57. Where is Kristoff?

549 50 20
                                    

                              Where is Kristoff?

Kahit na masakit ang katawan ni Spade dahil sa mga natamo niyang pinsala ay pinilit niyang makatayo. Hinarap niya ang misteryosong lalaki na tumulong sa mga bata.

"Kailangang magawa ko ang pakay namin dito ni Flo!" ang mariin niyang wika.

Napakamot naman sa kanyang batok si Saint Raguel. Hindi niya akalain na matigas pala ang ulo ng archdemon na 'to.

"Alam mo, umalis ka na lang. Isama mo na lang iyang kasama mo diyan na hindi na makagalaw. Pero, tigilan niyo na ang mga bata na nandito sa likuran ko, ha? Dahil kapag pinagtangkaan niyo pa ang mga buhay nila, patay kayo sa akin."

Nakangiti si Saint Raguel nang magsalita siya ngunit ang kanyang pananalita ay seryoso at mariin. Dahil dito ay lalong namangha sina Ricky, Rodel, Salv at Rey. Ganoon pa man, nananatili pa ring misteryoso ang lalaking ito na sumagip sa kanila. Muntik na silang sunduin ni Kamatayan! Buti na lang, mukhang busy pa!

Napangiti naman si Rosa Mia at nakahinga ng maluwag nang makita niya si Saint Raguel.

"H-Huwag mo akong minamaliit, kung sino ka man!" ang medyo napipikong wika naman ni Spade.

Nasapo niya ang kanyang katawan at sumirit doon ang dugo nang gumalaw siya.

"Hindi kita minamaliit. Nagkataon lang, hindi mo ako kaya." ang kalmado ngunit seryosong wika ni Saint Raguel.

Nagdilim ang paningin ni Spade dahil sa kanyang narinig. Nagtiim ang kanyang mga bagang sa inis at galit!

"Anong sinabi mo?!" ang galit niyang bulalas.

Kasunod noon ay muli siyang nag-requip ng kanyang armas, isang malaking palakol ulit. Napabuntung-hininga naman si Saint Raguel. Kasunod noon ay ikinumpas niya ang kanang-kamay. At sa kanyang pagkumpas, isang malakas na puwersa ng hangin ang mabilis na bumulusok papunta kay Spade at nadamay na din si Flo. Napatilapon sila sa malayo ng literal.

At ang atakeng iyon ni Saint Raguel ay hindi pa natapos, isang holy-seal ang nabuo sa kanang-braso nito at saka iyon malakas na binalutan ng puwersa ng hangin... Sinundan nito ang dalawang archdemon kung saan man sila tumilapon. Dahil sa nakita, lalong napahanga ang mga bata.

"Ang galing! Simpleng-simple lang sa kanya na talunin ang dalawang iyon!" ang hindi napigilang wika ni Salv.

"O-Oo nga. Dalawang beses na tayong muntik mapatay ng dalawang archdemon ni Belphegor." ang segunda din ni Rey.

Dahil sa narinig ay muling natuon ang atensyon ni Saint Raguel sa mga bata. Tumingin siya sa mga ito at ngumiti.

"Kamusta mga bata? Ayos lang ba kayo?" ang tanong niya.

Ilang segundo ang lumipas bago makapagsalita ang mga bata at napangiti naman si Rosa Mia sa nakitang reaksyon nila. Hindi niya masisisi ang mga ito, isang archangel ang kanilang kaharap ngayon.

Samantala... Pinatuloy ni Andy sina Grimm, Andrey, Victor at Gaunt sa kanyang bahay. Si Victor, ugali na talaga nitong matulog sa kanilang bahay kapag galing sa misyon, kasama si Grimm. At itong si Gaunt naman, alam nilang may matinding pinagdadaanan ngayon.

"Mano po, 'tay." ang wika ni Grimm.

Nauna itong magmano sa kanya at kasunod nito si Andrey. Nagmano din si Victor, dati hindi nito ugali ang magmano sa kanya. Pero nakatikim ng batok niya, kaya natuto. Pinakahuli na nagmano si Gaunt, mukhang naturuan na rin ng magandang asal ni Father Clemen. Isa din ito, babati lang kapag bumibisita sa bahay nila pero hindi magmamano.

"Si Nanay?" ang tanong naman ni Andrey.

Inaasahan kasi niya na ang sasalubong sa kanila ni Grimm ay ang kanilang nanay.

Escape from Hell Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon