14. The Creature

1.6K 99 18
                                    


                                               The Creature


Matamang nakatitig ngayon si Grimm sa mukha ng tatay Andy niya. Kapwa sila may mga galos at pasa sa katawan. Magkaharap silang nakaupo sa sahig ng kanilang sala, parehong naka-budha position.

"Sa palagay mo Grimm, ano ang nangyari at hindi ka nagwala na parang halimaw kanina?" ang tanong nito.

Pasimpleng napasulyap si Grimm kay Andrey na nasa gilid ng pinto, ang nanay Rosa naman nila ay abala sa kusina para magluto ng kanilang hapunan. Tumingin siya sa orasan, alas diyes na ng gabi. Medyo huli na ang kanilang pagkain pero ayos lang.

"Basta ang alam ko, may paraan pa para maibalik si Rey. Hindi ako nawalan ng pag-asa at kahit ganoon po ang inyong ginawa, hindi ako nagalit."

Itinuro ni Andy ang dibdib niya.

"Eh noong mapatay ni Belphegor ang iyong Lola? Ano ang iyong naramdaman?" ang tanong nito.

Napakurap si Grimm at bahagyang umiwas ng tingin.

"Bakit niyo po ako tinatanong ng ganyan?"

Deretso lang ang pagtitig ni Andy sa kanyang mukha ngunit seryoso.

"Isa itong review, Grimm."

Muling napatingin si Grimm kay Andy. Yumuko siya ng bahagya at hindi naiwasan ang pagngilid ng luha sa kanyang mga mata.

"Sobrang sakit ng naramdaman ko dahil wala akong nagawa. Nawalan ako ng pag-asa at iyong galit na nararamdaman ko kay Belphegor, nadagdagan ng nadagdagan hanggang sa lamunin na ako. Iyong nagdilim na talaga lahat sa paningin ko."

Napatango-tango si Andy.

"Kung ganoon, alisin mo ang galit kay Belphegor at patawarin mo siya sa kanyang ginawa."

"P-Po?!"

"Alam kong mahirap ang bagay na ito sa parte mo ngunit iyon ang mas makakabuti para sa'yo. Patawarin mo siya ngunit kunin mo ang hustisyang nararapat para sa'yo at sa Lola mo. Hindi kita inoobligang gawin ito, nasa iyo ang desisyon. Isipin mo na lang maigi kung ano ang nangyari kanina. Ikaw mismo ang sumagot sa sarili mo kung bakit at paanong lumabas ang iyong demon form nang hindi ka nagwawala na parang isang baliw na halimaw."

Natahimik si Grimm at napaisip ng malalim. Napabuntung-hininga naman si Andy at saka na tumayo. Pinagpag niya ang kanyang suot na pantalon kahit na malinis naman.

"Iyon lang ang masasabi ko sa'yo. Sige, maiwan na kita dahil kailangan ko pang tulungan ang nanay niyo. Gusto ko lang ipaalala sa'yo ang laging sinasabi ng Lola mo. Palagi kang maging mabait. Simpleng pangungusap iyon pero malalim ang kahulugan. Sige na."

Tumalikod na siya kay Grimm at nananatiling tahimik ang binatilyo. Ilang minuto ang lumipas nang mapansin niyang wala na sa harap niya si Andy. Tumingin naman siya sa nakakatanda niyang kapatid.

"Kuya, ano sa palagay mo ang gustung ipunto ni Tatay?" ang tanong niya.

Tumingin ng seryoso sa kanyang mukha si Andrey at saka nakapakibit-balikat sabay sabing...

"Malay ko ba sa inyong dalawa!" pagkatapos ay napangisi ng nakakaloko.

Umalis na sa pagkakasandal sa pinto si Andrey at saka na iniwan si Grimm. Alam niyang kailangan nitong mag-isip na maigi.

Samantala... Naudlot ang akmang paghakbang ni Constantine nang makita niya si Jack na palabas ng bakuran ni Rose. Nakita siya ng demon at sutil pang ngumiti sa kanya sabay hawak sa suot nitong werdong sumbrero. Nanatili si Constantine sa kinatatayuan at nilapitan naman siya ni Jack. Akma pa lang siyang magsasalita para magtanong kung ano ang ginagawa nito sa bahay ng dalaga ngunit naunahan siya nito.

Escape from Hell Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon