1

569 13 2
                                    

"Zy! Nakita mo ba si Avy?" Tanong ko kay Zyrielle nang makalapit ako sa kanya. Kumunot naman ang noo niya sa 'kin.

"Hindi. Sa 'yo lang naman sumasama 'yon." Sagot niya. Hayst nasaan na ba 'yon? Kanina ko pa kasi siya hinahanap. Nagkahiwalay kasi kami kaninang umaga dahil club fair ngayon. Sa music club kasi siya tapos ako sa dance club naman. "Baka nasa music club pa 'yon" patuloy niya habang ngumunguya.

"Wala, nanggaling na ako dun." Sagot ko.

"Oh! Ayon naman pala siya oh! Kasama pa si Zed." Agad akong napatingin sa itinuro niya at nandoon nga si Avy. Kasama 'yong si Zed. Vice president daw ng music club. "Kalma ka lang, Josh, baka matunaw si Zed sa sama ng titig mo." Sabi pa nito saka tumawa kaya nabaling sa kanya ang sama ng tingin ko.

"Kasi naman eh, bakit niya kasama 'yan?" Naiinis na sabi ko saka tumingin ulit sa kanila.

"Malamang, kasama niya sa music club eh, kalma ka lang diyan, hindi naman mawawala 'yang kaibigan mo." Sagot nito.

Bumuntong hininga nalang ako at umiwas ng tingin sa kanila.

Si Avy ay matagal ko nang kaibigan, bata palang kami. Para na nga kaming iisa dahil lagi kaming magkasama. Magkaibigan din kasi ang mga nanay namin.

Lahat ng secrets namin, sinasabi namin sa isat-isa. Kaya alam kong may gusto siya sa Vice president nila sa music club. Pero may sikreto ako na hindi ko masabi-sabi sa kanya.

"Josh!" Nagulat pa ako sa bigla niyang pagsigaw mula sa likod ko. "Kumain ka na?" Tanong niya saka umupo sa tabi ko.

"Oo, kumain na ako ng sama ng loob." Nakasimangot na sagot ko.

Tumawa naman si Zy dahil sa sinabi ko. "Kumain na 'yan, Avy, siya umubos sa binili ko." Sabi nito kay Avy. Umirap lang ako sa kanila dahil pinag-uusapan kasi nila 'yong si Zed.

"Oo nga pala Josh, baka late kami uuwi mamaya. Ang dami naming aayusin sa music club." Baling sa 'kin ni Avy.

"Hihintayin kita mamaya. Baka late din kami uuwi." Sagot ko. Tumango naman siya at ibinaling na naman ang tingin kay Zy at nagkwentuhan na naman.

Nang matapos kumain ay kanya kanya na kaming lakad. Wala namang klase ngayon dahil nga sa mga club.

Maaga kami natapos kanina sa dance club kaya pumunta na ako sa music club para sunduin si Avy.

"Oy Josh, sinusundo mo ba si Avy?" Tanong ni Stell. Officer ng music club. Halimaw 'to kung kumanta eh. Isa rin sa mga tropa ko.

"Ah, oo." Sagot ko saka umupo sa tabi niya.

Tapos na ata sila sa pagpapa-audition kaya nag-aayos nalang sila ng mga instruments.

"Kuya Josh, kayo na ba ni ate Avy?" Tanong ng isang first year na babae sa 'kin.

Nakita ko pa na tumaas ang kilay ni Avy dahil sa tanong na iyon. "Ah, hindi. Magkaibigan kami." Sagot ko. Kaibigan lang.

"'Yun! May pag-asa pala si VP, eh!" Pang-aasar nung isang member kay Avy at kay Zed. Tinulak tulak pa nila si Zed na napapailing nalang.

Sus! Hindi sila bagay! Mas bagay kami ni Avy 'no! Bagay maging tropa lang. Agoii.

"Josh, tara na." Tumayo na ako nang tawagin ako ni Avy.

"Stell, una na kami!" Kumaway pa ako kay Stell bago kami tuluyang lumabas ng music club.

"Gesi, pupuntahan ko rin si Zy." sagot niya kaya naglakad na kami.

"Josh," tawag niya sa 'kin kaya napatingin ako sa kanya. Naglalakad na kami ngayon. Malapit lang kasi 'yong bahay namin sa school.

"Hmmm?"

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon