18

196 10 0
                                    

NAKATULALA lang ako sa kisame ng kwarto ko. Malalim na ang gabi pero hindi ako makatulog. Iniisip ko parin hanggang ngayon ang mga napag-usapan namin kanina ni Josh.

"May gayuma ka ba, Avy?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. Tumingin din siya sakin saka natawa dahil sa naging reaksyon ko.

Nandito parin kami ngayon sa labas ng bahay namin, nakaupo sa tabing kalsada.

"Ginayuma mo ata ako." Patuloy niya kaya napairap ako.

"Kapal ng apog mo." Sagot ko at natawa na naman siya.

"Umamin ka nga, Avy." Biglang sumeryoso ang boses niya kaya napatingin na naman ako sa kanya. "Hindi mo ba talaga ako nagustuhan noon?" Patuloy niya. Umiwas ako ng tingin.

"Hindi." Deretyong sagot ko. Hindi naman talaga. Pero noong umamin siya doon lang gumulo ang nararamdaman ko sa kanya.

"Parang tanga naman." Tumawa na naman siya. "Hindi ka man lang nagsinungaling." Patuloy niya kaya umirap na naman ako. Hindi ko alam kung seryoso siya o nakikipagbiruan, e.

"Hindi naman talaga." Sagot ko. Nilalaro ko ngayon yung daliri ko.

"Pero..." napalunok ako. Kinakabahan din kasi ako. Kailangan ko bang sabihin na may nararamdaman ako sa kanya matapos siyang umamin noon?

"Pero ano?" Kunot ang noo niyang tanong.

"Pero, noong umamin ka..." napalunok ulit ako.

"Ano nga?" Parang nawawalan ng pasensyang ani nito. Napaiwas ako ng tingin at napapikit nalang.

"Simula kasi nung umamin ka nagsimula na rin akong nakagusto sa'yo." Dirediretyong sabi ko. Tinakpan ko pa ang mukha ko dahil pakiramdam ko namumula na ako ngayon sa kahihiyan.

Sandali kaming natahimik. Unti-unti akong lumingon sa kanya para makita ang reaksyon niya. Napalunok ulit ako dahil nakatitig lang siya sakin.

"Anong sabi mo?" Napakurap ako at umayos ng upo.

"Humihinga ka pa ba?" Tanong ko dahil parang hindi na siya humihinga. Joshko po! "Hoy! Ako 'yung umamin diba? Kaya dapat ako 'yung kinakabahan pero bakit naman parang ikaw na ang hihimatayin diyan?" Natatawang sabi ko.

"K-kung gusto mo na ako noon, bakit pinalayo mo ako?" Utal na tanong nito nang mahimasmasan siya.

"Natakot kasi ako. Alam mo naman siguro na kakahiwalay palang namin noon ni Zed. Naisip ko na baka nalilito lang ako sa nararamdaman ko." Sagot ko. "Ayaw kong mas lalo kang mawala, pero nawala ka parin sakin." Patuloy ko saka napayuko.

"Okay na 'yon. Naiintindihan naman kita." Sabi nito. "Ang mahalaga gusto mo na ako ngayon." Patuloy niya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Sino nagsabi na gusto kita ngayon?" Kunot ang noong sabi ko pero tinawanan niya ako.

"Hindi mo na ako gusto ngayon kasi mahal mo na ako." Sagot nito kaya napairap ako at natawa naman siya.

Ang gaan lang sa pakiramdam na napag-usapan na namin ang nangyari noon at unti-unti na kaming nagsisimula ulit.

KINABUKASAN maaga akong nagising dahil may pupuntahan kaming orphanage. Kasama ko si Zyrielle at Gia.

Hindi ko na pala namalayan kagabi na nakatulog na ako sa pag-iisip kay Josh.

"Ano ang mga 'yan?" Tanong ko kay Zy at ituro ang mga box na nilalagay niya sa loob ng kotse. Nandito kami ngayon sa parking lot ng condo.

"Mga teddy bears na bigay ng fans, ipapamigay natin sa mga bata." Sagot niya. "Tambak lang naman 'yan sa unit ko. Maiintindihan naman siguro ng mga fans kung ibibigay ko ito sa mga bata." Patuloy niya.

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon