Napamulat lang ulit ako ng hawakan niya ang mukha ko. Nagtamang muli ang mga mata namin at napapikit na lang ako nang ilapit niya ang mukha at tuluyan nang magdampi ang mga labi niya sa labi ko.
Noong una ay hindi ko pa sinuklian ang mga halik niya pero nang tumagal ay sumabay na ako sa mapusok na halik na iyon.
Parehas naming habol ang hininga nang maglayo ang mga labi namin. Nakatingin na kami ngayon sa mata ng isat-isa.
Napaiwas naman ako ng tingin at napalayo sa kanya ng ma-realize 'yung ginawa namin. Joshko po!
"Sorry." Sabi nito. "Galit ka ba?" Tanong niya. Napalunok ako at umiwas ng tingin.
"Ahm- s-sa kwarto muna ako." Sagot ko at tumakbo na palabas ng kusina.
Napahawak ako sa bandang dibdib ko nang maisara ko ang pinto ng kwarto ko.
Pabagsak akong nahiga sa kama at parang tanga na humawak sa labi. Hanggang ngayon ramdam ko parin 'yung mga labi niya sa labi ko.
Hindi ko alam kung ilang oras akong tulala lang sa kisame ng kwarto ko at paulit-ulit na nagpa-play sa utak ko 'yung nangyari kanina.
Natauhan lang ako ng may kumatok sa kwarto ko. "Avy, hindi ka pa ba lalabas diyan? Kakain na tayo." Rinig kong sabi ni mama sa labas ng kwarto ko.
Wala sa sarili akong napatingin sa wall clock at napamura nalang ako sa isip ko nang makitang 1 PM na. Ganon na ba ako kalutang kanina?
"N-nandito ba pa si Josh?" Kinakabahang tanong ko kay mama. Matapos 'yung nangyari kanina, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.
"Oo, bakit?" Tanong niya. "Bumaba ka na riyan at kumain. Kanina pa kumakatok si Josh dito sa kwarto mo pero hindi ka raw sumasagot." Patuloy niya.
Napatakip nalang ako sa mukha ko. Ganon na ba ka-occupied 'yung utak ko at pati ang pagkatok niya ay hindi ko na narinig? Jusko naman!
Napipilitan akong bumangon dahil gutom narin ako mga marecakes kaya kahit ayaw kong makita siya ay pipilitin ko para sa nagwawala kong lamang loob!
Dahan-dahan akong bumaba. Pigil ko pati paghinga dahil ayaw kong makita ako ni Josh!
"Ginagawa mo?" Napatalon ako nang may biglang magsalita sa likod ko. Paglingon ko nakita ko si Josh na nakakunot ang noo.
"Wala naman, geh sa kusina lang ako." Sagot ko at mabilis na nagtungo sa kusina para kumain.
Tahimik lang kaming dalawa ni Josh habang kumain kabang si Mama naman ay nagkukwento tungkol sa mga kalokohan namin noong bata pa kami. Si Gia naman ay nakikinig lang sa kwento ni Mama.
"Naalala mo ba Josh kung gaano hindi ka payagan ni Avy na umuwi noon?" Natatawang tanong ni Mama kay Josh kaya naman ay napairap ako.
"Ma, matagal na 'yon huwag niyo nang balikan." Walang ganang sabi ko. Ano pa at binabalikan 'yun eh, hindi na nga kami magkaibigan ngayon.
"Ano ka ba? Masayang balikan ang mga masasayang alaala 'no." Sagot ni Mama at hinampas pa ako.
"Ate, ang saya niyo pala noon ni Kuya 'no? Sana may kalaro rin ako." Sabi ni Gia kaya napatingin ako sa kanya.
"Kapag nagkaanak si kuya Josh mo at Ate mo Avy, may kalaro ka na." Sagot ni Mama kaya naibuga ko 'yung kinakain ko. Si Josh naman ay nasamid kaya inabutan siya ni Gia ng tubig.
"Ma! Ano bang sinasabi mo diyan?" Sinamaan ko ng tingin si Mama na natatawa pa sa reaksyon namin ni Josh dahil sa sinabi niya.
"Joke lang naman, e. 'Bat kayo affected?" Pang-aasar pa niya. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain.
BINABASA MO ANG
[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]
Fanfic[Idol Series #1] ➤where in Josh Cullen Santos is deeply in love to Astrea Vyn Alviar. His bestfriend. But that love did not reciprocated. "Kahit na maligaw man ako ng daan papunta sa kanya, mahahanap at mahahanap ko parin ang daan pabalik sa kanya."...