Umupo si Tamara sa bakanteng malamig at matigas na bangko sa lobby ng opisina dahil tila walang interes siyang ipinakilala ni Cheezee sa buong marketing team. Nakadagdag pa nito ang agad na pagtalikod ni Cheezee upang tumungo sa kanyang mesa na hindi man lang sinabi sa kanya kung ano ang mga kailangan niyang gawin sa kanilang departamento. Hindi niya maiwasang makaramdam ng pagka-ilang lalo na at para siyang nakalimutang kasangkapan na agad na itinabi sa gilid dahil lahat ay nagsibalikan sa kani-kanilang ginagawa. Ilang minute din siyang naghintay, nagbakasakaling may isang magmagandang loob na ipaalam sa kanya ang tungkoling dapat niyang gampanan sa opisina, ngunit nang mapansin niyang tila walang pakialam ang lahat ay naglakas-loob siyang lumapit sa isang empleyado.
"Excuse me," panimulang saad ni Tamara, habang palapit siya sa isang empleyadong may tina-type sa computer, "Do you know if there's an available table I could use? I don't seem to have one assigned."
Tumingala ang babae na tila naiirita dahil natigil ang kanyang ginagawa saka sinabing, "Sorry, we weren't informed about having a new employee. You might have to wait for a table to be requested."
Mas lalong nakaramandam ng pagiging out-of-place si Tamara habang magkahalong dismaya at takot ang nararamdaman. Hindi niya akalaing magiging ganito ang unang araw niya sa kumpanya ni Evo. Ngunit kailangan niya itong tiisin dahil walang sinuman ang pwedeng makaalam na siya ang asawa ng may-ari ng kumpanya.
Pagkatapos ng tila walang hanggan, sa wakas ay ipinatawag ni Cheezee ang lahat sa conference room para sa kanilang pulong. Agad na iniwan ng mga tauhan ang kani-kanilang ginagawa at tumungo sa conference room. Sumunod din sa kanila si Tamara dahil umaasa siyang makakagawa siya ng mas magandang impresyon upang magiging maluwag ang pagtanggap sa kanya ng kanyang mga katrabaho. Pero pagkapasok na pagkapasok niya ay agad siyang inutusan ni Cheezee.
"Tamara, you can handle the coffee for everyone," malamig na utos ni Cheezee.
Naramdaman ni Tamara ang pag-init ng kanyang mga pisngi dulot ng kahihiyang nararamdaman habang sinabing, "Um, okay."
Hindi naman niya maiwasang mapansin ang mapanuyang mga tingin ng kanyang mga bagong kasamahan kaya siya napaisip, 'Marahil isa lang ito sa mga pagsubok ni Evo, kaya hindi ako pwedeng sumuko. Ipapakita ko sa mga tao dito na karapat dapat akong magtabaho dito at papatunayan ko rin kay Evo na kaya kong sabayan ang mga hamon niya.'
Mabigat ang puso ni Tamara na tinungo ang coffee lounge ng kanilang opisina. Dahil labing-anim na tauhan ang nasa marketing department, hindi niya kayang dalhin lahat ang mga kape sa iisang beses lang kaya pabalik-balik siya sa lounge upang kumuha ng mga kape para sa mga kasamahan.
'Kalma lang, Tamara. Kaya mo 'to' paghikayat ni Tamara sa sarili habang iniiwasan ang mga panuring tingin ng kanyang kasamahan nang ilapag niya ang mga kape sa mesa.
Nang ibibigay na niya ang huling tasa ng kape kay Cheezee ay saglit na nagtama ang kanilang mga mata. Umaasa siyang may magbabago sa pakikitungo ni Cheesee sa kanya ngunit batid niya ang pang-aalipustang tingin nito
'Ayaw niya ba talaga sa akin?' napaisip si Tamara, 'O baka ito ang utos sa kanya ni Evo?'
Mabigat na buntong-hiningang umatras si Tamara saka isinuli ang dalang tray sa coffee lounge. Dahil nais niyang matuto at para na rin makapag-ambag tulad ng ibang kasamahan niya, nagmamadali siyang bumalik saka pumwesto sa isang bakanteng silya na nakalagay sa likuran.
"Why are still here, Tamara?" biglang tanong ni Cheezee dahilan upang lumingon ang lahat sa kanya.
Napalunok siya upang hindi mautal bago nagsalita, "I wanted to listen to the meeting, so I could learn."
BINABASA MO ANG
The CEO's Temporary Bride
RomanceWhen Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has no idea it will start a complicated turn of events between her and Evo McTavish. Evo McTavish was the son of a business tycoon in London wh...