4. Haunted Carnival

1.7K 135 26
                                    


                                                 Haunted Carnival


Napatayo si Grimm sa kinauupuan nang makita niyang dumating ang mga magulang niya at kuya. Sobra siyang nagulat nang makita niyang pare-pareho silang may mga galos at pasa sa katawan. Kaagad siyang nagmano at kinuha niya ang ilan sa mga dala ng Kuya Andrey niya.

"Ano po ang nangyari?" ang nagtataka pa niyang tanong.

Halatang nagulat din ang mga kaibigan niya ngunit nahihiya lang ang mga ito na magsalita. Napangiti naman sina Rosa at Andy kay Grimm. Ginulo ni Andy ang buhok ng binatilyo.

"Pasensiya na anak, napalaban kasi kami kina Belphegor at Hugo kaya ganito ang itsura namin. Huwag kang mag-alala dahil pinatulog ng nanay mo si Belphegor. Naiganti na rin niya ang Lola mo." ang wika ni Andy.

Ilang sandaling napatulala si Grimm at literal namang natapon ni Rodel ang laman ng basong iniinom niya. Softdrinks iyon. Nasamid ang binatilyo at napatanga naman ang mga kasama niya.

"A-Ayos lang po ba kayo?" ang nag-aalalang tanong naman ni Grimm.

Natawa ng mahina si Andy nang makita niya ang nag-aalalang mukha ni Grimm.

"Huwag mong kalimutan na mga exorcist kami, anak. Maging ang Kuya Andrey mo. Kahit na matagal na kaming hindi napapalaban ay hindi pa naman kinakalawang ang aming kakayahan. Kaya huwag kang mag-alala. Papasok na kami sa loob para mag-ayos at kayo na ang bahala dito sa mga pinamili namin."

"S-Sige po." ang natulirong wika na lang ni Grimm.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya. Kahit alam na niya ang katotohanan tungkol sa pagkatao ng mga ito ay hindi pa rin siya nasasanay. Alam niyang pinipilit nilang maging normal sa pamilya nila ang lahat ngunit sadyang iba na ang sitwasyon simula nang mamatay si Lola Epang.

"Pambihira, ang astig naman talaga ng pamilya niyo eh!" ang hindi napigilang komento ni Rey.

"Tama ka, ang astig nga." ang sang-ayon pa ni Ricky.

Dahil sa narinig ay natawa na lang si Grimm at bahagyang napailing. Aaminin niya, proud siya sa kanyang pamilya.

Samantala... Na-amaze si Rusty nang makita niyang nagbibihis ang Papa Constantine niya.

"May lakad ka, Pa?" ang pasimple niyang sita.

Tumingin si Constantine sa kanyang anak.

"Oo, may lakad ako. Kasama ko si Miss Weston, may mahalaga kaming aasikasuhin." ang sagot niya.

Napangiti ng pilya si Rusty.

"Uy! May date si Papa!" ang tukso niya.

Napangiti si Constantine at napakamot sa kanyang batok.

"Hindi ito date, Rusty. Kagaya nang sinabi ko, may mahalaga kaming aasikasuhin at pasensiya ka na dahil usapang pangmatanda lang ito."

Napasimangot si Rusty at natawa na lang siya sa reaksyon ng anak niya. Hindi naman niya kasi puwedeng sabihin na makikipagkita sila ni Rose sa demon na si Jack Reaper. Ang mortal niyang karibal. Nakiusap kasi si Rose sa kanya na tingnan ang kalagayan ni Jack, kung may pag-asa pang matanggal ang spell na inilagay ni Belphegor sa loob ng puso nito. Kaya pala sunud-sunuran lang ito, hindi niya alam pero sa isiping iyon ay nakakadama siya ng simpatya kay Jack. Magtitiwala siya sa sinabi ni Rose na hindi naman talaga masamang nilalang si Jack.

Escape from Hell Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon