Mabilis ulit na lumipas ang mga araw. Pagkagraduate ay naghanap muna ako ng trabaho para makatulong na kay Tita at Mama.
Yung working hour ko ay 'yong maluwag lang dahil nga on-going parin ang training namin.
Naging magaan naman ang mga lumipas na buwan para sa'kin. Ngayon ay malapit na kami ipadala sa Korea para sa recording ng debut song namin na Aking Prinsesa.
"Congrats Justin at Ken!" Sigaw namin nang dumating si Ken at Justin sa studio. Last week kasi ang graduation nila kaya sinorpresa namin sila ngayon.
"Wow. Thank you!" Pasalamat nila.
Dahil celebration ito nila Ken at Justin wala muna kaming training ngayon.
Half day lang kaya may oras kami na gumala na lima.
"Next week na pala lipad natin papuntang Korea." Sabi bigla ni Paulo sa amin habang kumakain kami.
"Excited na kinakabahan ako. Palapit na palapit na tayo sa pangarap natin." Sabi naman ni Justin.
Day passed smoothly. Ngayon na ang araw ng lipad namin papuntang Korea. Ayon sa boss namin ay isang lingo lang kami doon para sa photoshoot at recording.
"Balita ko maganda daw sa Korea. For sure makakamove-on ka doon kahit hindi naman naging kayo." Bulong ni Stell sa 'kin.
Nandito na kami ngayon sa airport at hinihintay nalang ang oras ng flight namin.
Agad ko siyang siniko dahil sa mga sinasabi niya. "Hanap ka nalang ng Koryana sa korya." Pang gatong pa ni Justin. Pag talaga nagsama ang dalawang 'to ako lagi ang trip.
"Sabihin niyo rin 'yan sa sarili niyo mga siraulo kayo." Inambahan ko pa sila ng suntok pero tinawanan lang nila ako.
Napatitig nalang ako sa nakangiting si Justin. Hindi ko akalain na ang isang 'to ay may mabigat din na dinadala sa buhay.
"So ayun na nga guys nandito na kami sa loob ng eroplano, ano naman ang masasabi mo Stell na pupunta tayo sa Korea?" Narinig kong sabi ni Justin. Nagvo-vlog kasi kami para doon sa YouTube channel namin. Utos 'yon ng staff.
"Ang masasabi ko lang, gusto kitang itulak dito palabas." Sagot ni Stell saka tumawa.
"Ayos ka ah?" Asar na sabi niya at binalingan nalang niya ako para ako ang guluhin. "Anong una mong gagawin kapag nakarating na tayo sa Korea?" Tanong niya sa 'kin at itinapat ang camera sa 'kin.
Ngumiti naman ako sa camera bago magsalita. "Syempre bababa ng eroplano." Sagot ko. Tumawa pa si Ken at inagaw ang camera kay Justin na masama na ang tingin sa 'min.
"Manahimik na kayo." Suway ni Paulo sa 'min kaya tumahimik na kami.
Nang makarating kami sa Korea ay pinagpahinga muna kami ng mga staff.
Kinabukasan nagsimula na kaming pinapunta sa isang studio.
Nag vocal lesson naman kami noong nasa pilipinas pa kami nagt-train kaya medyo nahasa na kami sa pagkanta.
Ngayon ay nandito kami ngayon sa isang studio at nagpo-photoshoot kami.
Kinabukasan ay pumunta naman kami sa isang recording studio para irecord na ang kanta namin na Aking Prinsesa.
"Excited na ako sa debut natin as a group." Sabi ni Stell habang nakaupo kami sa upuan na nandito sa studio. "Sana talaga magustuhan nila tayo." Patuloy niya.
"Tiwala lang." Sagot ko.
"Josh ikaw na!" Sigaw ni Paulo mula sa loob ng recording studio. Nagrerecord na kami ngayong araw.
BINABASA MO ANG
[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]
Fanfiction[Idol Series #1] ➤where in Josh Cullen Santos is deeply in love to Astrea Vyn Alviar. His bestfriend. But that love did not reciprocated. "Kahit na maligaw man ako ng daan papunta sa kanya, mahahanap at mahahanap ko parin ang daan pabalik sa kanya."...