3

235 12 0
                                    

Matapos ang Intramurals ay balik na ulit sa matinding pag-aaral. Minsan pumupunta ako kayla Avy para doon gumawa ng assignments at para mag-review para sa exam namin.

"Birthday daw ni Justin bukas, invited daw tayo." Sabi ko kay Avy at Zy. Nandito kami ngayon sa bahay nila Avy nakatambay.

"G ako. Baka nandun si Paulo." Sagot ni Zy kaya napailing nalang ako.

"Nako. Puro ka Paulo hindi ka rin naman pinapansin non." Sabi naman ni Avy kaya sinabunutan siya ni Zy.

"Hoy Zy! Huwag mo ngang sabunutan si Avy." Pag-awat ko at tinanggal ang kamay niya sa buhok ni Avy.

"Wow ah, akala mo naman mamamatay ang bestfriend mo!" Sigaw niya sa 'kin.

Kinabukasan ay may sumundo sa 'min na van. Ipinadala raw iyon ni Justin. Yaman.

Napanganga pa kami dahil sa laki ng bahay nila Justin. "Bigatin naman pala 'yong si De Dios." Sabi ko pa habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay nila. Hindi halata sa kanya.

"Wazzup mga lods!" Napatingin lang kami nang salubungin kami ni Justin. Naka suot siya ng formal attire na akala mo ay matino siyang tao.

"Happy birthday, Justin!" Bati sa kanya ni Zy at hinawakan pa ang braso niya at lumapit para bumulong. "Nandito ba si Paulo?" Rinig kong bulong niya. Hindi naman ata birthday ni Justin pinunta nito rito, e.

"Tsk! Pumunta ka lang ba rito para kay Paulo?" Kunot ang noong sabi ko sa kanya kaya napabitaw siya kay Justin at masama niya akong tignan.

"Happy birthday, Justin. Oh ito regalo namin, hati-hati kaming tatlo diyan." Sabi ni Avy at inabot na niya ang regalo namin na pinag-ambag ambagan pa namin. Hindi naman kasi kami mayaman 'no.

"Salamat, nag-abala pa kayo. Tara hatid ko kayo sa table niyo." Sagot niya at sinamahan niya kami sa table namin.

Maraming bisita. 'Yong iba nga ata ay mga businessman pa. Baka kaibigan ng parents niya. Nakita ko kanina sa news na kilala sila dahil sa business nila.

"Ang dami mo namang bisita Jah." Bulong ni Zy. Halata ring hindi siya sanay sa ganito kaengrandeng party.

"My mom invited them. Ayaw ko naman talaga ng ganito, pero mapilit sila." Sagot niya. "May bisita nga kami na Santos din, e. Baka kamag-anak mo." patuloy niya kaya natigilan ako.

"Wala akong kilalang kapamilya sa father side." sagot ko nalang.

Nagpaalam muna saglit si Justin para i-welcome ang iba pa niyang bisita. Kami naman ay kumuha na ng pagkain kanina.

"Josh," napatingin ako kay Avy ng tawagin niya ako.

"Bakit?" Tanong ko. Napansin kong hindi siya mapakali kaya hinawakan ko ang kamay niya. "Ano 'yon?" Tanong ko pa.

Tumikhim naman siya saka bumuntong hininga. "N–nanliligaw na sa 'kin si Zed." Sagot niya.

Napakurap ako ng dalawang beses. Nabitawan ko ang kamay niya at umiwas ng tingin.

"Josh," napatingin ako sa kanya ng siya na ang humawak sa kamay ko.

Ngumiti ako sa kanya. "Ayeiii kilig ka na niyan?" Sabi ko sa kanya at sinikap na maging masaya ang tono ng boses ko. "Huwag mo akong kalimutan pag maging kayo na!" Patuloy ko pa ng nakangiti.

"A–akala ko magagalit ka." Sabi nito kaya umiwas ako ng tingin.

Wala naman akong karapatan magalit. Masakit lang talaga.

Nang matapos ang party ay niyaya kami ni Jah para daw sa after party pero dumating si Zed at sinundo si Avy. Naiwan naman kami ni Zy dito.

"Okay ka lang?" Tanong ni Zy saka umupo sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa balcony ng bahay nila Justin.

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon