23

160 11 1
                                    

[AVY'S P.O.V]

"Gia, bilisan mo! Late ka na!" Sigaw ko mula sa sala. Kanina ko pa siya tinatawag dahil naiwan niya 'yung bag niya sa kwarto. Ngayon kasi ang first day niya sa school kaya ihahatid ko siya.

"Ito na po!" Sagot niya at nakita ko siyang pababa na sa hagdan.

"Oh, ingat." Sabi ko dahil muntik na siyang madulas.

"Tara na po! Excited na ako!" Sabi nito at nauna nang lumabas ng bahay kaya napangiti ako at sinundan siya.

"Ma! Mauuna na kami!" Sigaw ko kay Mama na nasa kusina.

"Sige, ingat kayo!" Sigaw niya pabalik.

"Ate, hindi ba talaga darating si Kuya Josh?" Tanong niya nang nasa kotse na kami kaya nilingon ko siya.

Napabuntong hininga ako. Simula last week hindi pa ako nakakakuha ng tamang tiyempo para makausap siya. Lagi kasing busy tapos hindi ko siya naaabutan sa unit nila. Ito na nga ata talaga ang totoo kong karma.

"Hindi ko alam." Sagot ko at ngumiti nalang sa kanya. "Nandito naman ako, e." Patuloy ko. Tumango nalang siya pero alam kong nami-miss niya rin si Josh. Ako rin naman, pero wala, e. Baka nakalimutan na nga niya talaga kami. Hayst.

"Ate, okay na ako rito. Huwag niyo na po ako ihatid." Ngiti ni Gia nang nasa tapat na kami ng gate ng school na papasukan niya.

Ginulo ko ang buhok niya saka ngumiti sa kanya. "Sige. Basta ang mga bilin ko sa'yo huwag mong kakalimutan." Bilin ko. Tumango naman siya.

"Opo! Bye po!" Sagot nito at kumaway sakin bago siya pumasok kaya bumalik na ako sa kotse.

May itututor ako ngayong araw kaya doon ako dumeretso.

"Good morning, Avy." Bati ni Sheena nang makita ako.

"Good morning, nandyan na ba 'yung Thai na itu-tutor ko?" Tanong ko. Tumango naman siya at nakangiti pa na parang kinikilig. Napailing nalang ako.

"Pogi bes," bulong nito kaya nataw ako. Ganyan na siya noon pa man. Kapag may mga students kaming pogi ginaganahan talaga siyang magtrabaho, eh.

Nang makita ko ang itututor ko ngayon ay tama si Sheena, gwapo nga. Pero wala naman akong pakialam dun.

Lumapit nalang ako sa kanya at sinimulan na siyang turuan ng mga basic tagalog phrases. Ako 'yung pinili ni boss na mag-tutor sa kanya dahil alam niyang galing ako sa Thailand at may alam naman ako sa salita nila.

NANG lunch ay pumunta ako sa school para sunduin si Gia. Half day lang sa Pre-school palang naman siya.

Pagkarating ko sa tapat ng school ay may nakita akong nagkakagulo ang mga tao. Parang may artista dahil nagsisigawan pa 'yung iba at may mga hawak na cellphone at kumukuha ng mga pictures.

Nagsuot ako ng cap. Nagpapakasigurado lang ako na walang makakilala sa'kin.

Hindi ko nalang sana papansinin 'yung kaguluhan nang makita kong si Josh ang pinagkakaguluhan.

Teka? Anong ginagawa niya rito?!

Magtatago na sana ako pero may tumawag sa pangalan ko. Si Gia.

Agad din na nagsilingunan sa akin 'yung mga tao at pati na rin si Josh kaya napapikit na lang ako. "Ate Avy!" Sigaw pa ulit ni Gia kaya wala na akong nagawa kun'di ang lumapit sa kanila.

Nagsitabihan naman 'yung mga tao nang palapit ako sa kanila. 'Yung iba nagbubulungan.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Tumingin siya sa'kin saglit pero nalipat agad 'yung tingin niya kay Gia.

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon