22. The Masterpiece

1.2K 78 21
                                    

                     The Masterpiece

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Clemen. Pagkatapos ng magulong engkuwentro ay inuwi nila si Wanda at dinala dito sa simbahan. Sa kasalukuyan ay inaasikaso ito ni Rose. Tinawagan niya ang dalaga para hingiin ang tulong nito. Hanggang ngayon ay medyo nagugulat pa rin siya sa desisyong ginawa ni Hugo. Muli siyang napabuntung-hininga at napatingin sa pader ng simbahan na gawa sa bricks.

Napakunot-noo siya nang makita ang isang stick ng sigarilyo na nakasiksik doon. Kinuha niya ang sigarilyo na medyo nalukot, inayos at tinangka niyang sindihan gamit ang lighter na kinuha niya mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Kaya lang noong idadarang na niya ang apoy sa dulo ng sigarilyo ay medyo humangin at namamatay ang apoy ng lighter. Wala nga lang siyang balak na sumuko dahil sa ngayon, nakakadama siya ng frustrations.

"Akala ko ba nag-quit ka na diyan?"

Napatingin siya sa nagsalita at nakita niya si Gaunt, nakakunot-noo. Ito ang may kagagawan ng hangin na siyang dahilan kaya di niya masindihan ang sigarilyo.

"Ngayon lang naman ito, Gaunt."

Napailing si Gaunt at matipid na ngumiti kay Clemen.

"Isusumbong kita kay Grimm." ang banta niya.

Tuluyang sinindihan ni Clemen ang hawak na sigarilyo at saka siya humithit ng usok.

"Sige lang, Gaunt. Hindi ako natatakot."

"Pasaway ka."

Nagbuga ng usok si Clemen, matagal na rin noong huli siyang makahithit ng sigarilyo. Tumingin siya kay Gaunt na kapansin-pansin ang maaliwalas na mukha.

"Mukhang masaya ka yata?" ang untag niya.

Napamulsa si Gaunt at napasandal sa gilid ng pader.

"Nailagay ko na kay Kristoff ang unang letra para kontrahin ang spell ni Belphegor." ang pagbabalita niya.

Napangiti si Clemen sa kanyang narinig at muling napahithit sa sigarilyong hawak niya.

"Magandang balita kung ganoon."

Matamang napatitig si Gaunt kay Clemen, halata ang pagkabalisa nito.

"Nag-aalala ka doon sa witch?" ang tanong niya.

Itinapon ni Clemen sa sahig ang hawak na sigarilyo at saka inapakan. Ni hindi pa nga niya iyon nakakalahati.

"Oo. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanya. Kami ni Hugo ang nag-usap, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na magdesisyon para sa kanyang sarili." ang amin niya.

Napahalukipkip si Gaunt.

"Magaling ka naman mang-uto ng mga babae, gamitin mo ang talento mo sa kanya."

"Nah, huwag kang ganyan. Nagbago na ako, alalahanin mong isa akong exorcist-priest."

Hindi na nagsalita si Gaunt kay Clemen pero ngumiti siya. Isa namang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ng huli at napatingin sa direksyon kung saan naroon ang babae.

"Maiwan muna kita at kakamustahin ko lang ang bago kong ampon." ang paalam niya kay Gaunt.

"Sige lang, magpapahangin ako dito."

Tuluyan ng lumakad paalis si Clemen at naiwang mag-isa sa may hardin si Gaunt.

Samantala... Hindi mapigilan ni Rose na tingnan ang natutulog na babae sa kama. Natapos na niya itong bihisan at nagpapasalamat siya na nagkasya ang mga dinala niyang damit dito. Hindi naman pala nagkakalayo ang sukat ng kanilang katawan. Maganda ang babae, hindi iyon maikakaila ngunit marami siyang nakitang tattoo sa katawan nito at kakaiba sila. Nangingibabaw nga lang iyong nasa kanang-balikat nito, isa daw iyong seal na minarka ni Lucifer upang angkinin ang babae ngunit hindi natapos.

Escape from Hell Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon