48. The Shortcut

599 51 17
                                    


                    The Shortcut


"Anong pangalan mo?" ang curious na tanong ni Grimm sa nilalang na nilikha ng mangkukulam.

Nagising na ito mula sa pagkakatulog dala ng pag-atake ni Victor sa leeg nito noong maglaban ang dalawa. Hindi nila masabi kung ano ang nilalang na nasa kanilang harapan. Ang ulo nito ay sa Dalakipnon, ang katawan ay sa puting elf ngunit ang mga braso naman ay sa dark-elf. Nakatitig nga silang lahat dito, lalo na sa mga mata nito na may magkaibang-kulay dahil galing sa magkaibang nilalang ang mga iyon.

Napakurap naman ang lalaki at matamang napatitig sa kanilang lahat. Sa kasalukuyan ay nasa bahay na sila ni Kapitan Arthur at nasa silid sila na nakalaan para sa mga lalaki. Nagawa na nilang maibalik ang mga nawawalang dalaga sa barrio at laking pasasalamat ng mga tao sa kanila. Isinama din nila ang nilalang na nakalaban ni Victor ayon na din sa utos ni Saint Michael. Sinabi nila na isa din ito sa mga biktima ng mangkukulam.

"A-Ano ang pangalan?" ang biglang wika ng lalaki.

Namamangha itong napatingin sa kanilang lahat. At sila naman ay bahagyang nagulat sa tinuran nito.

"Hindi ka man lang ba binigyan ng pangalan ng mangkukulam na lumikha sayo?" ang curious na tanong naman ni Father Clemen.

"M-Mangkukulam? Ano ba ang pangalan?" ang medyo nalilito nitong sagot.

Dahil doon ay lumapit naman si Victor at hinarap ang naiibang nilalang.

"Naglaban tayong dalawa. Ang bilis mo ngang kumilos eh pero natalo kita. Hindi mo iyon naalala?" ang tanong ng binatilyong demon.

Marahang napailing ang lalaki. Titig na titig si Victor sa mga mata nito na may magkaibang kulay na halatang galing sa magkaibang tao o nilalang. Kitang-kita niya na hindi nagsisinungaling ang kanilang kausap.

"Totoo na wala siyang malay habang nasa ilalim siya ng mangkukulam at wala din siyang alam sa mga iniutos sa kanya." ang wika niya sa mga kasama.

Matapos magsalita ni Victor ay si Saint Michael naman ang lumapit sa lalaki.

"Kung ganoon, ako na ang bahala sa kanya. Aampunin ko siya at gagawing assistant."

"Teka kuya, ako na lang ang ampunin mo!" ang biglang singit ni Blade.

Seryosong tumingin si Saint Michael kay Blade na nananatili pa rin sa anyong babae at kilala ng mga tao bilang si sister Ana.

"Ayaw kitang ampunin, Blade. Kapatid na kita di ba? Bakit pa kita aampunin?"

Na-touch si Blade sa sinabi ni Saint Michael... Ganoon pa man ay...

"Hindi lang madirekta ni Saint Michael pero ayaw niyang ampunin si Kuya Blade kasi matakaw!" ang natawa at mahinang wika ni Grimm.

Ganoon pa man ay narinig iyon ng lahat kaya natawa sila. Napaismid naman si Blade sa mga kasama niya. 'Anak na lase!" isinaisip na lamang niya iyon.

"Pero maiba ako, ano ba ang magandang pangalan na puwedeng ibigay sa isang ito?" ang biglang tanong ni Saint Michael sa lahat.

Dahil sa katanungang iyon ng archangel ay namayani ang katahimikan at napaisip silang lahat... Gawa sa iba't-ibang parte ng nilalang ang katawan ng lalaki. Hindi masasabing Dalakipnon, hindi masasabing dark-elf o white elf.

"Franky na lang! Para siyang si Frankenstein monster eh. Pinagtagpi-tagpi kasi iyong katawan niya. Saka naalala ko sa kanya si Franky sa One Piece!" ang wika ni Blade.

"Hmm... Mukhang bagay nga ang Franky pero gawin na lang nating Frank para mas makabagong pakinggan." ang wika ni Saint Michael.

"Mukhang iyon na nga ang nababagay!" ang sang-ayon ni Orphen.

Escape from Hell Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon