18. Ghost Hunting II

1.4K 93 27
                                    


Ghost Hunting II

Nanghahaba ang nguso ni Timmy habang nakatingin siya sa labas ng bintana. Yamot siyang napatitig sa malaking puno ng talisay na medyo malapit sa bintanang kinaroroonan niya. Napangiti naman si Alice nang makita niya ang itsura ng nakababatang kapatid ni Rose. Nagmamaktol dahil hindi isinama sa ghost hunting. Inilapag niya ang basong may lamang gatas sa tabi ng bintana. Napatingin sa kanya si Timmy at nginitian niya ito.

"Masarap ang gatas na iyan. Bigay nila Lolo Insyong, inumin mo na habang mainit-init pa."

Tumingin si Timmy kay Alice. Yamot siyang napasimangot.

"Eh bakit kasi hindi ako isinama?! Malamang nagsasaya na ang mga iyon. Baka hindi na sila nag-ghost hunting, baka nagperya na din sila sa kabilang barangay!"

Napakurap si Alice, napaka-advance mag-isip! Samantalang kanina lang ay kausap niya si Rusty at sinabing naroon na daw sila sa abandonadong ospital. Pero sabagay, kung wala silang mapapala doon, malamang ay tama si Timmy.

"Ang mabuti pa, matulog na tayo? Tabihan mo kami ni John."

"Mas maigi iyon Timmy. Saka huwag kang tumambay diyan sa may bintana, baka hablutin ka ng aswang." ang singit naman ni John.

Matalim na tumitig si Timmy kay John.

"Hindi mo ako matatakot!"

"Hindi kita tinatakot. Alalahanin mo, buntis si Alice at mabango ang pang-amoy ng mga aswang sa kanya. Isa pa, gustung-gusto din nila ang mga batang katulad mo kasi... Sariwa pa ang mga laman-loob-Aray!"

Kinurot ni Alice si John. Pati siya ay natakot sa sinabi nito.

"Pati ako tinakot mo eh! Halika na, matulog na tayo." ang utos niya.

"Sorry na, nagbibiro lang ako."

"Halika na! Inaantok na ako."

Nauna nang lumakad si Alice at napasunod na lang si John. Naiwan naman si Timmy. Kinuha niya ang baso na nakalapag sa tabi ng bintana at uminom ng gatas. Masarap nga iyon. Muli siyang tumingin sa labas, napakurap siya dahil may nakita siyang itim na pigura ng tao na palipat-lipat sa mga sanga ng puno ng mangga at papunta na ito sa puno ng talisay na malapit sa bintanang kinaroroonan niya. Agad niyang isinara ang bintana, kinuha ang baso at tumakbo.

"Matutulog na din ako!" ang sigaw ni Timmy.

Lihim namang napangisi si John. Akala niya ay hindi epektibo ang pananakot niya. Ipitinik niya ang mga daliri sa kanang-kamay at ang itim na pigura ay naging papel, nasunog iyon at tuluyang nawala.

Samantala... Humihingal na napahinto si Andrey sa pagtakbo. Panay ang ginawa niyang pagbuntung-hininga para kumuha ng hangin. Isang mahinang tawa ang kumawala sa kanya.

"Grabe iyon, sobrang nakakagulat!" ang wika niya.

Kaya lang ay nawala ang ngiti niya nang walang sumagot at hindi man lang niya narinig ang boses ng mga kasama niya. Napakurap siya at tiningnan ang paligid. Mukhang napunta siya sa top floor nang hindi niy namamalayan. Napakamot siya sa kanyang ulo sa isiping iyon. Mahigpit niyang hinawakan ang solo sa kanan niyang kamay. Nakakabingi ang katahimikan at hindi iyon maganda.

"Mukhang nagkahiwa-hiwalay kami dahil sa pagkagulat. Lilibutin ko muna itong lugar bago ako bumaba at hanapin sila. Nandito na din naman ako, lulubusin ko na." ang nakapagpasya niyang wika.

Nagsimula na siyang lumakad at kagaya ng ibang floor, puro lumot na at dumi ang naroon. May mga tumubo na ngang damo sa ibang parte. Napakunot-noo siya dahil nakarinig siya ng patak ng tubig. Paisa-isa ang patak at mukhang malapit lang ang pinagmumulan.

Escape from Hell Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon