maawa kay Tamara, dahil sa lahat na naging babae ni Evo, si Tamara lang ang naging malapit sa kanya. Maliban nito, dalawang tao din ang nag-uutos na alagaan si Tamara. Isa doon si Evo at ang pangalawa ay si Ellena.
BINABASA MO ANG
The CEO's Temporary Bride
Storie d'amoreWhen Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has no idea it will start a complicated turn of events between her and Evo McTavish. Evo McTavish was the son of a business tycoon in London wh...