50. A Visit

700 49 16
                                    


                               A Visit


"Rose..."

Natigil sa ginagawang pagkuha ng mga sinampay na kumot at punda si Rose at saka siya napatingin sa tumawag sa kanyang pangalan. Nakita niya sa may labas ng gate si Constantine. Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi nito at napansin niya ang dala nitong rose na kulay baby-pink at nakatanim ito sa cute na paso. Katamtaman lang ang laki ng mga bulaklak ng halaman.

"Constantine Leigh?" ang medyo na-amaze niyang wika.

Tuluyan niyang kinuha sa sampayan ang panghuling kumot at saka inilagay sa laundry basket.

"Abala ka ba? Puwede bang tumuloy?" ang tanong ni Constantine.

"Ahm, hindi naman ako gaanong abala. Sige, tumuloy ka lang." ang medyo nagtatakang wika ni Rose.

Binuksan ni Constantine ang maliit na gate. Kasunod noon ay pasimpleng napatingin sa paligid ng bakuran na ngayon ay naging hardin na. Hindi iyon kalakihan pero maganda dahil sa maayos na pagkakalagay ng mga tanim na halaman. Sa mga singit-singit ay may mga tanim na gulay at herbs. Ibinaba naman ni Rose ang hawak niyang laundry basket at saka tuluyang hinarap si Constantine.

"May kailangan ka ba?" ang tanong niya kaagad.

Isa namang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Constantine at saka siya napangiti ng matipid. Hindi na siya sinusungitan ni Rose ngayon, maliban na lang kapag binubuwisit niya kung minsan.

"Heto pala, para sayo."

Iniabot ni Constantine kay Rose ang hawak niya at nagtataka namang kinuha iyon ng huli. Medyo pabukas palang ang mga bulaklak ng halaman. Nasamyo niya ang mabangong halimuyak ng mga bulaklak.

"Royal highness rose... Isa sa uri ng breed ng halamang rose na napakabango." ang wika pa ni Constantine.

"Talaga? Teka lang, wala namang okasyon. Bakit mo ako binibigyan nito?" ang inosenteng tanong ni Rose.

Bahagyang natigilan si Constantine sa sinabi ni Rose at saka pasimpleng napakamot sa kanyang batok. Sa totoo lang ay basta lang kasi niya naisipan ang ginawa niya ngayon.

"Ahm... Ano, gusto ko lang mangamusta." iyon na lang ang naisip niyang sabihin.

Inilapag naman ni Rose ang hawak niya sa bakal na lamesa.

"Ayos lang naman ako." ang medyo na-amaze na wika ng dalaga.

"S-Si Timmy?"

"Ah, wala siya. Sinundo ng mga nakababatang kapatid ni Sir Duke. Iyong kambal? Doon matutulog sa kanila ang kapatid ko ngayong gabi. Bakit? May kailangan ka ba sa kanya?"

Hindi alam ni Constantine ang sasabihin dahil tinanong lang niya si Timmy para mayroon siyang dahilan kunwari.

"Ah ano..."

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Constantine at kasunod noon ay naupo sa bakal na upuan at napatingin sa magandang rose na nakalapag doon. Napaupo naman si Rose sa tapat niya.

"Ang totoo niyan, gusto lang kitang makita at makausap." ang wika ni Constantine.

"Bakit?"

"Magkakaroon kasi kami ng misyon at siguradong mapapalaban kami ng husto. Kaya... Naisipan kitang puntahan ngayon."

Napakurap si Rose sa kanyang narinig at bahagya siyang nakadama ng pagkailang lalo na at nakatitig sa kanyang mukha si Constantine.

"Delekado ba ang misyon na iyan?" ang tanong na lamang ng dalaga.

Escape from Hell Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon