Agad na napabangon si Tamara nang gumising siya at nakitang nakatayo sa gilid ng kanyang kama si Evo.
"A-anong ginagawa mo dito?" agad niyang tanong habang hinila ang kumot upang itago ang kanyang katawan.
Suot pa rin ni Tamara ang damit na suot niya sa dinner kagabi dahil wala siyang dalang pampalit bunga nang biglaang desisyon ni Evo na sa mansyon siya matutulog.
"This is my mansion. I am to be anywhere I want to be in this mansion," sagot ni Evo.
Bumuntong hininga si Tamara saka kalamadong nagtanong, "Ang ibig kong sabihin, bakit ka nandito? May gusto ka bang sabihin sa akin?soon as he gets the approval for our paper, babalik siya kaagad kasama ang judge na magkakasal sa atin."
Muling nagbuntong hininga si Tamara saka sinabing, "hindi pa pwedeng mag-almusal muna tayo? Hindi ako nakakain ng mabuti kahapon dahil sa surpresang anunsyo mo."
Magsasalita sana si Evo ngunit narinig nila ang katok sa pinto ng silid ni Tamara.
"Mr. McTavish," pagbati ng kapapasok na katulong, "heto na po 'yung breakfast na pinahanda mo."
Tumango lang si Evo sa katulang saka hinintay na ilapag ng katulong ang dalang breakfast tray coffee table na malapit sa malaking glass window ng silid. Parehong walang imik sina Evo at Tamara habang nasa loob pa ng silid ang katulong ngunit nang makalabas na ito, unang nagsalita si Evo.
"You should eat because the hair and make-up artist as well as the designer will be coming soon to take care of you," utos ni Evo.
"Ito ba ang magiging buhay ko mula ngayon?" pangungutyang tanong ni Tamara, "gagawin mo ba akong tamad? Kaya ko namang lakarin ang dining area. Hindi mo kailangang ipadala ang pagkain ko dito."
"There are a lot going on outside," simpleng sagot ni Evo saka naglakad patungong pinto pero bago niya pinihit ang doorknob ng pinto ay muli niyang hinarap si Tamara saka sinabing, "I've already told your mother to prepare your things. Dadaanan lang ni Chad ang mga gamit mo."
Inis na tumayo si Tamara saka nagsalita, "hindi mo man lang ako bibigyan ng pagkakataong makapagpaalam sa mga magulang ko?"
"You will have that time after the wedding later," mabilis na sagot ni Evo.
"Paano ang mga kaibigan ko? I want some of my friends to be in my wedding," Tamara demanded.
"'Di ba't sabi ko na tayo-tayo lang ang makakaalam tungkol sa kasal na ito?" bahagyang tumaas ang boses ni Evo, "Because as soon as you gave birth, we will file an annulment. And you'll go back to your normal life without being judged by other people."
"Wala akong iiwanang anak sa'yo," muling napaluha si Tamara, "hindi ako magiging simpleng breeder mo lang! I am more than that, Evo."
"Baka nakalimutan mong pumirma ka sa agreement natin," pangungutyang ngumiti si Evo sa kanya saka nagpatuloy, "or should I remind you why you signed it in the first place."
Napakuyom si Tamara at nagsalita, "I will still be your wife. Until the annulment, you should respect me that way."
"Correction!" lumapit si Evo kay Tamara, "You are just my slut who sold your body to give me a child."
Napakagat sa labi si Tamara upang pigilan ang hikbing nais kumawala sa kanyang bibig. Pero bago siya makapagsalita ay lalong lumapit si Evo sa kanya hangga't isang pulgada na lang ang pagitan sa kanila. Batid niya ang hindi pantay na paghinga ni Evo, pero hindi ito dahil pinagnanasahan siya ng binata kundi dahil sa galit na nararamdaman nito sa kanya.
Ayaw niyang maging talunan sa labang ito kaya huminga siya ng malalim saka nagsalita, "You can never break me, Evo. Dahil matutunan mo akong mahalin at ikaw na mismo ang gagawa ng paraan upang hindi ako malayo sa'yo at sa magiging anak natin."
BINABASA MO ANG
The CEO's Temporary Bride
RomanceWhen Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has no idea it will start a complicated turn of events between her and Evo McTavish. Evo McTavish was the son of a business tycoon in London wh...