2

257 14 0
                                    

Mabilis na lumipas ang araw. Naging busy kami pareho ni Avy sa kanya-kanyang club kaya minsan hindi na rin kami sabay umuwi. Okay na rin siguro 'yon.

Ngayon ang unang araw ng intramurals. Hindi ako makagala sa mga booth kasi ako 'yong inutusan na magbabantay dito sa booth namin. Parang gago amputek.

"Hi lods!" Napairap nalang ako dahil sa pagdating ni Justin. Ewan ko ba dito, laging nadikit sa'kin. Baka may gusto na sa'kin 'to. Nako! "Ops! Alam ko 'yang nasa isip mo, wala akong gusto sa'yo 'no. Asa ka." Patuloy nito. May sa manghuhula pa ata 'to.

"'Bat ka ba nandito?" Tanong ko. Ngumiti naman siya at parang tanga na pumalakpak pa.

"Sasayaw ako ano pa nga ba? Dance booth 'to diba?" Sagot niya at tumayo na para magplay ng kanta at sumayaw doon sa ginawa naming mini stage. Parang gago pero magaling naman siya sumayaw. "Pwede ka nang sumali sa singing contest."

"Sa true, pero pass. Baka malaos mga sikat na singer 'pag marinig nila boses ko." mayabang na sabi niya.

"Kapal naman ng mukha mo."

Nang mapagod ay tumigil na siya at umupo na ulit sa tapat ko. "Wala ka bang kasama ngayon dito?" Tanong niya at inilibot ang tingin sa paligid.

"Wala. Mga dimunyo mga kasama ko." Sagot ko. Tumango-tango naman siya. Gago.

"Sige, punta akong canteen may ipapabili ka ba?" Tanong niya. Dahil mabait siya, sinabi ko na lang na kung ano ang bibilhin niya para sa kanya ay 'yon na din ang akin.

"This song is dedicated to Zedrick Verdadero," napatingin ako sa stage dahil narinig ko ang pangalan ni Zed. Nasa stage kasi 'yong dedication booth na pakana ng music club. "Zed, kahit ilang ulit mo akong iwasan, I'm still into you." Matapos 'nun ay nagplay na 'yong kantang 'Still Into You' ng Paramore.

Napabuntong hininga ako. Hindi naman ako tanga para hindi malaman na si Avy 'yon. Kilala ko na 'yon at alam kong patay na patay siya dun sa Vice president nila sa music club. Lumayo pa, eh nandito naman ako.

"Grabe, ang daming tao sa canteen. Oh palamig ka muna diyan, mukhang mainit 'yang ulo mo." Napatingin ako kay Justin nang ilapag niya 'yong bote ng Pepsi sa harap ko.

"Salamat." Sagot ko.

"Alam mo, may nakapagsabi sa'kin na, sometimes things are better to remain untold." Biglang sabi nito kaya napatingin ako sa kanya. "Pero hindi naman habang buhay maitatago mo 'yon. Lahat naman may tamang panahon." Patuloy nito. Minsan 'tong taong 'to kung ano-ano sinasabi, eh.

"Better to remain untold." Pag-uulit ko sa sinabi niya. "Tama naman, mas mabuti nang hindi sabihin dahil baka mas lalo lang lalala 'yong sitwasyos." Patuloy ko.

"Okay lang 'yan, lods." Sabi nito at tinapik ang balikat ko. Parang gago talaga. "Bawi ka nalang next life." patuloy niya kaya binatukan ko na.

Buong araw kong kasama si Justin dito sa booth namin, si Avy kasi may laro, chess player siya, kaya hindi ko siya nakita buong araw. Noong uwian naman kasama niya mga kaibigan niya kaya hindi din kami sabay umuwi.

Kinabukasan, wala kami masyadong ginawa kaya nakapaglibot-libot kami sa ibang mga booth.

"Lods! Pasok kayo dito dali, huhulaan ko kayo." Napasapo nalang ako sa noo ko nang mapadaan kami sa booth nila Justin. Sulpot ng sulpot ang gagi. Kabute siguro siya sa past life niya.

"Totoo bang nakakapanghula ka?" Tanong ni Avy sa kanya nang makapasok kami sa loob.

"Oo naman 'no." Sagot nitong si Justin at kumindat pa sa'kin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sige na dalian mo," sabi ko kay Justin.

"Ito na nga oh, excited ka naman masyado." Sagot nito at umupo na sa mesa na may crystal ball pa sa gitna. Tsk! "Hmmm? Nakikita ko sa aking mahiwagang bola na para kayo sa isat-isa." Patuloy nito kaya napakunot ang noo ni Avy. Sinamaan ko tuloy ng tingin si Justin na nakangisi pa sa 'kin. Siraulo. Kapag talaga nagduda si Avy, kakaltukan ko siya.

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon