10

193 10 1
                                    

[AVY'S P.O.V.]

"Galit po ba si Kuya Jun-Jun ng Pasig?"

Agad kong tinakpan ang bibig ni Gia nang sabihin niya 'yon.

Alanganin akong napatawa ng tignan ako ni Josh ng masama. "Huwag mo na ulit sasabihin 'yon, ah? Josh. Josh ang pangalan niya." Paliwanag ko kay Gia.

"Tss. Kung ano-ano kasi sinasabi mo sa bata." Sabi nito at tumayo. "Bilisan niyo diyan ihahatid ko na kayo sa bahay niyo." Patuloy nito at lumabas na ng kusina.

Nang matapos naming kumain ay inihatid na kami ni Josh sa dati naming bahay. "Shit!" Agad na sabi ko nang may maalala ako.

"Bakit?" Tanong ni Josh. Buhat niya ngayon si Gia na tulog na.

"Wala akong dalang susi." Sagot ko kaya napa'tsked' nalang siya.

"Doon muna kayo sa bahay." Malamig na sabi nito at naglakad na pabalik sa kotse.

Napabuntong hininga nalang ako na sumunod sa kanya. "Sorry sa abala." Sabi ko nang makapasok ulit kami sa bahay nila.

"Sinabi ko na sa kakilala ko na aayusin ang kotse mo. Dadalhin daw niya bukas  dito." Sabi nito at tuloy-tuloy na umakyat sa taas at buhat parin si Gia.

Napabuntong hininga ulit ako at sumunod. "Dito na kayo matulog. Sa guestroom nalang ako." Sabi nito at inilapag na si Gia sa kama saka siya lumabas.

Napa-upo nalang ako sa gilid ng kama at napatulala sa kawalan. "Bakit ba ako napunta sa sitwasyon na 'to?" Bulong ko sa sarili.

Tumayo ako nang makita ko 'yung gitara sa gilid ng cabinet. Agad ko itong kinuha at bumalik sa pagkakaupo sa kama.

Sinimulan ko itong tipahin. "Napapaisip, nananaginip baka sakaling tayo sa huli..." mahinang pagkanta ko.

"Ayaw isipin na alanganin. Nagpapaniwalang 'di masabi." Patuloy ko. Napatigil lang ako nang may kumatok at bumukas ang pinto ng kwarto.

"B-bakit?" Agad na tanong ko.

"Magbihis ka. Ito mga damit. Hindi ko pa 'yan nagagamit huwag kang mag-alala." Sagot niya at inilapag ang damit sa kama saka siya lumabas ulit ng kwarto.

Tinignan ko 'yong damit na ibinigay niya. Isa itong jogging pants na black at black t-shirt.

Napabuntong hininga na naman ako at kinuha iyon at nagtungo sa C.R para makapagpalit.

Kinabukasan nagising ako dahil sa pagtapik ni Gia sa akin. "Kain na daw po," sabi nito kaya bumangon na ako at sabay kaming bumaba.

"Nasaan si Josh?" Tanong ko nang makita na wala si Josh sa kusina.

"Umalis na po." Sagot niya at umupo sa upuan kaya umupo narin ako.

"Gia," tawag ko sa kanya habang ngumunguya siya.

"Po?"

"Wala ka bang nanay at tatay?" Tanong ko. Tumingin naman siya sa'kin at umiling.

"Wala na po. P-pwede p-po ba na kayo nalang ang maging Mama ko?" Sagot nito.

Ginulo ko naman ang buhok niya at ngumiti. "Oo naman." Sagot ko kaya ngumiti siya ng malawak kaya pinisil ko ang pisngi niya.

"Tapos si Kuya Josh po ang Papa ko." Sabi pa nito kaya napaubo ako. "Okay lang po kayo? Ito po tubig." Sabi nito at inabutan ako ng tubig.

Jusko naman!

Nang matapos naming kumain ay dumating na rin ang kotse ko at maayos na kaya bumalik na kami sa bago naming bahay at isinama ko si Gia.

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon