3. SIBLINGS

2.1K 111 61
                                    


                                          SIBLINGS


Isang marahas na buntung-hininga ang pinakawalan ni Grimm habang tinititigan niya ang mukha ni Mikee. Sa ngayon ay nasa anyo ito ng binatilyo pero hindi maikakaila na ito parin naman si Saint Michael. Dapit-hapon na sa mga oras na ito, nag-aagawan na ang liwanag at dilim. Kasalukuyyan silang nasa rooftop ng paaralan at silang dalawa lamang ang naroon. Kumibot ang labi ni Mikee, hindi nagtagal ay nagsalita na rin ito.

"Grimm... Gusto mo bang matalo si Belphegor?" ang malumanay nitong tanong.

Natawa ng mahina at mapakla si Grimm. Tumalim ang kanyang mga mata nang marinig nito ang pangalan ng Prince of hell, ang kanyang ama.

"Tinatanong pa ba iyan?" ang kaagad niyang sagot.

Napahalukipkip si Mikee.

"Magagawa mo ang bagay na iyon kapag nakontrol mo na ang iyong demon form. Gusto ulit kitang tanungin, ano ba ang iniisip mo nang mga panahong lumabas ang iyong demon form?"

Mariing ikinuyom ni Grimm ang mga kamao niya at nagtiim ang kanyang mga bagang. Tumingin siya kay Mikee.

"G-Gusto kong ipagtanggol ang Lola ko... Gusto kong iligtas ang buhay niya at... At... Galit ako, galit na galit..."

Napatango ng bahagya si Mikee.

"Kaya ka naging isang halimaw. Ikaw ang kinontrol ng sarili mong kapangyarihan. Ngayon, magagawa mo bang gawin ang lahat ng bagay na ipapagawa ko?"

Kumunot ang noo ni Grimm.

"Oo, gagawin ko ang lahat ng ipapagawa mo sa akin."

"Kahit na malaki ang puwdeng maging kapalit?"

"Gagawin ko ang lahat ng ipapagawa mo. Huwag mo na akong takutin, hindi uubra sa akin iyan."

Natawa ng mahina si Mikee... Maya-maya pa ay tuluyan na niyang ipinakita ang kanyang totoong anyo. Naging matured na binata na siya. Siya na si Saint Michael.

"Kung gusto mong matalo si Belphegor at makontrol ang iyong demon form, alisin mo ang galit sa puso mo. Dahil ang galit, iyon ang magpapahamak sa'yo. Magiging halimaw ka."

Napakurap si Grimm sa sinabi ni Saint Michael, napatanga siya. Wala siyang masabi...

"Ang pag-alis ng galit sa puso mo, iyon ang unang hakbang sa pagsasanay mo sa akin. At mayroon pa palang isa..."

Mula sa bulsa ng pantalon nito ay maroon itong inilabas. Isang kuwintas na katulad noong ibinigay sa kanya ni Father Clemen dati. Noong magpalit siya ng anyo sa kanyang demon form, nasira ang spell na nakapaloob sa kanyang katawan at maging ang kuwintas ay nasira din.

"Ang kuwintas na ito ay mas iba kaysa doon sa naunang ginamit mo. Mas malakas ang spell na nakapaloob dito at sasanib sa iyong katawan. At... Ang spell na inilagay ko dito, mas mapapabilis nito ang pagpapalabas mo sa iyong demon form. Mag-ingat ka lang dahil baka hindi mo na naman makontrol ang iyong sarili. At isa pang babala, mas masakit ang madadama mo sa iyong katawan kumpara doon sa naunang spell..."

Napakurap si Grimm at matamang tumitig sa kuwintas na hawak ni Saint Michael... Medyo iba na ang mga maliliit na simbolo ang nakalagay sa kuwintas. Angel's holy symbol. Marahan siyang naglakad papalapit kay Saint Michael at walang-imik na kinuha ang hawak nitong kuwintas. Tinitigan niya iyon at hinaplos ang kakaibang pendant na isang pentagram na may cross sa gitna. May bato din iyong puti na kahawig ng diyamante. Ilang beses siyang napalunok... Tandang-tanda pa niya kung gaano katindi ang sakit ng katawan na tinamo niya noon habang unti-unting kumakalat ang spell sa buo niyang katawan. At ang isang ito, mas matindi kaysa sa nauna... Ganoon pa man ay determinado siyang matalo si Belphegor at makuha ang hustisyang nararapat para sa Lola Epang niya.

Escape from Hell Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon