6

183 9 1
                                    

"Laro tayo!" Sigaw ni Stell at umupo sa tabi ko.

Nandito kami ngayon sa tabing dagat. Lumubog na ang araw. Naisipan lang namin na dito muna kami sa tabing dagat para magkwentuhan. Marami kasi kaming ginawa buong araw.

"Anong laro?" Tanong ni Justin.

"Q and A!" Sagot ni Stell. Kumunot ang noo ko.

"Ano na naman 'yang kalokohan na 'yan?" Kunot ang noong sabi ko. Ang dami nilang pauso.

"KJ mo naman. Sumali ka nalang."sagot ni Justin.

Wala na akong nagawa at sumali nalang din. Kagaya ko, napilitan ding sumali sa laro si Paulo.

"Ako una magtatanong!" Sigaw ni Stell. "Love o career?" Tanong niya. Unang sumagot si Justin.

"Career muna bago love." Sagot niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nakakapaghintay naman ang love, e." Sagot niya. "Ikaw ano pipiliin mo?" Balik tanong niya sa'kin.

"Career din." Sagot ko.

"Weh?" Pag-epal ni Stell at ngumisi sa'kin at tumingin pa kay Avy.

"Tsk! Palitan niyo 'yong laro ang boring." Sabi ni Zy kaya napatingin kami lahat sa kanya. "Put a finger down nalang." Patuloy niya. Sumang-ayon naman si Justin at Stell. Napairap naman si Paulo.

"Okay, put a finger down kung may chance na mahulog kayo sa kaibigan niyo!" Ngisi ni Justin kaya binatukan ko siya. Parang tanga 'yong laro.

"Ang daya naman!" Sigaw ko sa kanya. Nakita kong nagbaba ng daliri si Avy kaya napabuntong hininga ako.

"Naks Avy, kanino ka mahuhulog? Kay Josh?" Tanong ni Zy kaya napaiwas ng tingin si Avy.

"Hindi." Agad na sagot niya. Napaawang naman ang labi nila maliban kay Paulo na tahimik lang.

"CR lang ako." Paalam ko at tumayo na. Agad na akong naglakad palayo sa kanila. Ano ba kasing aasahan kong sagot?

Hindi naman talaga ako pumunta sa CR. Gusto ko lang umalis doon. Kahit naman anong pigil ko sa sarili ko na huwag na pansinin ang nararamdaman ko, pero sa tuwing pinipigilan ko mas lalo lang ako nalulunod. Mas lalo lang akong nahuhulog. Tama nga siguro 'yong sinabi ni Justin.

"Josh!" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya. Napapikit ako nang mariin. Bakit mo ba ako pinapahirapan?

"Bakit mo ba ako sinundan?" Tanong ko. Hindi humarap sa kanya. "Para bigyan na naman ng false hope?" Patuloy ko.

"Gusto ko lang sabihin na hindi ko gusto 'yung idea na may gusto ka sa'kin." Sagot niya kaya napaharap ako sa kanya.

"Sa ayaw at sa gusto mo Avy, gusto kita." Sagot ko. Napayuko siya.

"Kung ganon, mas mabuti nang hindi na tayo mag-usap at magkita pa. Dahil kapag nakikita mo ako at nakikita kita, mas masasaktan lang kita." Sagot niya at tumalikod sa'kin.

"Siguro nga." Bulong ko at mapait na tumango. "Ayaw ko naring makita ka dahil ang sakit mong mahalin, Avy." Patuloy ko at tumalikod narin at naglakad pabalik ng hotel room namin ni Paulo.

Kinabukasan maaga kaming nagising dahil babalik na kami ng Manila.

Nauna akong pumasok sa van at doon ako sa pinakalikod umupo.

Nagtama pa ang mga mata namin ni Avy dahil siya ang sumunod na pumasok pero umiwas ako ng tingin at tumingin nalang sa labas.

"Tsk! Fucking love..." Bulong nitong katabi ko kaya napatingin ako sa kanya.

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon