56. A Test

536 49 25
                                    

A Test

Isang malakas na puwersa ng apoy ang pinakawalan ni Belphegor mula sa kanan niyang palad. Isang malakas na pagsabog ang nangyari. Nagbalik na siya sa hell. Mainit pa ang ulo niya dahil hindi pa niya nakikita ang bangkay ni Kristoff. Oo nga at pinatay niya ito, pero puwede pa naman niyang buhayin ulit. Kagaya lang noong ginawa niya nang kuhanin niya ito ng palihim sa katawan ng Ina nito.

"My, my, my... Mukhang mainit ang ulo ni Phageng, ah?"

Napatingin siya sa nagsalita at si Asmodeus ang nakita niya. Nakangisi ito ng nakakaloko sa kanya. Isang marahas na buntung-hininga ang pinakawalan ni Belphegor at napatingin sa kapwa niya prince of hell.

"Sigurado bang ni isa sa inyo, walang kumuha kay Kristoff?" ang tanong niya kay Asmodeus.

Pasimple namang nagkibit-balikat si Asmodeus at matamang napatitig kay Belphegor. Halatang mainit nga ang ulo ng isang ito.

"Ano namang mapapala ko kapag kinuha ko ang apo mo? Totoo ang sinasabi ko sayo, no. Hindi ko lang alam sa ibang prince of hell kung isa sa kanila ang kumuha sa kanya." ang wika pa ni Asmodeus.

Pasimpleng napasuklay si Belphegor sa kanyang pulang-buhok.

"Hindi ko kayo mapagkakatiwalaan. Mga sinungaling kayo eh. Pasensiya na pero baka dumalaw ako sa mga teritoryo niyo nang walang pasintabi. Susuyurin ko ang hell para lang masiguro ko na hindi nga isa sa inyo ang kumuha kay Kristoff." ang mariing wika ni Belphegor.

Isang matipid na ngisi ang namutawi sa labi ni Asmodeus.

"Sige lang, Phageng. Gawin mo ang gusto mo. Pero maiba ako, bakit mo pa hahanapin si Kristoff eh pinatay mo na nga siya?" ang medyo nagtatakang tanong ni Asmodeus.

Napahalukipkip si Belphegor at kampanteng napatitig sa mukha ng kausap niya.

"Asiong, puwede ko naman siyang buhayin ulit. Tandaan mo na ginamit ko ang sarili kong dugo at laman para buhayin ang batang iyon kahit na pinatay ko ang Nanay niya noong kasing liit pa lamang siya ng butiki sa sinapupunan nito. Isama na din ang ilang porsiyento ng aking kapangyarihan." ang paliwanag ni Belphegor.

"Ah, ganoon pala iyon? Totoo nga ang kasabihan..." ang biglang pakli ni Asmodeus.

Napakurap naman si Belphegor.

"Kasabihan na ano?" ang bigla niyang tanong.

Tumawa muna ng nakakaloko si Asmodeus bago siya magsalita.

"Mas mahal talaga ang mga apo kaysa sa mga anak! Lolo ka na talaga!"

Tumawa pa ng nakakaloko si Asmodeus matapos niyang magsalita. Nanlaki naman ang mga mata ni Belphegor. Bigla niyang itinutok ang kanan niyang palad kay Asmodeus at nagpalabas ng malakas na whirlwind na apoy.

"How dare you 3x a day!" ang napikong wika ni Belphegor.

At si Asmodeus naman, tumawa lang habang nababalutan ng malakas na pulang-apoy hanggang sa mawala ito nang maapula ang apoy.

Samantala... Pasimple napahalukipkip si Jack nang malaman niya kina Hugo at Calcifer na hinahanap ni Belphegor si Kristoff.

"Wala bang nabanggit si Master Belphegor kung bakit nawawala si Kristoff?" ang curious niyang tanong.

Nagkibit-balikat si Hugo.

"Wala siyang ibang nabanggit. Nakakapagtaka nga eh, ni minsan ay hindi ko nakitang umalis ang batang iyon sa tabi ni Belphegor." ang sagot ni Hugo kay Jack.

Napatingin naman si Calcifer sa dalawa niyang kasama.

"Ang batang si Kristoff, ano ba talaga siya ni Belphegor?" ang curious niyang tanong.

Escape from Hell Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon