"A-anong nangyayari sa kanya?" natatakot na tanong ni Tamara habang nakasunod sa mga taong tumulong na buhatin si Evo patungong clinic.
"Anong ginawa mo?!" bulyaw naman ni Chad sa kanya bago ito pumasok sa clinic.
Nanginginig na naghintay si Tamara sa labas ng clinic habang ginigising ng mga nurses ang wala pa ring malay na si Evo. Hindi niya naintindihan kung ano ang nangyari. All she wants is to correct Evo's arrogance. Hindi niya alam kung bakit biglang hinimatay ito.
"Ch-chad," tawag niya sa personal assistant ni Evo pagkatapos nitong tumawag ng doctor, "h-hindi ko alam kung anong nangyari."
"May dahilan kung bakit hindi siya nagpapasok ng ibang tao tuwing sumasakay siya ng elevator!" muling bumilyaw sa kanya si Chad.
Napaigtad si Tamara at napansin ito ni Chad kaya pinilit nitong kumalma saka nagpaliwanag, "Evo has enochlophobia."
"Enoch what?" nagugulohang tanong ni Tamara.
"Evo has fear of crowds," Chad rephrased his statement saka nagpaliwanag, "nagkaroon siya ng ganyang phobia mula noong nagbibinata siya, though it was managed, it reoccurred after Shawn left him on their wedding day."
Napakagat ng labi si Tamara. She caused this. Siya ang dahilan kung bakit iniwan ni Shawn si Evo, kaya siya rin ang dahilan kung bakit nagbalik ang phobia ni Evo. It was all on her. Kasalanan niya ang lahat.
"Alam kong gusto mong baguhin ang mga nakasanayan ni Evo," mariing saad ni Chad, "alam kong gusto mong ipagmalaking ikaw ang babaeng nagpabago sa kanya. But there are reasons why Evo does what he is used to do. Huwag kang magmagaling. You just do what Evo asked you to do but don't ever try to do things your way!"
Narinig niya ang pagdating ng ambulance saka nakitang nilipat ang wala pa ring malay na si Evo sa stretcher. Dinala ng mga medics si Evo pasakay ng ambulance habang nakasunod naman si Chad. Nanatili si Tamara sa kinatatayuan niya dahil sa pagkakataong ito, wala siyang maisip na pwedeng gawin upang mabawi ang pagkakamaling nagawa niya.
'Kasalan ko ang lahat,' pabalik balik na naisip niya.
__________________________
Nag-alala pa ring nakahiga si Tamara sa kanyang silid. Mula noong dinala si Evo sa ospital ay wala siyang natanggap na balita. Ayaw din niyang magtanong kay Chad. Nahihiya pa rin siya sa nagawa niya, at tama si Chad, gusto niyang ipagmalaki na nagawa niyang baguhin ang pagka-arogante ni Evo. Hindi niya alam na hindi simpleng arogante ang dahilan kung bakit ayaw nitong may nakakasabay na empleyado sa loob ng elevator.
'Pero hindi ko naman alam na may takot pala siya maraming tao,' bumangon siya saka pilit na pinapakalma ang sarili.
'Pero ako ang dahilan kung bakit bumalik ang phobia niya sa maraming tao,' bumuntong hininga siya habang muling sinisi ang sarili.
'Dapat pala talagang uminom na lang ako ng alak,' sa isip ni Tamara saka napasalampa sa kanyang higaan, 'pero kung hindi ko naman ginawa 'yun, baka hindi ako mapasama sa cheering squad.'
Tumunog ang kanyang cellpone kaya mabilis niya itong inabot. Akala niyang si Chad ang tumawag, umaasa kasi siyang babalitaan siya ng personal assistant ni Evo. Pero si Zack ang tumawag saka niya naalala, ilang araw na palang hindi sila nakapag-chat.
"Hello?" sagot niya sa tawag.
"Finally, I am able to reach out to you," narinig niya ang boses ni Zack at napakagat siya ng labi nang marinig niya ang kasunod na sinabi ni Zack, "hindi mo na-seen 'yung huling mensahe ko. Nag-alala ako na baka galit ka sa akin."
BINABASA MO ANG
The CEO's Temporary Bride
RomanceWhen Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has no idea it will start a complicated turn of events between her and Evo McTavish. Evo McTavish was the son of a business tycoon in London wh...