13. Awake!

1.3K 86 13
                                    


                                  Awake!


"Miss Rose! Pasabay!"

Napalingon si Rose sa pinanggalingan ng boses at nakita niya ang binatilyong si Sid. Mag-isa lang ito ngayon. Kitang-kita niya na marami itong pinamili. Hinintay niya itong makalapit sa kanya.

"Hindi mo kasama si Duke?" ang tanong niya.

"Hindi po eh, bukas na lang daw namin itutuloy ang training. Sinabi niya na may importante daw siyang lakad, wala namang binanggit na detalye."

"Ay naku, nandoon siya sa bundok ng phoenix kasama ang makukulit na kambal."

"Ah, sina Wind at Cloud..."

Napatango ng bahagya si Rose. Lumakad na siya at sumabay sa kanya ang binatilyo. Marami silang pinagkuwentuhan, mga kung ano-anong bagay lang. Napahinto sila sa paglalakad nang makita nilang may lalaking nakatayo sa gitna ng eskinita na kanilang dadaanan. May kadiliman na ang paligid dahil nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Inantay nila na lumakad ang lalaki ngunit nanatili ito sa puwesto. Nagkatinginan sina Rose at Sid, hindi sila nag-imikan ngunit tumuloy sila sa paglakad hanggang sa makalapit sila sa kinaroroonan ng misteryosong lalaki. Napahinto si Rose sa paglalakad at saka hinila ang laylayan ng damit ng kasama niya... Isang Prince of hell ang kanilang kaharap, walang iba kundi si Satan!

"Long time no see, babe!"

Gumapang ang buong kilabot sa katawan ni Rose at saka napahawak sa pendant ng kuwintas na suot niya. Tumingin siya sa kasama niyang binatilyo, kitang-kita niya ang pagka-alerto nito. Gustung-gusto niyang sabihin na tumakbo na sila ngunit ayaw makisama ng kanyang katawan.

Samantala... Sapo ang noo na may umaagos na dugo ay natatawang bumangon si Andy. Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng kanyang shorts at saka maayos na itinali para gawing gasa. Naampat ang pagdurugo at seryoso siyang tumingin sa mukha ni Grimm.

"Iyon ang gusto kong birada, solido!" ang wika pa niya.

Mariin niyang ikinuyom ang magkabila niyang kamao at saka pinalagutok.

"Ginaganahan na ako, kaya mas seryosohin na natin!" ang pakli pa ni Andy.

Lumakad pasulong si Andy at nananatili naman sa kanyang kinatatayuan si Grimm, naghahanda siya sa pagsugod ng kanyang Tatay. Isang malakas na hangin ang umihip at sa isang iglap lang ay nasa harapan na niya ito. Ngunit sa pagkakataong ito ay mas naging handa siya. Sa halip na sanggain ang suntok ay nakipagsabayan siya. Kapwa sila nagkatamaan ng malakas sa mukha at sabay na napaatras sa isa't-isa. malakas na puwersa ang pumabilog sa kanilang pagitan at bahagyang nagkaroon ng pagyanig ang lupa. Hindi pa rin gumagamit ng black-sand ang tatay Andy niya, iyon ang lubos niyang hinahangaan. Sobra din siyang nakadama ng intimidation dahil nagawa nitong wasakin ang kanyang ice-shield gamit lamang ang sariling kamao, walang gamit na pentagram, apoy o maski ng black-sand. Ganoon pa man ay hindi niya dapat hayaan ang sarili niyang ma-intimidate...

Sa pagkakataong ito ay siya na ang naunang sumugod. Isang solidong suntok ang balak niyang bitawan ngunit nasangga ang atake niya, pinagkrus ni Andy ang mga braso at magkakasunod na birada ng suntok ang kanyang pinakawalan. Hindi nagtagal ay kusa siyang napahinto dala ng pagod, umatras siya. Huminga ng malalim si Grimm para kumuha ng hangin at nakita niyang sutil siyang nginitian ng kanyang kalaban.

"Anong problema, Grimm? Hanggang diyan ka na lang? Hindi ba sinabi ko naman sa'yo na paiiyakin kita sa laban? Nag-iinit pa lang ako, bata!"

Nagpalabas ng malakas na puwersa sa katawan si Andy, mas lumaki ang kanyang mga kalamnan. Kasunod noon ay binalutan niya ng black-sand ang magkabila niyang kamao, hanggang sa may braso. Seryoso siyang tumingin kay Grimm at nakita niya ang pagiging handa nito. Mata sa mata silang nagkahamunan hanggang sa FGH!!! Mabilis siyang sumugod at magkakasunod namang gumawa ng harang na pader na yelo si Grimm, lahat iyon ay nagawang wasakin ni Andy para makalusot. Hindi nagtagal ay nagpang-abot na sina Grimm at Andy. Isang nakakayanig na palitan ng suntok ang namagitan sa dalawa. Mas pinatibay ni Grimm ang yelong ibinalot niya sa kanyang mga kamao at braso. Kaya lang, sa bawat birada ng suntok ng kanyang kalaban ay tumatalsik ang ilang piraso ng yelo, kaagad naman niya iyong pinapalitan ngunit mabilis siyang kinakapos ng paghinga dahil sa madaliang paggamit ng kanyang kapangyarihan.

Escape from Hell Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon