Sophia's POV
"Nice!!" sigaw ko paglabas na paglabas ko room namin. "Hell week is done!"
"Ang saya natin ah." nakangiting sabi sakin ni Steph.
"Syempre naman! Sino ba namang di magiging masaya diba?! Hello! Tapos na ang mga exams!"
"Right! Meaning, pede na tayong magsaya!" sagot naman ni Mirjana.
"Oy! Sama naman kami dyan sa sayang sinasabi nyo!" singit naman bigla ni Griffin sa pag-uusap namin.
"Luh! May epal!" nang-aasar na sabi ni Mirjana.
"Luh! Di naman sya ang kausap, papansin ka gurl?" tumitirik tirik pa ang matang sagot ni Griffin.
"Bading amp." bulong ni Mirjana at inismiran lang naman sya ni Griffin.
Natatawa naman kaming napailing sakanilang dalawa. Napatingin naman ako kay Wesley na medyo tahimik at parang may malalim na iniisip.
"Lalim ng iniisip natin ah." sabi ko ng makalapit sakanya.
"Pano mo nasabi? Nasisid mo ba?" walang kwenta nyang sagot.
"Alam mo ikaw?! Kahit kailan talaga wala kang kwentang kausap!" mataray na sabi ko at tinawanan nya lang naman ako.
"Sana hindi mo nakakalimutan yung deal nating dalawa." biglang sabi nya dahilan para mapatingin ako sakanya. "Remember, we have to win sa lahat ng games na meron tayo para makuha mo yung freedom na gusto mo."
"Hindi ko nakakalimutan yun."
Right! We need to get ready na nga pala para sa sports na sinalihan namin sa Sports Fest.
"Oh ano, Sophia? Ready ka na ba? Finals na to ha." tanong sakin ni Wesley. Kakatapos lang kasi nung isang game ih at kami na ang sunod na lalaro. "Baka naman natatakot ka na!"
Sinamaan ko lang naman sya tingin. "Bakit naman ako matatakot?" sagot ko sakanya.
"Aba malay ko! Baka mamaya takot ka pala sa bola? O di kaya naman ay di ka marunong maglaro ng volleyball." mayabang na sabi nya.
"Masyado ka ng maraming sinasabi, boy, maupo ka dyan at manood."
Nagsimula na nga ang set 1, ang mga nasa loob at kasama ko ay sina Steph, Cosette, Mirjana, Ally, at Shai. Si Steph ang unang magseserve, maayos naman nyang napaliban ang bola sa kabila ng net, natira din naman ito nung kabila at ang nagset sila bago inispike ang bola pabalik samin. Nareceive din naman ni Mirjana yung bola tsaka sinet ni Cosette bago ko inispike! Yeah! Samin ang point dahil di nila natira yung bola.
Nagpatuloy lang ang laro namin hanggang sa umabot na nga kami ng set 5. Nakuha nila ang set 1 at samin naman namin ang set 2. Pero mabilis lang nilang nakuha ang set 3, at akala ko pa matatalo na kami pero mukang di susuko tong mga kasama ko kaya naman nakuha namin ang set 4.
8 | 12
Yan yung score na. 8 kami at 12 na ang kalaban, 3 points na lang at panalo na sila. Nawawalan na sila ng pag-asa tsaka isa pa, pagod na sila dahil sa buong limang set ay wala namang pinaltan samin.
"Guys! Tiwala lang, atin tong set na to!" sigaw ko sakanila habang nakatingin sa harap.
Ang kabilang team ang magseserve ngayon, nang maiserve ang bola, agad nireceive ni Steph ang bola at tinoss naman yun ni Cosette habang sabay sabay naman kaming tumakbo nung mga natira pa at tumalon sa iba't ibang pwesto. Saktong taas ng bola ay ang pagpalo ko dito. Okay! Synchronized attack!
11 | 13
Konti na lang maabutan na namin sila. Nareceive nila ang tira namin, itinoss at inispike pabalik samin pero nablock nina Ally at Mairjana ang tira.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Kings and Queens
De TodoFour cool girls met the bad boys. War, friendship and love happened between those two rival groups. So they can say, it all started in their school, Willford Academy.