15

190 7 1
                                    

"Avy," tawag sakin ni Zy at tumabi sakin. Pinapanood namin ngayon ang mga bata kasama si Josh. "Narinig ko ng hindi sadya kanina 'yung sinabi ni Josh sa'yo." Patuloy nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Wala ka ba talagang nararamdaman sa kanya?" Tanong nito. Umiwas ako ng tingin at ibinalik ang tingin sa mga bata.

Simula noong makaramdam ako ng kakaiba kay Josh ay wala akong pinagsabihan kahit na kanino dahil akala ko naguguluhan lang ako noon.

"Alam mo, sobrang naaawa din ako sa isang 'yan." Patuloy nito, nakatingin din siya sa kanila. "Kung bakit kasi ikaw ang nagustuhan niya." Patuloy niya saka tumawa kaya hinampas ko siya.

"Sa tingin mo, may gusto ba ako sa kanya?" Tanong ko dahilan para napakunot ang noo niya .

"What do you mean?" Balik tanong nito.

"Hindi ko rin kasi alam kung ano ba ang nararamdaman ko sa kanya." Sagot ko, nakatingin parin kay Josh na nakikipagtawanan sa mga bata.

"Alam mo sa sarili mo ang nararamdaman mo, pinipigilan mo lang." Sagot nito.

Napaiwas ako ng tingin nang lumingon si Josh sa gawi namin.

"Huwag mo kasing isipin 'yung mga bagay na hindi pa naman nangyayari. Huwag kang mag overthink. Ganyan 'yung nangyari sa inyo noon, e. Sa kakaisip mo na hindi kayo magwo-work as a couple, ayon pati 'yung friendship niyo nawala." Patuloy niya pa.

"Hindi naman kasi masama ang mag-risk. Hindi masama sumubok, Avy." Dagdag niya.

"Ayaw ko. Alam ko kasing hindi kami pwede." Sagot ko. Napairap siya at humalikipkip pa.

"Hindi ka sure teh. Huwag kang advance mag-isip." Sabi nito. "Sinasabi ko sa 'yo, pag hindi ka pa gagalaw ngayon, baka maunahan ka pa ng iba." Patuloy nito at nilayasan na ako.

Kinahapunan, sasabay sana kami ni Gia kay Zy pero ipinagtabuyan niya kami at parang ibinugaw niya ako kay Josh. Para namang hindi kaibigan.

"So, cavite o pasig?" Tanong niya habang inilalagay niya ang seatbelt niya.

"Pasig." Tipid na sagot ko. Gumugulo parin sakin 'yung sinabi ni Zy kanina.

Paano nga kaya kung bigyan ko ng chance 'yung sa amin?

"Avy,"

"Ay palaka!" Sigaw ko dahil sa gulat nang hawakan niya ang balikat ko. Kanina pa pala ako tulala.

"Nasaan po!?" Sigaw ni Gia na nasa likod. Natawa ako dahil ramdam ko 'yung takot niya.

"Sabog ka ba? Kanina ka pa lutang." Sabi ni Josh. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay namin.

"May iniisip lang." Sagot ko at dali-daling tinanggal ang seatbelt ko at bumaba na.

Tinulungan ko din si Gia sa pagbaba at nauna na siyang pumasok sa bahay dahil inaantok na raw siya.

"Oh!" Napatingin ako kay Josh nang may inabot siyang isang parihabang papel. Dalawa iyon.

"Ano 'yan?" Tanong ko.

"Ticket. May mini concert kami next week. Pumunta kayo ni Gia." Sagot niya.

"Bakit? Anong gagawin namin 'dun?" Tanong ko. Hindi naman nakawala sa paningin ko ang pag-irap niya.

"Magca-camping kayo 'dun, Avy." He sarcastically said. Ako naman ang napairap.

"Sige tignan ko." Sagot ko at kinuha na sa kanya ang ticket.

The day passed smoothly. Dumating nga ang araw ng concert nila.

Kanina after lunch ay sinundo kami ni Zy at sabay kaming pumunta sa venue ng concert.

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon