10. It's Complicated

1.2K 96 10
                                    

                                It's Complicated

"H-Huh?!" ang gulat na bulalas ni Victor nang biglang mawala sa kanyang paningin si Jack.

Nakadama siya ng mabining hangin sa kanyang likuran at napalunok siya nang maramdaman niya ang matalas na talim ng kutsilyo sa kanyang leeg. Pinagpawisan siyang bigla. Kanina lang ay nakadapa sa lupa si Jack at walang laban sa kanya, pero ano ang nangyari? Ni hindi niya nalaman na wala na ito sa kinalalagyan.

"Mas magaling pala sa akin ah? Very bad, Victor... Tandaan mo na bago ikaw, ako muna ang nauna. Mas marami akong karanasan kaysa sa'yo, mas madami akong napatay..." ang seryosong wika ni Jack.

Unti-unti nitong inilayo ang patalim sa kanyang leeg kaya nagawa na niya itong harapin. Tumitig siya sa mga mata nito. Hindi niya alam kung nagmamalasakit ito sa kanya o ano. Basta ang alam niya, kadugo niya si Jack... Pero hindi ibig sabihin na magkakampi sila.

"Sabihin mo, hindi mo pa inilalabas ang lahat ng lakas mo di ba? Hanggang saan ang kakayahan mo? Kaya mo na bang tapatan sa laban ang isang Prince of hell?"

Isang mahinang tawa ang kumawala kay Jack at bahagyang napaatras si Victor nang guluhin nito ang buhok niya. Kasunod noon ay unti-unting sumeryoso ang mukha ni Jack.

"Kailanman ay hindi ipinapaalam ng isang mandirigma sa kalaban ang tunay niyang lakas at kakayahan. Laging nananatili ang elemento ng surpresa. Mga assassin tayo, Victor. Tandaan mo na hindi dapat mawala ang element of surprise."

Bahagyang nagtiim ang mga bagang ni Victor at saka umiwas ng tingin kay Jack. Sumimangot siya at marahas na tinapik ang kamay nitong gumugulo sa kanyang buhok.

"Tumigil ka nga, huwag mo akong turuan dahil alam ko na ang lahat ng iyan. Saka, hindi ka ba natatakot na baka isumbong ka ni Spade kay Belphegor?!" ang medyo paangil niyang wika.

Isang matamis na ngiti ang namutawi sa labi ni Jack.

"Ayos lang dahil pinatulog naman ni young master Grimm si Spade, malamang naalog ng todo ang utak noon dahil sa malakas na headbat. Saka nakakatuwa naman, nag-aalala ka sa akin!"

Dahil sa narinig ay nanlaki ang mga mata ni Victor at saka mabilis na iwinasiwas ang hawak niyang kutsilyo kay Jack ngunit huli na dahil ilang beses na itong nakatalon paatras at malayo na sa kanya. Napahawak ito sa dulo ng suot nitong sumbrero.

"Hanggang sa muling pagkikita, Victor... Salamat sa pag-aalala."

Magsasalita sana si Victor ngunit nawala nasi Jack sa anino ng takip-silim. Napahinga na lang siya ng malalim at saka napangiti ng matipid. Sinapo niya ang noo.

"Baliw ka talaga." ang mahina na lang niyang usal.

Lumapit naman si Grimm sa kaibigan, natuwa siya sa nakitang eksena.

"Ayos ka lang diyan?" ang tanong niya.

Tumingin si Victor sa kanya at napakunot-noo nang makita ang punit niyang t-shirt at bakas ng dugo sa damit.

"Ikaw ang ayos lang?" ang balik nitong tanong.

Nagkibit-balikat si Grimm at pasimpleng napahawak sa kanan niyang balikat. Bumaon doon ang ilang bahagi ng crescent blade ni Spade.

"Ayos lang ako. Gagaling din naman agad itong sugat ko." ang wika na lang niya.

Samantala... Isinara ni Gaunt ang librong binabasa niya dahil wala naman doon ang isip niya. Napangalumbaba siya sa mesa at napakunot-noo. Ano ba ang iniisip ni Belphegor? Ano na naman ang binabalak nito sa kanilang magkapatid?! Nagtiim ang mga bagang niya... Si Grimm, kapalit ng anak niyang si Kristoff. Sinapo niya ang noo at mariing pumikit. Sumandal siya sa kinauupuan at saka nakapikit na tumingala sa kisame. Pakiramdam niya ay sobra siyang pagod kahit wala naman siyang ginawa buong maghapon kundi ang magbasa. Sa pagpikit ng kanyang mga mata ay unti-unting luminaw ang mga alaala sa kanya ni Kristine. Biglang gumuhit ang ngiti sa labi niya ngunit kaagad iyong nawala dahil nadama din ulit niya ang sakit sa pagkawala nito. Wala man lang siyang nagawa noon... Wala. Pinanood lang niya kung paano lagutan ng hininga ni Belphegor ang babaing pinakamamahal niya. Bigla siyang napamulat nang marinig niya ang marahas na pagbubukas ng pinto. Iniluwa noon si Father Clemen na natatawa.

Escape from Hell Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon