11

168 9 1
                                    

"Avy!" Napaiktad ako nang marinig ang sigaw ni Zy. Nandito ako ngayon sa sala ng bahay namin at nakatulala habang nakikinig ng balita.

"Naloko na! May itu-tutor pa ako mamaya." Napahawak ako sa sintido ko dahil sa frustration. Matapos kasi ang nangyari kahapon sa store ay may kumalat na issue na anak daw ni Josh ang kasama niya at ako naman ang asawa niya at sinikreto lang ng SBT 'yung tungkol doon.

"Hindi naman kita 'yang mukha mo, e. Pero for now siguro huwag na muna kayo magkita ni Josh." Sagot nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi na talaga. Ayaw ko nang magkaroon na naman ng dahilan para masaktan namin ang isat-isa." Sagot ko.

After lunch, pumunta ako sa bahay ng itu-tutor ko ngayon. Isa siyang sikat na artista kaya kumukuha siya ng private tutor dahil narin sa busy schedule niya.

"Hello po, ako po si Sharlene." Pakilala niya at malawak ang ngiti kaya napangiti din ako.

Graduating na siya this year naging komplikado daw ang schedule niya kaya kailangan niya ng tutor dahil hindi siya gaanong nakakapasok sa school.

"Huwag po kayo mahihiya sa'kin." Patuloy niya kaya napangiti ako. Mabait talaga siya. Hindi na ako magtataka na crush siya ni Justin. Maasar nga si Justin pag nagkita kami.

Nang matapos na ang pagtuturo ko sa kanya sa mga na-skip niyang lessons sa klase niya ay agad na akong nagpaalam sa kanya na umuwi.

"Thank you, Ms. Alviar. Sobrang galing niyo pong tutor." Sabi nito kaya natawa ako ng bahagya.

"Wala 'yon. Mauuna na ako, study well." Sagot ko at kumaway na sa kanya at lumabas ng bahay nila.

Bago ako umuwi sa bahay ay dumeretyo ako sa condo ni Zy dahil nandoon si Gia.

As I parked the car, agad na akong lumabas at umakyat sa unit ni Zy. Kilala naman na ako nung guard kaya agad niya akong pinapasok.

"Wala bang nakasunod sa'yo?" Tanong niya pagkabukas niya nang pinto kaya napakunot ang noo ko.

"Anong nakasunod?" Takang tanong ko. Napairap naman siya at pinasok sa loob. Nakita ko naman si Gia na nakaupo sa sofa at nanonood ng cartoons sa TV.

"Ate!" Tawag niya nang makita ako at tumakbo agad sa'kin.

"Nakakatampo naman 'yon Gia. Tinatawag mo si Josh ng Daddy tapos ako Tita?" I dramatically said kaya tumawa siya. Napatikhim naman si Zy na nakatayo lang sa tabi ko.

"Avy," tawag ni Zy sa'kin kaya napatingin ako sa kanya. "Nakita ko kanina sa balita na sinabi ni Josh na totoong asawa ka niya." Patuloy niya kaya napatayo ako at hinila siya para hindi marinig ni Gia ang pag-uusapan namin.

"What?! Is he crazy? Bakit niya 'yon ginawa?" Mariin na sabi ko at napahawak na lang sa ulo dahil sumakit bigla.

Hindi ba niya alam na pwedeng makasira 'yon sa career niya? They're just getting to be known worldwide tapos sasabihin niya 'yon?

"Mas mabuti na siguro na siya ang kausapin mo, dahil hindi ko din alam kung ano ang pumasok sa isip niya at sinabi niya iyon." She answered.

"And you? Are you okay with that you so called secretly dating thingy?" Tanong ko sa kanya.

"You know what, this is the nature of being a celebrity. We're not dating secretly, we're just letting our relationships to be private." She answered. "And I'm not the issue here. What's your plan?" She added.

"I don't know." Sagot ko. "This is frustrating me! Bumalik ako dito para makatulong hindi para maging secret wife ng isang ppop idol!" Napahawak ako sa sintido dahil sa frustration. Damn!

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon