[AVY'S P.O.V]
BUONG week ay pumupunta kami ni Zyrielle sa mga charity.
Buong week ko rin hindi nakita si Josh dahil may pinaghahandaan daw silang surprise para sa mga fans nila.
Ngayong araw lang ulit kami magkakasama. Linggo ngayon kaya free kaming tatlo para gumala.
"Saan niyo ba gustong pumunta?" Tanong niya sa amin.
"Amusement park po!" Excited na sabi ni Gia. Tumango naman si Josh saka tumingin sa'kin.
"Ikaw, babe? May gusto ka bang puntahan?" Tanong niya sa'kin.
"Kung saan gusto ni Gia," nakangiting sagot ko. Tumango naman siya at in-start na niya 'yung kotse.
NANG makarating kami sa Amusement park ay excited na lumabas si Gia sa kotse. Agad ko pa siyang sinuway dahil muntik na siyang madapa.
"Saan mo ba gustong sumakay?" Tanong ni Josh sa kanya. Nasa gitna namin siya at hawak namin ang magkabila niyang braso.
"Tara po sa carousel!" Sagot niya. Tumalon-talon pa siya kaya natawa si Josh.
"Sige, tara."
Magkasama silang dalawa at tawa ako ng tawa dahil ayaw sana sumakay ni Josh pero pinilit ko siya.
"Huwag ka na kasi mag video, Avy!" Sigaw niya pero tumawa lang ako habang kinukuhanan ko sila ng video.
Pagkababa naman ay masama ang tingin niya sa'kin pero tinawanan ko lang. Si Gia naman ay hinihila siya sa kung saan. Wala naman siyang nagawa kundi ang sumama nalang.
Ilang rides pa ang sinakyan namin hanggang sa magsawa si Gia at nagyaya naman si Josh na kumain.
---
"Babe, baka buong week kaming busy." Hinalikan niya ang noo ko kaya napatango at napangiti ako.
"Okay lang, naiintindihan ko naman." Sagot ko.
Nandito na kami ngayon sa bahay. Tulog na rin si Gia. "Salamat dahil naiintindihan mo." He kissed my forehead dahilan para mapangiti ako.
"Ano ka ba, sabi ko naman sayo noon diba? I will support you!" Ginulo ko ang buhok niya dahilan para sumimangot siya.
GAYA nga nang sabi niya, naging busy sila sa mga sumunod na araw kaya hindi kami nagkita. Hindi rin siya tumawag o magtext man lang. Kinakabahan tuloy ako dahil hindi siya nagrereply.
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay at nagpapahangin. Malalim na rin ang gabi. Sila mama at Gia ay tulog na rin.
Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. Excited pa ako dahil akala kong si Josh 'yung nagtext pero in my dismay, si Zyrielle pala. Pinapaalalahanan niya ako about sa pupuntahan namin sa linggo.
Napabuntong hininga nalang ako at tumayo na at pumasok sa loob ng bahay.
Baka busy lang talaga siya kaya hindi siya nakakareply.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil may pasok pa ako sa trabaho. Si Mama ang maghahatid kay Gia ngayon sa school.
"Ma, mauuna na ako." Paalam ko kay Mama. Tumango naman siya kaya lumapit ako kay Gia at halikan siya sa noo. "Behave ka lang sa school, ah?" Bilin ko sa kanya.
"Opo." Sagot niya kaya napangiti at ginulo ko ang buhok niya.
Nang makarating ako sa kumpanya na pinagtatrabauhan ko ay napakunot ang noo ko nang makita si Zed.
"Avy!" Tawag niya sa akin nang makita ako. Lumapit siya sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Kumusta? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang makalapit siya sa gawi ko.
BINABASA MO ANG
[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]
Fanfiction[Idol Series #1] ➤where in Josh Cullen Santos is deeply in love to Astrea Vyn Alviar. His bestfriend. But that love did not reciprocated. "Kahit na maligaw man ako ng daan papunta sa kanya, mahahanap at mahahanap ko parin ang daan pabalik sa kanya."...