Tahimik na sinundan ng tining ni Tamara si Evo nang tumungo ito sa patio ng villa. Nais niya sanang makipag-usap ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan ang kanilang pag-uusap.
Sinubukan niya itong nilapitan ngunit pagkalapit niya, biglang sinabi ni Evo na, "ang init! Maligo muna ako sa pool."
Batid niyang iniiwasan siya ni Evo kaya nagpasya na lamang siyang huwag pilitin ang gusto niya. Bumalik siya sa villa saka humiga sa kama. Napagod siya sa nangyari kagabi at tila hindi pa napawi ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang katawan.
'Tama rin siguro na hindi muna kami mag-usap. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya,' saad ni Tamara sa kanyang isip hangga't makatulog siya.
Napangiti si Tamara habang pinapanood ang kanyang mga magulang na sumasayaw sa gitna ng dance floor. Nasa year-end party sila, kung saan pinarangalan ang kanyang ama bilang isa sa mga best employees ng kompanya. Ini-alay ng kanyang ama ang kanyang natanggap na trophy sa kanila ng kanyang ina, sabay sabi na sila ang kanyang inspirasyon at dahilan kung bakit siya nagpupursigidi sa trabaho.
"Paglaki ko, isang katulad ni daddy ang magiging asawa ko!" saad ni Tamara sa kanyang ina.
"Ang bata mo pa para isipin 'yan, anak," sagot ng kanyang ina.
"Kaya nga sinasabi ko ito sa'yo, mommy. Pangako ko sa'yo, pagbubutihin ko ang aking pag-aaral at hindi ako magmamadaling mag-asawa dahil hihintayin ko ang tamamng lalaki para sa akin. Ang lalaking tulad ni daddy: mabait, mapagmahal, maalaga, at higit sa lahat, hindi tayo sasaktan," mapagmalaking saad ni Tamara.
"Tamara," ginising siya ni Evo, "Hinahanda na ang hapunan natin. Bumangon ka na."
Matamlay na bumangon si Tamara saka inayos ang nagusot niyang damit.
"Mukhang maganda ang panaginip mo," batid ni Evo, "nakangiti ka kasi habang natutulog."
"Napanaginipan ko lang ang mga magulang ko," sagot ni Tamara.
"Na-miss mo na sila agad?" natatawang komento ni Evo.
Nagkibit-balikat si Tamara saka sinabing, "naalala ko lang ang pangako ko sa mommy ko noon. Sinabi ko sa kanya na isang katulad ni daddy ang mapapangasawa ko."
Mahinang napatawa si Evo kaya agad na kumunot ang noo ni Tamara sa kanya sabay sabing, "anong nakakatawa?"
"Well, I guess you did not fulfill your promise to your mom," saad ni Evo.
"Pero hindi impossible," taas-noong sagot ni Tamara.
"I will never be like your father. I will never betray a company that fed my family," sagot ni Evo.
"Akala ko ba isinarado na natin ang tungkol diyan bilang parte ng ating kasunduan?" saad ni Tamara.
"Then don't try to compare me to your father," seryosong saad ni Evo.
"Sinasabi ko lang na sana maging katulad ng ama ko na mapagmahal, loyal sa asawa, mabait at higit sa lahat, hindi sasaktan ang mommy ko, ang lalaking mapapangasawa ko," saad ni Tamara.
"Well I wish you luck on your next husband," pasimpleng sagot ni Evo.
"Hindi ba pwedeng maging ganoon ka kahit sa tatlong taon na asawa mo ako?" tanong ni Tamara.
"We agreed on this marriage because we get something from each other in return. You give me a child, and I will clear your father's reputation. That's all we agreed on. Hindi kasama na magpapanggap akong mabuting asawa sa'yo," ma-awtoridad na saad ni Evo.
BINABASA MO ANG
The CEO's Temporary Bride
RomanceWhen Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has no idea it will start a complicated turn of events between her and Evo McTavish. Evo McTavish was the son of a business tycoon in London wh...