14

177 11 1
                                    

"Bakit gising ka pa?" Nagitla ako nang biglang magsalita si Josh sa likod ko. Nakaupo ako ngayon dito sa may hagdan dahil hindi ako makatulog. Hawak ko din ang gitara na nakita ko sa kwarto niya.

Napalayo ako ng konti sa kanya nang umupo siya sa tabi ko. "Hindi a-ako makatulog." Sagot ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"Ako rin." Mahinang sabi nito. "May mga bagay na gumugulo sa isip ko." Patuloy nito at tumingin sa gawi ko saglit.

"Ako rin." Sagot ko. "May mga bagay na matagal ng nangyari pero hanggang ngayon, bumabalik parin sa'kin." Patuloy ko at napayuko nalang at nilaro ang mga daliri ko.

Hindi na siya nagsalita pa pero kinuha niya ang gitara sa'kin. "Lagi nalang ganito." Pagkanta nito. Kinakanta niya ngayon ang 'Dating Tayo' ni TJ Monterde.

"Isipan ay gulong-gulo. Lagi nalang nabibigo. Ngunit ikaw parin, sigaw ng ng puso..." patuloy nito at tumingin sakin.

"Ilang liham na ang sinulat sayo. Ilang luha narin ang natuyo..." napalunok ako ng magtama ang mga mata namin.

Kaya hindi ako makatulog ay dahil iniisip ko kung paano kaya kung, hindi ko siya itinulak palayo noon? Paano kung, sinabi ko nalang sa kanya na, nahulog narin ako sa kanya? Magiging masaya ba kami?

Ilang taon ding gumugulo sa isip ko ang mga katanungan na 'yan. Pero hanggang ngayon wala paring kasagutan.

"Kailan kaya muling makakatawang 'di ko pinipilit. Walang lungkot na sumisilip. Kailan kaya muling makakamit ang 'yong yakap at halik ng hindi sa panaginip... kailan. Kailan... kailan... ang dating tayo." Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kaya na tignan ang mga malungkot niyang mata.

Hindi ko gugustuhin na makita na namang masaktan siya dahil sakin.

Matapos nun ay ibinaba na niya ang gitara sa tabi niya. "Kailan nga ba, Avy?" Tanong niya agad.

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin. "Sa ilang taon na hindi kita nakita, pinilit ko na kalimutan ka, Avy." Patuloy niya.

Dahan-dahan akong napatingin sa kanya at nagtamang muli ang mga mata namin. "Nakakalimutan na kita ,e. Malapit na. Pero bigla kang bumalik." Sabi pa nito. Siya na ang nag-iwas ng tingin. "Pakiramdam ko pinag-lalaruan ako ng ng tadhana. Dahil kahit anong gawin ko pag-iwas sa daan kung saan naroon ka, dinadala ako ng mga paa ko ron." Patuloy niya pa.

Hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong nakinig sa mga sasabihin niya.

"Kahit anong pilit kong kalimutan ka, bumabalik parin ako sa lugar kung nasaan ka." Sabi nito at tumingin ulit sakin.

"Ang lakas mo ata sa taas. Nagkatotoo kasi 'yung sinabi mong hindi ko makakalimutan ang taong gusto ko." Sabi pa nito saka tumawa.

"Sorry..." iyon lang ang nasabi ko. Walang salita ang lumabas sa bibig ko kung hindi ang mag-sorry.

"Ako dapat ang mag-sorry sayo. Nasira ang pagkakaibigan natin dahil lang nagustuhan kita." Sagot nito saka bumuntong hininga. "Hindi ko dapat maramdaman 'yon, pero wala e. Pa-fall ka kasi." Patuloy pa nito saka tumawa na naman ng mahina kaya nahampas ko siya.

"Hindi naman mali o kasalanan na magkagusto ka sa isang tao." Mahinang sabi ko. Yumuko ako dahil hindi ko kayang sakubungin ang mga tingin niya.

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na tumango siya. "Siguro ang mali ko lang ay ang mahalin 'yung taong hindi ako kayang mahalin." Sagot ko nito. Mahina lang pero sapat na iyon para marinig ko.

"Sorry." Mas lalo akong napayuko. Hindi naman kasi totoo na hindi ko siya kayang magustuhan. Dahil sa totoo lang? Noong naging kami ni Zed at hindi na kami ganoon nagkikita, doon ko lang na-realize na gusto ko siya. Ayaw kong paniwalaan. Ayaw kong tanggapin noon dahil baka namimiss ko lang siya dahil iyon lang ang mga araw na magkalayo kami.

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon