5. The Invitation

1.7K 106 18
                                    


                                                      The Invitation


Marahang hinihilot ni Hugo ang sintido niya. Habang ginagawa niya ang bagay na iyon ay hindi niya maiwasang maalala ang sinabi sa kanya ng nakababatang kapatid tungkol sa bunsong anak ni Belphegor. Nagtiim ang mga bagang niya. Bakit ba mas pinapahalagahan pa nito ang pasaway na demon na iyon kaysa sa kanya na kapatid?!

"Boss, bakit hindi natin gantihan ang iron-mask exorcist? Magsasama ako ng mga tauhan at-."

Nabitin ang ano mang sasabihin ni Icarus dahil pinukol ito ni Hugo ng masamang tingin.

"Huwag na huwag niyong kakantiin ang nakababata kong kapatid dahil kapag nagkataon, ako mismo ang papatay sa inyo. Siya na lang ang nag-iisa kong pamilya kaya huwag niyo siyang pakialaman." ang mariin niyang wika.

Dahil doon ay natahimik ang lahat at matamang napatingin sa kanyang mukha. Kasunod noon ay huminga ng malalim si Hugo. Biglang napapitik ang mga daliri niya sa kanang-kamay.

"Bakit kaya hindi ang anak ni Belphegor ang pagbalingan natin ng atensyon?" ang bigla niyang wika.

Amaze na napatingin sa kanya ang mga kasama.

"Anong gusto mong gawin sa batang iyon?" ang tanong naman kaagad ni Rowena.

Isang kakaibang ngiti ang namutawi sa labi ni Hugo.

"Imbitahan natin ang batang iyon na magpunta sa isa nating teritoryo. Turuan natin siya ng leksyong hindi niya malilimutan." ang wika niya.

Samantala... Panay ang bahing ni Grimm habang napapakamot siya sa kanyang ilong. Hindi naman siya sinisipon pero sigurado siyang pinag-uusapan siya. Ewan nga lang niya kung sino ang nagtsi-tsismis.

Ipinagpatuloy na lamang niya ang gingawang pagbebake ng chocolate chip cookies. Hindi iyon pangbenta kundi kakainin nilang magkakaibigan. Galing sa kanyang bulsa ang mga ginamit na ingredients. Maya-maya pa ay dumating ang Kuya Andrey niya.

"Nandiyan na sa labas ang mga kaibigan mo. Ano, luto na ba iyan?" ang tanong nito sa kanya.

"Malapit na, Kuya. Gusto mong kumain?"

Napailing ng bahagya si Andrey.

"Sawa na ako diyan." ang maikli itong wika.

Iyon nga lang ay kumuha pa rin ito ng isang pirasong cookie na naluto na. Natawa na lang si Grimm sa ginawa ng nakakatandang kapatid. Nang hanguin niya sa pugon ang last batch ng cookies ay kaagad niya iyong inilagay sa cute na basket na nasasapinan ng picnic clothe na malinis. Lumabas na siya at kagaya ng inaasahan niya, nagkagulo ang tropa niya sa kanyang dala. Naroon din sina Mikee at Victor. Habang kumakain ay nagkuwentuhan sila.

Samantala... Mahigpit na hawak ni Duke sa magkabilang-kamay si John. Napatingin siya kina Clemen at Constantine na handa nang magbigay ng blessings sa kaibigan.

"Hawak ko na siya ng mahigpit, puwede na kayong mag-umpisa!" ang nakangisi pa niyang wika.

Tinangka pang pumalag ni John pero na-lock na siyang maigi ni Duke. Sinabi na nila kay Sir Edward ang tungkol sa pagdadalang-tao ni Alice at wala namang naging problema sa matanda. Pero ang dalawang Kuya ni Alice eh kailangan daw magbigay ng blessings. Napatingin siya sa dalawa, pinalagutok ni Constantine ang mga kamao.

Escape from Hell Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon