21

166 8 2
                                    

[AVY'S P.O.V]

PAGKAPASOK ko sa building nang pinapasukan kong kumpanya ay agad akong pumunta sa table ni Lena.

"Ano bang problema mo?" Agad na sabi nito nang hampasin ko ang table niya. Tinaasan pa niya ako ng kilay pero seryoso lang akong nakatingin sa kanya.

"Ikaw ang problema ko. Ganyan ka na ba kadesperada para gawin 'yun at makasakit ng inosenteng bata?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Look, I don't fucking know what you're talking." Painosenteng sagot nito. Napatingin ako kay Sheena nang hawakan niya ang kamay ko.

"Alam kong ikaw ang nasa likod ng kumakalat na videos. Ano bang makukuha mo kung mapatunayan mo man na hindi nga kami tunay na mag-asawa ni Josh at hindi namin anak si Gia?"

"You don't deserve Josh, Avy. That's the reason kung bakit ko 'yun ginawa." Sagot niya kaya hinawakan ko siya sa braso dahilan para mapangiwi siya.

"At sa tingin mo ikaw ang deserving? Mangarap ka, dahil kahit anong gawin mo hindi ka niya papatulan. Pasalamat ka at walang masamang nangyari kay Gia." Itinulak ko siya at saka lumabas ng building.

Naramdaman kong sumunod si Sheena sakin. "Avy," tawag niya sakin kaya lumingon ako sa kanya.

"Pakisabi nalang kay boss na humihingi ako ng pasensya dahil sa gulong ginawa ko." Seryosong sabi ko at saka pumara ng taxi para bumalik sa hospital.

"Saan ka galing?" Tanong agad ni Zy nang makita ako.

"Pinuntahan ko si Lena." Sagot ko at umupo sa tabi niya. "Si Josh nasaan?" Tanong ko.

"Bumalik na siya sa studio dahil pinatawag siya ng boss niya." Sagot niya.

"Wala man lang ba siyang gagawin para mawala sa social media 'yung video?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Kalat na rin ang mga pictures ni Gia, wala rin ba siyang gagawin dun?" Patuloy ko.

"Kumalma ka lang, Avy." Hinawakan ako ni Zy sa balikat. "For sure may ginagawa nang action ang SBT dito." Patuloy niya.

KINABUKASAN, sinabi nang doktor na pwede nang lumabas si Gia kaya ngayon ay pauwi na kami.

Marami pa kaming nakitang mga reporter sa labas ng hospital buti nalang dahil hindi nila kami napansin kaya nakalabas kami agad.

"Ate, si kuya Josh?" Mahinang tanong ni Gia kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko naman alam ang isasagot dahil naiinis ako kay Josh kaya si Zy nalang ang sumagot sa tanong niya.

"Busy ang kuya Josh mo, huwag kang mag-alala, pupuntahan ka rin niya sa bahay niyo." Ginulo ni Zy ang buhok niya at ngumiti naman siya.

ISANG linggo na ang nakalipas pero hindi parin nagpaparamdam si Josh na dahilan para mas lalo akong mainis sa kanya.

Hindi din ako makapagtrabaho ng maayos dahil hindi parin tumitigil ang mga ilang fans nila at inaabangan ako sa trabaho. Kulang nalang ay sundan nila ako sa bahay.

Ilang beses ko nang tinawagan si Josh pero hindi ko siya ma-contact. Laging nakapatay ang phone niya.

"Hindi pa ba tumatawag si Josh sa'yo?" Tanong ni Zy. Nandito ako ngayon sa condo niya. Nagbabakasakali kasi ako na umuwi ang SB19 dito sa unit nila pero hindi. Walang tao roon kaya dumeretyo na lang ako dito kay Zy.

"Hindi pa. Bahala na siya. Parang wala naman na siyang pakialam." Sagot ko at tumayo narin para umuwi.

"Intindihin mo nalang, Avy. Busy sila dahil may concert sila." Sabi nito. Tumango nalang ako at nagpaalam nang uuwi.

Naiintindihan ko naman talaga siya, e. Pero sana naman bigyan niya kami ni Gia ng kahit konting oras man lang para kumustahin.

[JOSH' P.O.V]

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon