28

183 9 1
                                    

— FLASHBACK —

[AVY'S P.O.V]

"Lalo mo lang akong binibigyan ng dahilan para umasa." Bulong niya at umiwas ng tingin.

"Ha?"

"Manhid ka nga pala." Sagot nito at bumuntong hininga. Hindi ako manhid. "Gusto kita." Patuloy niya pa kaya napatingin ako sa kanya na gulat dahil sa biglaan niyang pag-amin.

Alam ko. Ayaw ko lang tanggapin dahil hindi ko 'yun kayang suklian.

"N-nagjo-joke ka ba?" Mahinang tanong ko. Umiwas siya ng tingin. Sana nga joke lang.

"Kung pwede lang, e. Pero hindi." Sagot niya.

Agad akong tumayo kaya napatingin siya sa akin.

"B-balik na tayo sa loob. G-gutom lang 'yan." Sabi ko rito at agad nang bumalik sa loob ng bahay.

Dumeretso ako sa kwarto ko at humilata sa kama. Hindi matanggal sa isip ko 'yung pag-amin niya sa'kin.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Hindi ko pinansin nung una pero paulit-ulit siyang kumatok kaya tumayo ako at binuksan ang pinto.

Pagbukas ko nang pinto ay bumungad sa harap ko si Josh na kakatok pa ulit sana sa pinto.

Parehas kaming umiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

"A-ah, magpapaalam lang ako na uuwi na." Utal na sabi nito.

"Sige ingat." Sagot ko at isinara na ang pinto.

Napahawak pa ako sa bandang dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. What the? Bakit ba ako kinakabahan?!

---

"Avy!" Napatingin ako sa kanya nang tawagin niya ako sa pangalan. Nag-aabang ako ngayon ng masasakyan dito sa tapat ng SBU.

"Bakit?" Tanong ko na matamlay. Agad niya naman akong inakbayan dahilan para bigla akong umayos ng tayo kaya kumunot ang noo niyang tumingin sa akin.

Napalunok ako dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Para rin akong nakukuryente dahil sa braso niya na nasa balikat ko.

Napalunok din ako nang nagtama ang mga mata namin. Ano ba 'tong nararamdaman ko?!

"Anyare sa'yo?" Takang tanong niya at tinanggal na ang kamay sa balikat ko. Sa wakas! Nakahinga na ako ng naluwag pero dahil sa presensya ay kinakabahan parin ako sa hindi ko malamang dahilan.

"W-wala sige una na ako bye!" Sigaw ko at tumakbo na palayo sa kanya. Baka atakihin ako sa puso pag magtagal pa ako do'n.

Kinabukasan, maaga akong nagising para maagang pumasok. "Good morning, Avy!" Bati niya sa akin nang pababa na ako ng hagdan. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan na pupunta siya sa bahay. Kumunot na naman ang noo niya dahil siguro sa naging reaksyon ko kaya umayos ako ng tayo.

"B-bakit ka nandito?" Tanong ko. Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sa akin kaya napaatras ako.

"Oh, ingat." Napalunok ako nang hawakan niya ako dahil muntik na akong matumba.

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon