13

164 12 0
                                    

"Sana all may pa resort!" Sigaw ni Stell at Justin nang makita kaming tatlo na paakyat sa unit nila. Kababalik namin sa Manila at ito na ang bungad nila sa'min.

"Sana all complete family!" Gatong pa ni Ken at nakisama narin si Pablo sa kanila.

"Hindi man lang nagyaya!" Sabi naman ni Zy.

"Biglaan lang." Masungit na sagot ni Josh at nilagpasan sila.

"Ano 'yon?! Okay na kayo?" Sinabunutan ako ni Zy kaya sinamaan ko siya ng tintin.

"Pa-chismis naman, Avy." Ngumiti pa si Stell sa'kin pero inirapan ko lang siya.

"Anong nangyari sa resort?" Tanong ni Ken at ngumisi pa kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Joshko po! My innocent mind!" Sigaw ni Justin kaya napailing nalang ako.

"Innocent daw, amp. Lolo mo De Dios!" Sigaw sa kanya ni Zy.

"Bahala kayo sa buhay niyo diyan." Sabi ko sa mga ito at nilagpasan na sila. Para parin silang mga bata.

Naglakad na ako pasunod sa unit ni Zy. Dito na muna kami tutuloy ni Gia.

TULOG na si Gia at Zy pero mulat parin hanggang ngayon ang mata ko. Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ni Zy.

Hindi mawala sa isip ko 'yung mga nangyari matapos kong sabihin kay Josh na mas mabuting hindi na kami magkikita.

Sobrang nasaktan ako nung pumayag siya sa sinabi ko. Sobrang nasaktan ako nung lumayo siya. Sobrang tanga ko na makaramdam ng sakit kahit na ako naman ang may gusto ng nangyari nayon.

Akala ko kaya ko, akala ko lang pala lahat ng 'yon.

Sa pag-iisip-isip ko ay hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako. Kinabukasan, maaga akong nagising dahil pupuntahan ko si Sharlene sa kanila dahil ngayon ang schedule ko para i-tutor siya. Well, hindi naman na kailangan dahil madali lang naman siya makaintindi ng lessons na ibinibigay sa kanya.

Matapos n'on ay sinamahan ko si mama dahil ilalakad pa namin yung papers ni Gia.

"Diba siya 'yun?"

"Oo teh, siya nga."

"So, totoo pala na asawa ni Josh 'yan?"

"Oo, kahapon nga may nakakita sa kanila sa isang resort."

"Ang swerte naman niya. "

"Oo nga e, akala ko JoshTin lang sakalam huhu."

"Sabi ko naman kasi sa'yo teh, KenTell nalang."

Napatingin ako sa mga babaeng nag-uusap habang kumakain nang marinig ang pinag-uusapan nila. Nandito kami ngayon ni mama sa isang restaurant at kumakain.

"Anak, kumusta kayo ni Josh?" Biglang sabi ni mama. Halata sa boses niya na nag-aalala siya.

"Okay lang Ma," mahinang sagot ko. Hindi naman na siya nagsalita pa at ipinagpatuloy nalang ang pagkain. Matapos nun ay umuwi narin kami ni Mama.

WALA naman masyadong nangyari buong week. Pupunta sa condo ni Sharlene, matapos nun ay pupunta sa charity. Ganon lang ang naging routine ko buong week.

Hindi ko naman nakita buong week si Josh dahil busy siya. Minsan kasama ko si Zy at Gia gumala. Pero ngayon ay kami lang ni Gia dahil may shoot si Zy ngayon.

"Hey!" Agad akong napatingin sa babaeng humablot sa kamay ko. Pag harap ko sa kanya ay masama ang tingin sa'kin kaya nagtaka ako.

"Bakit?" Kunot ang noong tanong ko. Umirap naman siya at tinaasan ako ng kilay kaya mas lalo akong nagtaka. Problema nito?

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon