20

185 11 0
                                    

[JOSH' P.O.V]

PINAGMAMASDAN ko ngayon ang maaliwalas na mukha ni Avy. Napangiti ako nang higpitan niya ang pagkakayakap sakin.

Hinawi ko ang mga ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya.

"Gandang-ganda ka na naman sakin." Nagulat ako nang magsalita siya. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tulala sa kanya at hindi namalayan na gising na siya.

"Good morning, Avy!" Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa noo. Ngumiti  naman siya sakin pabalik.

"Good morning, ssob." Sagot niya at hinalikan niya din ako sa pisngi kaya mas lalo akong napangiti.

"Bakit ssob?" Kumunot ang noo ko at natawa naman siya.

"Wala, nakita ko lang na iyon ang tawag sa'yo ng A'TIN." Sagot niya.

"Ayaw ko na 'yun tawag mo sakin."  Sabi ko kaya natawa na naman siya. "Gusto ko baby." Patuloy ko. Pinanggigilan naman niya ang pisngi ko.

"Oo na, baby." Sabi nito kaya napangiti ako at yakapin siya ng mahigpit.

"Mauuna ako sa kusina, ipagluluto kita." Sabi ko sa kanya nang makitang pumikit siya ulit. Ngumiti naman siya saka tumango bilang sagot.

Pagkababa ko sa sala ay nadatnan ko si Mama na naghahanda para pumasok sa trabaho.

"Good morning, Josh. Ikaw na muna ang bahala sa dalawa, papasok na ako." Sabi pa nito bago lumabas ng bahay.

Ako naman ay dumeretyo na sa kusina para magluto para sa amin.

Ilang sandali pa ay lumabas na rin sa kwarto ni Mama si Gia na kinukusot pa ang mga mata.

"Good morning, Gia." Ginulo ko ang buhok niya at binuhat siya para paupuin sa stool.

"Wow. Niluto mo 'to lahat?" Tanong ni Avy pagkapasok siya sa kusina.

Tumango naman ako at ngumiti saka lumapit sa kanya at pinaupo siya at nilagyan siya ng kanin at ng mga niluto ko sa plato niya.

"Kuya, ako rin po." Napatingin ako kay Gia na nakatingin sa amin ni Avy kaya natawa ako at nilagyan nadin ang plato niya.

"Yaya for a day ka ba ngayon, Josh?" Natatawang sabi nito habang kumakain na kami.

"Tsk! Gusto ko lang kayong pagsilbihan." Sagot ko at ngumiti sa kanila. "At isa pa anong yaya? Asawa at Daddy ako for today." patuloy ko na ikinatawa niya lang.

Matapos naming kumain ay naisipan kong isama sila sa studio dahil wala namang pupuntahan si Avy ngayon dahil bakasyon na din naman ng mga estudyante.

"Josh, aalis muna ako. Tumawag si Zy." Bulong niya at halatang ayaw niyang marinig ni Paulo na nasa tabi ko. Hindi ko alam ang nangyari kung bakit sila hindi okay ngayon at ayaw ko naman na makialam sa problema nila.

"Sige, ingat ka." Sagot ko saka siya mabilis na halikan sa labi.

"Gia may joke ako." Narinig kong sabi ni Justin kaya napatingin ako sa kanila. Break time namin ngayon kaya may time sila para magkulitan.

"Ayaw ko po marinig 'yan, hindi naman po nakakatawa sabi ni Kuya Josh." Sagot naman ni Gia kaya natawa ako.

"Nahanap mo na katapat mo, Jah." Natatawang sabi ni Stell at tinapik pa ang balikat ni Justin na natatawa na rin dahil sa sinabi ni Gia.

Hapon na nang makabalik si Avy dito sa studio. "Anong itsura 'yan, Avy?" Puna ni Stell nang makita si Avy na nakakunot ang noo.

"May nakasalubong lang akong mga fans niyo 'daw." Sagot naman niya.

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon