Sophia's POV
"Uy!" sambit ni Wesley habang winawagayway ang kamay. "Tulala ka ata dyan. Taas ata ng iniisip mo. Mga kasing taas ng Mt. Everest?"Nandito kami ngayon sa room at hinihintay lang ang time, break kasi kami ngayon. Tsaka wala din kasi sina Steph eh kaya si Wesley ang nangungulit sakin ngayon. Nasan sila? Sa CR lang naman, mga echosera kayo, akala niyo iniwan nila ako no? Well hindi, ayoko lang talagang sumama sa kanila, kakagaling ko lang kasi dun eh, suking suki na nga ako eh kulang nalang mabasag na yung salamin ng CR.
"Ang waley mo, tsaka parang may mali? Diba dapat you should say it as 'Lalim ata ng iniisip mo? Mga ilang feet?' Bakit parang iba?" sambit ko.
"Wala kang pake, may originality ako eh. So ano nga, share your thoughts"
"Wala ka na dun. Sa dami kong problemang iniisip wag ka nang dumagdag pa." pagtataray ko.
"Tsk! Pwede ba ako naman talaga ang iniisip mo." Pang-aasar niya pa.
"Umalis ka nga. Bwisit!" Inis na sabi ko habang tinataboy siya.
"Parang makakapoint ata ako ngayon ah. Lulubus-lubusin ko na para point na agad." Sabi niya at tumawa pa.
"Akala mo lang." Irap ko.
"Okay!" Sabi niya at ginulo pa ang buhok ko at may idinikit na papel sa noo ko.
'Ganda mo. Basahin mo din yung likod. '
'Joke lang....😝'
Mapapangiti na ko pero... Kakagalit na yung mga gingawa niya sakin. Humanda ka talaga sa akin.
Nakita ko pa na tiningnan niya kung anong magiging reaksyon ko. At nag sign pa siya na nakapoint na naman siya. Eh ano naman?! His getting into my nerves na talaga! Hinabol ko siya papalabas. I don't care kung marami pang makakita sa amin na naghahabulan na parang bata basta makaganti lang ako sa kanya.
"Wesley!" Sigaw ko habang tuloy pa din sa paghabol sa kanya. "Humanda ka talaga sa akin."
"Catch me if you can. Haha!" Mapang-asar niyang sabi.
Sa sobrang daming estudyante ang nagkalat dahil nga break namin ay hindi ko na siya makita kaya mas lalo ko na lang binilisan ang pagtakbo ko.Sa sobrang bilis kong tumakbo pero hindi naman tunay ay may nangyaring hindi ko inaasahan.
"Miss sorry po. Sorry po." Sabi ko habang tuloy tuloy pa rin ang pagbow.
"Ms. Evans ano bang ginagawa mo? Dito ka pa nagtata-takbo. May field sa labas kyng sakaling hindi ka nainformed." sabi niya habang tinutulungan siyang limutin ang mga gamit niya. 'Miss hindi niyo po ba nakita na tumatakbo ako at malamang po, alam kong may field dito, duh?' Yan dapat ang isasagot ko sa kanya eh kung hindi lang sana badtrip si Miss sakin.
"Ah miss may hinahabol lang po kasi ako. Sorry po ulit." Aalis na dapat ako ng hawakan niya ang wrist.
"I need to talk to your parents or guardian pati yang kung sino mang hinahabol mo. After maglabasan kailangan ko silang kausapin. By the way sino bang hinahabol mo? Pumunta kayo ng kahabulan mo sa detention room ngayon na." Sabi ni Miss.
"Si Wesley po? Miss na naman po. Wag na po please!" Pag mamakaawa ko. Baka kasi magalit si kuya sakin pag nalamn na nadetention ako.
"Hindi pwede. Wala man lang kayong pag-iingat. Dito niyo pa yan ginagawa tsaka mga king and queen pa man din kayo. Tatanggalin ko kayo sa pagiging isang royalty o pupunta kayo sa detention room?" tanong niya kaya natahimik ako at tumungo.
"Mr. Clifton!" sigaw ni miss sa corridor para lumingon si Wesley. Agad siyang tumakbo pabalik samin.
"Bakit po?" Inosenteng tanong niya.

BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Kings and Queens
OverigFour cool girls met the bad boys. War, friendship and love happened between those two rival groups. So they can say, it all started in their school, Willford Academy.