45. The House

513 42 12
                                    

                                 The House

"Cloud! Abangan mo siya diyan!" ang malakas na wika ni Wind sa kanyang kakambal.

Kasunod noon ay mabilis siyang nagpalabas ng malalakas na fireballs upang ipatama kay Jack ngunit laking gulat niya nang mabilis itong mawala sa kinaroonan at kasunod noon ay binato siya ng magkakasunod na patalim. Hindi sa katawan pinatamaan si Wind kundi sa kanyang damit at bumaon ang mga patalim na iyon sa malaking puno na nasa kanyang likuran.

"Kainis!" ang gigil wika ni Wind.

"Huwag kang mag-alala, ibabawi kita!" ang nakangising wika naman ni Cloud.

Ilang beses siyang pinaulanan ni Jack ng mga patalim ngunit panay ang ginawa niyang pag-ilag hanggang sa makapag-ipon siya ng sapat na lakas upang magbuga ng apoy galing sa kanyang bibig. Mabilis naman na umatras ng ilang beses si Jack at tumalon paitaas upang iwasan ang atakeng iyon ng batang dragon. Ayaw sana niyang pagbigyan ang kahilingan nilang sparring ngunit makulit ang kambal.

Mula sa itaas ay umatake naman si Cloud ng malakas na sipa ngunit kaagad na nakaiwas si Jack. Ang lupang tinamaan ng sipa ni Cloud ay nawasak, nagkaroon ng brown na usok at sinamantala niya iyon para makapagtago.

"Nawala siya!" ang pakli ni Cloud.

Tumingin-tingin siya sa paligid at nakiramdam ngunit hindi niya malaman kung nasaan ang kanyang kalaban. Kaya naman, naisipan na lamang niyang paulanan ng apoy ang paligid.

"Magagalit si Mama! Huwag kang padalos-dalos!" ang saway naman ni Wind.

Pilit nitong inaalis ang mga kutsilyong nakabaon sa kanyang damit. pero dahil malalim ang pagkakabaon ng mga kutsilyo sa trunk ng puno ay pinunit na lamang niya ang kanyang damit, siguradong patay siya sa kanilang nanay mamaya! Paniguradong padadapain siya at makakatikim siya ng hanger, pero hindi bale! Hindi siya mag-iisa dahil sigurado siyang si Cloud, ganoon din ang sasapitin mamaya! Nawala ang iniisip ni Wind nang...

"Eh hindi ko siya makita eh! Tulungan mo kaya ako!"

Dahil doon ay napatingin din sa paligid si Wind ngunit kagaya ni Cloud ay wala siyang makita hanggang sa may makita silang bulto ng anino sa di kalayuan.

"Ayon siya!" ang halos sabay na wika ng kambal.

Kasunod noon ay sabay silang tumakbo ng mabilis at sinugod ng malakas na suntok ang kanilang kalaban ngunit laking gulat nila dahil bluff lang ang anino na iyon at WABAG! Malakas na pinag-untog ni Jack ang kambal at parehong natumba ang dalawa sa lupa ng padapa.

"M-Mama!..." ang palahaw ni Cloud.

"Waaaah!" ang atungal naman ni Wind.

Humupa ang makapal na suok at napakamot naman si Jack sa kanyang ulo habang nakatingin siya sa kambal. Hindi niya alam kung maaawa siya sa dalawa o matatawa pero sa huli ay natawa din naman siya lalo na noong dumating si Wendy na may dalang hanger...

Samantala... Natigil sa ginagawang pagwawalis ng kanilang bakuran si Grimm nang makita niya si Rodel kasama ang Tiyuhin nitong si George, slash Tiyahin.

"Uy Grimm!" ang tawag kaagad ni Rodel sa kanya.

"Oh? Anong mayroon?" ang nagtataka naman niyang tanong.

Inantay muna niyang makalapit ang dalawa sa kanya.

"Grimm, iho! Puwede ka bang maisturbo sandali?" ang wika ni George sa bata.

"Ano po iyon, Tito?"

"Tita na lang! Ito namang batang 'to, ang ganda-ganda ko eh!"

Alanganing napangiti si Grimm sa Tiyuhin ng kanyang kaibigan.

Escape from Hell Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon