[ASTREA VYN P.O.V.]
"ANO?!" sigaw ni mama mula sa telepeno, nailayo ko tuloy 'yon sa tenga ko.
"Ma, hindi na ako masaya rito. Gusto ko nalang bumalik diyan at diyan ko tuparin ang pangarap ko ng kasama ka." Sagot ko.
Dalawa o tatlong taon na ako dito sa Thailand kasama si Tita. Nagtututor ako dito at malaki naman ang sahod, pero hindi ko 'to gusto. Gusto kong bumalik ng Pilipinas para doon magturo. Nakapag pasa narin ako ng application form sa isang company doon.
"Anak, sigurado ka na ba diyan? Konti nalang at susunod na ako sa inyo diyan." Sagot niya kaya napabuntong hininga ako.
"Ma, sigurado na ako. Gusto kong makatulong sa kapwa natin Pilipino. Gusto kong turuan ang mga kabataan na hindi nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral." Patuloy ko.
"Kung 'yan ang desisyon mo, sige, susuportahan kita, anak." Sagot niya kaya napangiti ako.
"Salamat, Ma." Sagot ko at pinatay na ang telepono.
Makalipas nga ng isang linggo ay umuwi ako ng Pilipinas. Sinundo pa ako sa airport ni Mama at Zy na naka disguise pa. Iba talaga pag sikat.
"Welcome back, Astrea!" Sigaw ni Zy nang makita ako at tumakbo pa sa akin para mayakap ako.
"Na-miss kita anak." Sabi naman ni mama at yumakap narin sa'kin.
"Na-miss ko kayo." Sagot ko at sinuklian ang yakap nila.
"Tara na, kain muna tayo bago tayo umuwi." Sabi ni mama at kumalas na sa pagkakayakap.
Naglakad na kami palabas ng airport at pumunta sa malapit na restaurant. "Iba ka na talaga, Zy." Puna ko sa kanya.
"Anong iba? Avy, walang nagbago sa'kin, maganda parin ako." Sagot niya kaya napairap ako. "Ang boy bestfriend mo ang ibang klase na, sis." Patuloy nito at nginisihan ako.
"What?" Inis na sabi ko dahil sa tingin niya.
"Hindi mo man lang ba siya kukumustahin?" Tanong niya. Tinignan ko siya ng seryoso kaya itinikom na niya ang bibig.
Hindi pa ako handa para makita siya. Sa masakit na ginawa ko sa kanya that day, hindi ko alam kung paano pa ako haharap sa kanya.
Matapos naming kumain ay umuwi narin kami dahil gusto ko na magpahinga.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad na akong kumuha ng damit sa maleta ko at nagtungo sa C.R para maligo. Matapos 'non ay pabagsak akong nahiga sa kama at ipinikit ang mga mata dahil napagod sa flight.
Nagising ako dahil sa katok sa labas ng kwarto ko kaya agad na akong tumayo at buksan iyon. Umaga na pala.
"Nakahanda na ang pagkain." Bumgad ni Mama at sabay na kaming bumaba para kumain.
"Ma, pupunta nga pala ako sa condo ni Zy ngayon." Paalam ko habang kumakain kami. "At baka sa dati nating bahay ako uuwi mamaya." Patuloy ko. Na-miss ko rin kasi ang bahay namin sa Cavite.
Pumayag naman siya kaya pagkatapos naming kumain ay agad na akong bumalik sa kwarto ko para maligo.
Nakasuot ako ngayon ng pastel blue sleeves top paired with high waisted shorts at white rubber shoes. Naka messy bun din ang buhok ko dahil sa condo lang naman ni Zy ako pupunta.
Matapos ko mag-ayos ay kinuha ko na ang bag ko na nakapatong sa kama at lumabas na ng kwarto at nagpaalam kay Mama.
Pagkarating ko sa tapat ng condo niya ay agad kong kinuha ang phone ko sa bag and dialed her number.
"Nasa tapat na ako ng condo mo." Bungad ko pagpasagot palang niya ng phone.
["Nasa gym ako ngayon. Deretyo ka nalang here."] Sagot niya kaya napairap ako kahit hindi naman niya nakikita.
BINABASA MO ANG
[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]
Fanfic[Idol Series #1] ➤where in Josh Cullen Santos is deeply in love to Astrea Vyn Alviar. His bestfriend. But that love did not reciprocated. "Kahit na maligaw man ako ng daan papunta sa kanya, mahahanap at mahahanap ko parin ang daan pabalik sa kanya."...