Mabilis ulit lumipas ang araw. Ang dami ng natanggal sa mga trainee at konti nalang kaming natira.
Ngayon ay may pinapagawa si teacher Hong. Grupo-grupo 'to and thank God dahil kasama ko si Justin at Stell. Ka group din namin si Paulo at sa kabila naman si Ken. Sayang hindi namin siya ka-grupo.
"Guys listen. Buong week ko kayong bibigyan ng chance to practice. This is your last chance, dahil kung sino man ang limang matitira matapos ang week na 'to ay sila na ang ipapadala sa Korea para sa training at may chance na mag debut as a group." Paliwanag ni Ms. Hong sa harap. "Good luck." Patuloy niya.
"So, anong gagawin natin ngayon? Kailangan may maging leader." Sabi ni Justin.
"Kayo na bahala kung sino gusto niyo maging leader." Sagot nung si Calix, isa naming ka-grupo.
"Si Paulo nalang." Suhestiyon ko. Tumingin naman sakin si Paulo at kunot ang noo. "Suggestion lang naman, ito naman." Patuloy ko. Nakakatakot naman kasi. Parang mangangain mg buhay.
"I agree. I think Paulo is the right one to become our group leader." Sabi naman ni Stell kaya napatingin ako sa kanya. "English 'yon. Huwag niyo akong hawakan." Biro niya pa kaya natawa kami ni Justin. Siraulo talaga.
Sa huli pumayag nalang din si Paulo na siya ang maging group leader namin.
Magaling naman talaga siyang leader. Nakikinig siya sa mga suggestion namin about sa gagawin namin.
Dumating na nga ang last na evaluation namin at sobra na 'yong kaba na nararamdaman ko ngayon.
Sa dalawang grupo pipili sila sa mga members. Parang grupo kaming nag perform pero parang individual parin. Pwedeng sa grupo namin may makukuha at pwede ding may hindi makukuha.
Una nilang tinawag si Paulo. Naghawak kamay pa kaming tatlo nila Stell at Justin dahil sa kaba.
"Kahit anong mangyari susuportahan ko kayo." Bulong ni Stell sa 'min ni Justin.
Muntik naman akong mapasigaw ng tawagin ni Ms. Hong ang pangalan ko. "Congrats, lods." Tinapik ni Justin ang balikat ko at yumakap si Stell sa 'kin.
"Congratulations dahil pasok ka sa top 5, Stell Ajero." Napangiti ako nang nakapasok din si Stell. Hindi na ako magtataka doon dahil magaling talaga siyang kumanta at sumayaw. "Congrats din sa 'yo dahil pasok ka. Justin De Dios." Nag high five kami ni Stell nang tawagin si Justin.
"Hindi ako makapaniwala na nakapasok ako." Sabi ni Jah nang makalapit sa 'min ni Stell. Iba din kasi ang hirap niya. Minsan gusto na niyang sumuko pero pinapalakas lang namin ang loob niya.
"Deserve mo din naman." Sagot ni Stell.
"And lastly, congratulations, Ken Suson." Napangiti kaming tatlo nang marinig ang pangalan ni Ken. Akalain mo 'yon? Kaming lima ang nakapasok.
"Congrats sa 'tin. Arat sa Mang J, mag celebrate tayo!" Sigaw ni Stell. Mula kasi nung nagtrain kami dito sa sbt, sa Mang J kami kumakain. Noong naging kagrupo namin si Paulo at Ken, sumasama na sila sa 'min.
Ang akala ko nga ay masungit itong si Paulo pero hindi naman. May pagka cold lang pero nakikisama naman siya sa trip namin.
Si Ken naman, tahimik talaga siya. Pero minsan tatawa nalang bigla. Ang weird niya din eh.
Nandito kami ngayon sa dance studio at nakaupo kaming lima sa sahig. Katatapos lang namin sa training.
"Ang sakit na ng katawan ko." Reklamo ni Justin at hinihilot pa ang paa.
"Ako din, parang hindi ko na kaya." Sagot ni Ken kaya binatukan siya ni Paulo.
"Tsk! Nagsisimula palang tayo. Dapat kayanin niyo. This is our dream right? So fight for it!" Matalim niyang tinignan si Ken at Justin na napayuko nalang.
BINABASA MO ANG
[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]
Fanfic[Idol Series #1] ➤where in Josh Cullen Santos is deeply in love to Astrea Vyn Alviar. His bestfriend. But that love did not reciprocated. "Kahit na maligaw man ako ng daan papunta sa kanya, mahahanap at mahahanap ko parin ang daan pabalik sa kanya."...