11. TRUE LIES

1.5K 102 24
                                    


                                 TRUE LIES


Napabuga ng usok ng sigarilyo si Belphegor habang nakatitig kay Gaunt. Medyo nasorpresa siya na pumunta ito sa kanyang paanyaya. Nagpadala siya ng mensahe, isang pulang-butterfly. Naiinis namang pinaypay ni Gaunt ang usok at napangiti ng mahina si Belphegor sa naging reaksyon ng anak.

"Gusto kong malaman kung ano ang status ng deal nating dalawa, Gaunt."

Itinapon niya sa kanyang paanan ang hawak na sigarilyo, inapakan niya upang patayin ang siga. Napamulsa naman sa pantalon si Gaunt.

"Tuloy pa rin iyon, huwag kang mag-alala. Nakahanap na ako ng paraan kung paano madadala sa'yo si Grimm. Bakit hindi mo kasama si Kristoff?" ang simpleng tanong ni Gaunt.

Isang tusong-ngiti ang namutawi sa labi ni Belphegor. Lumitaw ang maliit na biloy sa gilid ng labi nito, sa kaliwang bahagi ng mukha.

"Kasalukuyang sinasanay ni Beelzebub ang iyong anak, huwag kang mag-alala. Isa pa, gusto kong makasiguro sa deal natin. Mabuti naman at mas pinipili mo ang iyong anak kaysa kay Grimm... Mahal mo nga talaga ang babaing iyon." ang nang-aasar pang wika ni Belphegor.

Isang matalim na irap ang ipinukol ni Gaunt sa kanyang ama.

"Magkita tayong dalawa sa susunod na araw. Siguraduhin mo lang na isasama mo si Kristoff dahil kapag wala siya, posibleng bumaliktad ang lahat."

"Alam ko na ang gusto mong iparating, nakakatakot naman..." ang napangising wika ni Belphegor.

Lumakad paatras si Gaunt.

"Aalis na ako. Ayaw kong may maghinala sa akin. Tandaan mo lang na hindi ibig sabihin ay kakampi mo na ako. Ang anak ko lang ang dahilan kung bakit ginagawa ko 'to."

"Okay... Paalam, Gaunt. Dalhin mo sa akin si Grimm."

Nag-okay sign na lang si Gaunt bago tuluyang lumakad paalis. Nang mawala ito ay napasuklay sa kanyang buhok si Belphegor.

"Hindi magiging madali ang lahat, Gaunt. Paghihirapan mo ang pagkuha kay Kristoff." ang wika niya sa kanyang sarili.

Matapos magsalita ay binalutan na niya ang sarili ng apoy at lumubog ng paunti-unti sa lupang kinatatayuan. Napahinto naman sa paglalakad si Gaunt nang humarang sa kanyang daraanan si Andrey.

"Tuloy na ang plano. Tama nga ang hinala mo, may iba pang balak si Belphegor. Siguradong hindi niya basta-basta ibibigay si Kristoff."

Napangisi si Andrey.

"Kitang-kita ko nga ang naging pag-uusap niyong mag-ama. Pasasakayin natin siya sa sarili niyang plano. Hindi kita masisisi kung nadala ka sa iyong emosyon, ngunit tandaan mo lang na isang Prince of hell ang iyong kausap. Sinungaling sa lahat ng sinungaling."

Napabuga ng hangin si Gaunt at napangiti kay Andrey. Nakakatakot itong kaaway, alam niya. Pero napakabuting kakampi. Pareho silang nakatatandang kapatid ni Grimm at aaminin niyang higit itong may karapatan na maging Kuya...

"Salamat sa pagtulong..."

Nagkibit-balikat si Andrey.

"Magpasalamat ka kina Father Clemen at Grimm, sila ang dahilan kung bakit buhay ka pa hanggang ngayon. Tandaan mong maigi Gaunt, magalit man sa akin si Grimm... Papatayin kita kapag may ginawa kang laban sa kanya."

Matapang na tumingin si Gaunt sa mga mata ni Andrey, alam niyang seryoso at hindi biro ang pagbabantang iyon. Alam din niyang pasakalye lang ang nangyari sa kanilang paghaharap. Hindi pa nito ipinapakita ang tunay na kakayahan.

Escape from Hell Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon