24

178 8 0
                                    

[AVY'S P.O.V]

NANG makarating kami sa resort ay magkanya-kanya na kami ng punta sa mga hotel room namin. Sinabi ko na bago ako pumayag na sumama ngayon dito na gusto kong mag-isa lang ako sa hotel room ko. Gusto ko din nama na kasama si Gia pero sure ako na kay Josh siya sasama.

Pagkapasok ko sa hotel room ko ay pabagsak akong nahiga. Ito na nga ba ang sinasabi ko, mali talaga na sumama ako. Kung hindi lang talaga birthday ni Stell!

Bumangon na lang ulit ako at inayos 'yung mga damit na dala ko bago ako pumunta sa C.R para magpalit ng damit at saka lumabas ng room.

Dinala ako ng mga paa ko sa tabi ng dagat. Lumubog na ang araw at medyo madilim na rin pero may mga ilaw naman sa mga puno sa gilid ng dagat kaya okay lang na maglakad-lakad muna ako rito.

Hindi na rin naman ako natatakot dahil sinabi ni Justin na wala na 'yung pinsan niya. Nasa ibang bansa na raw.

Nang mapagod ako sa paglalakad ay umupo muna ako sa buhanginan. May ilan namang naglalakad sa di kalayuan, 'yung iba ata ay mga staff ng resort.

Ilang sandali pa ay tumayo na ako at bumalik na rin sa hotel.

Pagkapasok ko sa may lobby ay nakita ko si Josh na may kausap na babae. Hindi ko makita kung sino dahil nakatalikod ito.

Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa makita kong lumapit si Gia sa kanila. Napakunot ang noo ko nang halikan nung babae si Gia at ginulo pa ang buhok.

"Avy," nawala lang ang tingin ko sa kanila nang hawakan ako ni Zy sa balikat. "Dinner." Tipid na sabi nito. Tumango naman ako at sumunod sa kanya.

"Sino 'yung babae na kasama ni Josh?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Shin. Ewan ko ba kung bakit nandito 'yun." Sagot niya. "Bakit selos ka?" Tanong pa niya. Hindi nalang ako nagsalita dahil baka mamura ko siya.

Nang makarating kami sa may restaurant ng resort ay sama-sama kami sa iisang table kaya wala akong choice kung hindi ang makita si Josh at si Shin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapairap. Wow ah! So, siya ang ipapalit niya sa'kin?

Okay naman siya. Maganda. Pero mas maganda ako. Ang lamang niya lang ay 'yung dibdib niya.

Napatingin tuloy ako sa sarili kong dibdib at napa-sana all nalang ako sa isip ko.

"Ate, tubig." Napatingin ako kay Gia nang magsalita siya. Bibigyan ko na sana siya ng tubig pero naunahan ako ni Shin. Isa pang epal. Tf!

"Avy left the group." Bulong ni Zy na nasa tabi ko kaya siniko ko siya.

Nang matapos kaming kumain ay napagdesisyunan nila na pumunta muna sa tabing dagat. Ayaw ko naman talaga dapat pero ayaw ko namang maging kill joy kaya sumama nalang din ako.

Arrrgh! I hate this feeling! 'Yung pakiramdam na out of place dahil sila lang 'yung nag-aasaran! Hindi nila ako sinasama! Arrrgh! Si Justin si Cassia 'yung inaasar. Si Stell naman, si Zy. Tapos si Ken at Paulo tahimik at taga tawa lang. Tapos si Josh at Shin mukha masaya 'yung pinag-uusapan. Tapos si Gia naman, mukhang nakalimutan na ako dahil kay Shin siya sumama.

Why naman ganon universe?! Is this really my karma? Arrrgh!

"Avy! Ikaw? Kung hindi ka tutor ano ka ngayon?" Tanong ni Justin. Hindi ko namalayan na may pa ganito pala silang pakulo dahil lumulutang yung utak ko.

Napatingin ako sa kanila at nakatuon ang atensyon nilang lahat sa'kin.

"Ah– baka isang vocalist ng isang banda." Sagot ko. Tumango naman siya.

"Naks, mag audition ka kaya sa SBT, Avy?" Suggest ni Stell pero umiling ako. Hindi ko nakikita ang sarili ko na maging singer. Oo mahilig ako sa music at kumakanta ako, pero hanggang doon nalang 'yun.

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon