Chapter 5- Keith's Plan

479 15 0
                                    

Keith's POV

FLASHBACK

"Yung palang room na lilinisin niyo ay bukas na lang namin ituturo pag magsisimula na kayo at kung may mga reklamo pa kayo kay Ms. Marasigan na lang" sabi naman ni Sophia

Naglakad na sila palayo sa amin hanggang sa tumigil si Stephanie at may nakalimutan atang sabihin.

"Uhmm. By the way yung lilinisin niyo palang room ay mahirap linisin kasi sobrang dumi niya, mabaho and madilim don! So you better prepare yourselves for tomorrow. " sabi ni Stephanie.

"Ano ba yan! Bakit ba namin kailangan linisin yon ha? Is it for a good purpose? O gusto niyo lang talaga kaming gantihan ha?! Unfair naman ata yun!" Sigaw ko sa kanila.

"That's one of the reason. But the main reason is that gagamitin yun para sa Senior Highschool. Are you contented with my answer?" Tanong niya habang nakangisi.

Wait. I had an idea... Hmmm. Let's see kung anong mangyayari...

"Very much. Well let's see kung anong mangyayari...." Sabi ko habang nakangisi.

Akala niyo ha... Hindi naman kami papayag na kami lang ang gagawa niyan.. Hmmmmm.. *insert devilish smile here*

Pagkatapos nun ay umalis na agad kaming lahat.

END OF FLASHBACK

What the?! Inuubos talaga ng mga babaeng yan ang pasensya ko. Paglinisin ba naman kami sa isang abandoned na room. Hmm. Tingnan natin kung anong mangyayari.

"Keith, what are you planning to do?" Tanong ni Griffin.

Nandito kami ngayon sa Starbucks. Matapos kasi sabihin nina Stephanie ang task ay dumiretso muna kami dito dahil sabi ko kina Griffin ay may plano ako.

"I'm just thinking, what if, pati yung girls ay maglilinis?." tanong ko sa kanya.

"Paano naman mangyayari yun? Eh sila nga mismo ang nagbigay ng task na yun eh." Tanong ni Wesley

"Then, I'll talk to Ms. Marasigan. So easy dude." sagot ko.

"When?" Tanong ni Griffin.

"Now, so let's go."

"Now?! No way bro, Stacey asked me out." sabat ni Griffin. Si Stacey yung kaklase naming malandi na mukhang desperada. Actually, may kasama pa siyang tatlo at yung isa dun ay si Anya na dikit ng dikit sakin.

"Di wag kang sumama,basta wag kang magrereklamo 'pag tayo lang ang maghihirap dun sa paglilinis"

"O siya tara na baka wala na tayong maabutan"

"Tingnan mo ito sasama din pala.Siya tara na"

Umalis na kami sa Starbucks para kausapin si Ms. Marasigan. Pagdating namin,nakita namin agad ang assistant ni Ms.Marasigan

"Excuse me miss." Sabi ko dun sa assistant ng principal.

"Yes?" tanong samin nung assistant.

"We're looking for Ms. Marasigan, did she left already or not?" Tanong ko sakanya.

"She's still here. May.... Problema ba?" Tanong niya samin.

"Naku wala po mam. Uhmm. May gusto lang po sana kami sabihin sa kanya." Sabi ni Wesley.

"O sige. Nasa office siya" sagot nung assistant

"Sige po thanks!"

Dumiretso na kami sa office ng principal. Pagdating namin don....

Clash of the Campus Kings and QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon