28. His Beloved Wife

620 68 20
                                    


                      His Beloved Wife



"Nandito na ako." ang patamad na wika ni Gaunt.

Napatigil sa akmang pag-inom ng kape sina Clemen at Orphen, napatingin sila sa bagong dating.

"Mabuti naman at nandito ka na. Mayroon tayong misyon bukas-" hindi na nagawang ituloy ni Clemen ang sasabihin dahil biglang nagsalita si Gaunt.

"Pasensiya na pero hindi ako sasama sa misyon na iyan. Masama ang pakiramdam ko, kailangan kong magpahinga." ang wika ni Gaunt.

Matamang napatingin ang dalawang exorcist sa kanya.

"Ayos ka lang ba? Parang namumutla ka?" ang puna naman ni Orphen.

Isang matipid na ngiti sa labi ang namutawi kay Gaunt.

"Ayos lang ako. Kailangan ko lang ng pahinga. Pasensiya na pero tutuloy na ako sa aking silid." ang paalam na lang niya.

Kaagad na lumakad papunta sa kanyang silid si Gaunt. Pagdating doon ay kaagad niyang isinara ang pinto at ini-lock. Kasunod noon ay napaupo siya sa kanyang kama at nanginginig na tiningnan ang kanyang mga kamay na puno ng paso at sugat. Totoo nga ang sinabi sa kanya ng archangel na si Cassiel na hindi biro ang pagsasanay na ibibigay nito sa kanya. Ang mga spell at ang mga Angel's holy symbol, nasusunog ang balat niya dahil sa lakas ng mga iyon. Ginagawa niya ang pagsasanay habang nasa demon form siya. Hindi niya maiwasang maalala ang sinabi sa kanya ng archangel.

"Tandaan mo Gaunt, ang iyong ama ay dating anghel bago siya maging isang demonyo. Kaya dapat na aralin mong maigi ang mga ituturo ko para magawa mo siyang labanan at magkaroon ka ng pagkakataon na talunin siya. Higit pa roon, mangyayari ang bagay na pinakamimithi mo... Makukuha mo ang iyong anak."

Napangiti siya habang nakatitig sa mga kamay. Mabagal ang paggaling ng mga paso at sugat dahil malalakas na spell ang ginawa niya kanina. Sa totoo lang ay kusang sumuko ang kanyang katawan sa pagsasanay, nawalan siya ng malay at bigla na lang bumagsak. Paggising niya ay wala na sa paligid ang archangel kaya napagpasyahan niyang umuwi na lang.

Samantala... Napakurap si Grimm matapos niyang maalimpungatan. Bahagya siyang nagulat dahil pasan siya sa likod ng Kuya Andrey niya. Saka niya naalala na nagkaroon siya ng matinding pagsasanay kay Saint Michael! Pinilit siya nitong ilabas ang kanyang demon form, naglaban silang dalawa at tinuruan siya nito ng ilang spells na mataas na uri dahil Angel's Holy symbols ang ginamit. Sa pagkakaalala niya ay nakatikim siya ng malakas na suntok mula sa archangel dahil medyo nawala siya sa kanyang sarili. Medyo lang naman.

"K-Kuya..." ang alanganin niyang wika.

Narinig niya ang pagbuntung-hininga ng nakakatanda niyang kapatid.

"Masyado nang nag-aalala sina Tatay at Nanay sa'yo. Kung saan-saan na kita hinanap, nakita kitang natutulog sa may puntod ni Lola."

Saka naalala ni Grimm na doon sa sementeryo nagpakita sa kanya si Saint Michael bilang si Mikee. Marahil ay dinala siya nito doon sa puntod ng Lola Epang niya noong mawalan siya ng malay.

"Pasensiya na Kuya, dinalaw ko lang kasi si Lola. Namiss ko lang siya." ang wika ni Grimm.

Totoo naman iyon, sobra na niyang namimiss ang Lola Epang niya.

"Ako rin, sobra ko na rin siyang namimiss. Wala na tayong tagapagtanggol sa tuwing pagagalitan tayo nina Nanay at Tatay. Namimiss ko na rin ang mga luto niya, ang mga kuwento niya at siyempre ang mga magaganda niyang pangaral." ang sang-ayon ni Andrey.

Escape from Hell Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon