25

218 14 0
                                    

WARNING MATURE CONTENT!

[AVY'S P.O.V]

"Ikaw."

Gulat akong napatingin sa kanya at nagtama ang mga mata namin. "Ikaw ang kulang, Avy." Patuloy niya. Napayuko ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Kahit masaktan ako ng paulit-ulit dahil sayo, okay lang. Alam kong cringe pakinggan pero totoo," Sabi pa nito.

Unti-unti kong inangat ang tingin ko sa kanya at nagtama ulit ang mata namin. "Nakakainis lang dahil kahit anong iwas ko, bumabalik pa rin ako sa'yo. Iyon ata ang sumpa ko, Avy. Ang bumalik sa'yo kahit na sinasadya kong iligaw ang sarili ko." Patuloy niya pa.

"I'm sorry," mahinang sabi ko. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

"Okay lang kung hindi mo talaga ako kayang mahalin gaya nang kung paano kita mahalin–"

"No." Putol ko agad. "I mean, I'm saying sorry dahil ang dali ko lang sumuko. I do love you Josh higit pa sa inaakala mo. Hindi ko lang talaga nakaya 'yung mga nangyari this past few weeks. But I realized na hindi naman ang pagsuko ang solusyon sa lahat," patuloy ko.

Lumapit siya sakin at hindi ko inaasahan na yakapin niya ako. "Balik ka na sa'kin." Bulong niya. Tumango ako at niyakap din siya pabalik.

"I love you."

"I love you, Avy." Sagot nito. "Pero may utang ka pa sa'kin." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tignan siya ng nagtataka.

"Ano? Sabihin mo na para mabayaran ko." Sagot ko. Tumawa na siya saka ginulo ang buhok ko.

"Saka na, balik na tayo sa hotel." Sabi nito at kinuha ang kamay ko at sabay kami naglakad pabalik ng hotel. Pero napatigil ako nang may maalala.

"Bakit?" Tanong niya at tignan ako ng nakakunot ang noo.

"Kasama mo si Shin sa iisang room!" Sunamaan ko siya ng tingin. Tumawa na naman siya kaya mas lalo ko lang siyang samaan ng tingin.

"E 'di sa hotel room mo nalang ako matutulog ngayon." Sagot niya at mabilis akong halikan sa labi bago siya naunang maglakad. Naiwan naman akong tulala at hindi nakagalaw sa kinatatayuan. Napabalik lang ako sa huwisyo nang tawagin niya ako.

---

"Happy birthday, Stell!" Sabay-sabay naming bati kay Stell. Maaga kaming nagising kanina para maihanda 'tong surprise raw namin sa kanya. May mga balloons pa na nagkalat na siyang nilalaro ni Gia.

"Salamat mga pare!"

"Hey!" Tawag ni Shin kay Josh. Kararating niya lang, galing ata sa hotel room nila ni Gia. "Saan ka natulog kagabi?" Tanong niya at humawak pa sa balikat nito.

"Sa room ni Avy." Diretsong sagot niya. Napatingin naman si Shin sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh! By the way, happy birthday, Stell." Sabi nito at inilipat ang tingin kay Stell.

"Salamat." Sagot nito.

MATAPOS namin kumain lahat ng inihanda namin para kay Stell ay nagyaya sila na pumunta sa dagat.

Bumalik muna ako sa hotel room ko para magpalit. Ngayon ay sa akin na sumama si Gia.

"Ate, ang sexy mo." Sabi nito nang lumabas ako ng C.R.

R

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon