Epilogue

339 17 5
                                    

Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak

Suot ang magandang wedding gown na pinili ng mga magulang namin ni Avy, nagsimula siyang maglakad sa isle nang may ngiti sa mga labi habang hawak ng Mama at Papa niya ang kamay niya.

In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece

Mula sa kinaroroonan ko, kitang-kita ko ang pagpunas niya sa mga mata niya ang luhang tumulo mula roon.

So as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight

Ako din ay nagsimula na ring manubig ang mga mata. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na despite sa mga napagdaanan namin, nandito na kami sa new chapter ng buhay namin.

What we have is timeless
My love is endless
And with this ring I say to the world

You're my every reason
You're all that I believe in
With all my heart I mean every word

"Ingatan mo ang anak namin." Sabi ni Papa nang ibigay niya ang kamay ni Avy sa 'kin.

"Welcome family and friends. We gathered here today to witness and celebrate the marriage of Astrea and Josh." Panimula nang pari na magkakasal sa amin. "This is not the beginning of new relationship but an acknowledgement of next chapter in their lives together." Patuloy nito.

"Today, they will affirm this bond formally and publicly..."

""Avy, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na ikinakasal na ako sa'yo. Hindi ko na sasabihin kung paano, saan at kung kailan kita nagustuhan at minahal. Pero sasabihin ko kung gaano mo ako hindi minahal noon." Sabi ko at saka tumawa. Sinamaan niya ako ng tingin at pabirong hinampas ang braso ko na mas lalo ko lang ikinatawa.

"Kidding aside, hindi ko alam kung anong gayuma ang pinainom mo sa'kin dahil kahit anong pilit kong umiwas sa daan papunta sa'yo, kusa parin akong naglalakad papunta sa'yo. Dahil kahit iligaw ko man ang sarili ko huwag lang mapunta sa'yo, mahahanap at mahahanap ko parin ang daan pabalik sa'yo." Patuloy ko.

"Today, in front of our friends, family and to God, I, Josh Cullen Santos, take you Astrea Vyn Alviar to be my lawfully wedded wife... to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, for sickness and in health, to love and to cherish, 'til death do us part."

"Josh, sa totoo lang hindi talaga kita gusto noon." She started. I glare at her kaya natawa siya. Pati sila Justin at Stell ay natawa kaya sinamaan ko din sila ng tingin. Mga siraulo.

"But seriously, you're worth loving. Hindi man kita nagustuhan noong una, but I promise that I will love you till the end." Patuloy niya kaya napangiti ako.

"I promise today, in front of our friends, family and to God that I, Astrea Vyn Alviar, take you Josh Cullen Santos to be my lawfully wedded husband... to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, for sickness and in health, to love and to cherish, 'til death do us part."

"And by the power vested in me, Josh, you may now kiss your bride."

Iniangat ko ang puting veil na nakaharang sa mukha niya. Nakatitig lang ako sa mga mata niya ng may ngiti sa labi. Gano'n din siya, nakangiti habang naiiyak kaya naluluha rin tuloy ako.

Hinawi ko ang mga ilang hibla ng buhok sa mukha niya.

l leaned closer and I  gave her a soft kiss.

________________

"Josh!" Sigaw iyon mula sa asawa ko. Naks asaw— "Josh Cullen Santos!" Sigaw na naman niya kaya agad na akong tumakbo papunta sa kanya. Baka may lumipad na pinggan pag hindi pa ako pumunta sa kanya.

"Yes, babe?" Tanong ko. Kumurap-kurap pa ako sa harap niya pero masama parin ang tingin niya sa'kin.

"Ano na namang ginawa mo kay Calvin?!" Tanong niya. Ang tinutukoy niya ay ang anak namin na si Calvin. He's now 1 year old.

2 years ago simula noong magpakasal kami ni Avy.

Until now, hindi parin ako makapaniwala na kasal na kami.

Sino ba naman kasi ang mag-aakala na tama pala ang hula noon ni Justin.

Avy is my first and last love. Siya rin ang first heartbreak ko.

Being with her, Gia and Calvin, wala na akong hihilingin pa. Sila ang buhay ko.

Sa lahat ng mga nangyari na hindi maganda sa amin ni Avy, noon, masasabi ko na worth it lahat ng sakit na 'yun dahil ang kapalit non ay ito, ang masasabi kong simple at masayang pamilya.

Hindi man ito ang ending ng story namin, alam kong lahat ng mga problema na darating pa sa buhay namin ay makakaya na naming lampasan dahil kasama namin ang isat-isa.

"Bakit mo pinasuot sa kanya 'yung damit ni Gia!" Sigaw niya sa'kin kaya napangiti ako ng alanganin at napapakamot sa batok.

"Wala na kasing damit si Calvin, mahal." Sagot ko at hawakan ang kamay niya. "Sorry na." Patuloy ko na natatawa sa hitsura ni Calvin dahil suot niya ngayon ang damit ng kapatid niyang si Gia.

"Bahala ka diyan." Kunwaring nagtatampong sabi nito kaya mas lalo lang akong nagpaawa sa kanya.

"Ang ganda mo pa naman ngayon, sorry na kasi." Sabi ko pa at niyakap siya ng mahigpit.

Napangiti ako nang yakapin niya ako pabalik. "Pasalamat ka mahal kita." Sabi nito at halikan ako sa labi.

Kung dati, kailangan ko pang itago ang mararamdaman ko sa kanya para lang hindi siya mawala sa'kin, pero ngayon, araw-araw ko ng ipaparamdam kung gaano ko siya kamahal.

Kahit na maligaw man ako ng daan papunta sa kanya, mahahanap at mahahanap ko parin ang daan pabalik sa kanya, dahil siya ang tahanan ko.

I, Josh Cullen Santos, an idol, a father, and a loving husband of Astrea Vyn Alviar.

— T H E  E N D —

__________

WRITER'S NOTE:

Hi readers! Thank you dahil nakaabot ka hanggang sa dulo ng kwento na 'to. Yung mga laging nagvovote and comment, kilala ko kayo mga bessy. Salamat sa inyo. And pati narin sa mga silent readers, and to my best friend Cha, thank you sa moral support mo HAHAHAHA.

Sobra yung hirap na pinagdaanan ko matapos lang 'to, yung tipong naiiyak na ako dahil hindi ko na-save yung isang chapter dapat. Pero salamat dahil nairaos ko din. Sana suportahan niyo ang series 2.

GOALS:

#1. Goal ko talaga sa story na 'to ay dapat si Josh lang ang may Point of view, pero hindi ko kinaya kaya dalawa nalang sila ni Avy.

#2. Maipakita 'yung hirap nila noong trainee at nung nagsisimula palang ang SB19, pero parang hindi ko na naman nakamit yung goal na yun?

#3. Makaabot ng 50K words dahil sasali ako sa wattys.

#4. To inspire.

#5. Syempre ang matapos.

Again thank you. Kita na lang tayo sa Series #2: Teardrops on My Guitar!

— alyatin_

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon