41. Jack's Gamble

532 49 13
                                    

                                          Jack's Gamble



"Rusty, ikaw na ang kumatok at saka tumawag." ang wika ni Rodel.

"Oo nga, ikaw na!" ang segunda pa ni Salv.

Gulat naman na napatingin sa mga kaibigan si Rusty. Sina Grimm at Andrey ay nananatiling tulog. Papagaling palang ang mga pinsalang tinamo ng kanilang katawan mula sa matindi nilang sparring. Si Grimm ay buhat ni Mikee at si Andrey ay si Victor ang may buhat. Ang bag at damit ng dalawa ay dala-dala ng mga Kuwarog boys.

"B-Bakit ako?" ang nagtataka pa niyang tanong sa mga kasama.

"Eh basta ikaw na para hindi sila masyadong magalit kapag nakita nila itong dalawa. Ikaw na din ang magpaliwanag." ang wika naman ni Ricky.

Napabuntung-hininga si Rusty.

"Sige na, ako na nga!" ang wika niya.

Ilang beses na huminga ng malalim si Rusty bago siya kumatok sa pinto ng bahay at saka tumawag ng 'Tao po'. Sarado na ang bakery. Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng mga papalapit na yabag at nang magbukas ang pinto ay bumungad sa kanila si Andy na nakasuot ng green na apron at may hawak na sandok.

Kunot-noo namang napatingin si Andy kay Rusty ngunit kasunod noon ay nabaling ang atensyon niya sa mga kasama nito at laking gulat niya nang makita niya na walang malay sina Grimm at Andrey.

"Anong nangyari?!" ang kaagad niyang tanong.

Maawtoridad ang tono ng pagkakatanong kaya naman napaatras ng bahagya ang magkakaibigan pero ilang sandali pa ay nagsalita si Rusty.

"P-Pasensiya na po. K-Kuwan kasi eh, nag-sparring silang dalawa." ang umpisa ni Rusty.

Kasunod noon ay napatingin siya sa mga kaibigan, ayaw man lang siyang i-back up sa pagpapaliwanag! Muli sana siyang magsasalita ngunit...

"Pumasok kayong lahat sa loob. Ipaliwanag niyong maigi sa amin ng Misis ko kung ano ang nangyari." ang utos na lang ni Andy sa mga bata.

"S-Sige po." ang alanganing wika ni Rusty.

Niluwagan naman ni Andy ang pagkakabukas ng pinto at saka siya gumilid. Nauna nang pumasok sa loob ng bahay si Rusty at sumunod ang mga kaibigan niya. Panghuli na pumasok si Mikee na buhat-buhat si Grimm na mahimbing ang tulog. Napadalawang tingin naman si Rosa Mia nang makita niya na walang-malay ang dalawa niyang binata at dahan-dahang ipinapaupo nina Victor at Mikee sa sala. Kaagad siyang lumapit sa grupo ng kabataan.

"Anong nangyari?" ang kalmado niyang tanong.

Medyo nagtitinginan pa ang magkakaibigan pero sa bandang huli ay si Mikee ang unang nagsalita. Sinabi nito na nagkayayayaan ang magkuya na mag-sparring. Sinegundahan naman ni Victor ang pagkukuwento ni Mikee hanggang sa mapakuwento na rin ang iba.

"Grabe! Ang tindi noong naging sagupaan nila! Wasak ang paligid sa lakas ng kapangyarihan na kanilang pinakawalan! Tapos noong huli, nagsuntukan sila! Kaya lang noong magkatamaan sila, pareho silang natumba at nawalan ng malay. Double knock out eh!" ang napailing-iling na kuwento ni Rey.

Nasapo ni Rosa Mia ang noo at saka siya natawa ng mahina. Si Andy naman ay natatawa habang nakasandal sa may gilid ng pinto ng kusina. Hawak-hawak niya ang sandok. Ganoon pala ang nangyari. Si Sid naman ay iniuwi na ni Duke. Tulog na tulog din ang binatilyo dahil napagod sa proseso ng paglalagay ng seal sa katawan nito. Nawala ang iniisip niya nang marinig niyang nagkukuwento ang mga bata tungkol sa nangyaring sparring. Sayang! Hindi niya nasaksihan ang paghaharap ng dalawa.

"Mga bata, dito na kayo kumain ng hapunan. Tawagan niyo na lang o kaya i-message niyo ang mga magulang niyo. Madami pa tayong dapat na pag-usapan." ang wika niya.

Escape from Hell Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon