Stephanie's POV
Hay!!! Buhay parang life. Ilang days na din kaming busy dahil sa abandoned room. Kasi naman by next week kelangan tapos na namin. Napaaga kasi ang opening eh. Pero dahil Saturday ngayon, rest muna kami.
Papunta kami ngayon kina Sophia. Nagkayayaan kasi kahapon. Ang usapan namin nina Mirjana at Cosette ay 7 o'clock in the morning. Pero 8:30 na wala pa sila. Yung totoo.
*Ding*Dong*Ding*Dong*
Mukhang nandito na sila ah. Kaya agad akong lumabas.
"Wow ha, ang aga niyo naman." note the sarcasm there
"Syempre naman Stephanie. Kelan ba kami na late? Di ba Cosette?" sagot ni Mirjana
"Oo nga naman Steph, on time kaya kami dumating ni Mirjana." pagsang-ayon pa ni Cosette
"Ako ba, pinaglololoko niyo? Gusto niyo dagukan ko kayo para maalog yang mga utak niyo? Wala ba kayong relo sa bahay niyo?" inis na sabi ko
"Wala eh. Bakit ibibili mo ba ako?" mapang-asar na sagot ni Mirjana
"Hay naku Mirjana walang patutunguhan ang pag-uusap natin." sabi ko
"Muka nga, eh wala naman talaga silang pupuntuhan eh." pambabara ni Cosette at nag-apir pa sila ni Mirjana
"Isa ka pa. Ano bang nakain niyo ngayong araw at ang lakas ata ng mga sapak niyo?" inis na tanong ko
"Di pa nga kami kumakain ng breakfast eh. May food ka ba dyan?" tanong ni Cosette
"Ah kaya naman pala. Bakit di kayo nagbreakfast?" tanong ko ulit
"Ito kasing si Mirjana ang tagal gumising." paninisi ni Cosette
"Sorry naman nag-enjoy sa panonood eh." paghingi ng sorry ni Mirjana
"Oh siya sige na. Pumasok na muna kayo at kumain para makaalis na din tayo." sabi ko
"Thank you!!!!" sabay nilang sabi
After 30 minutes ay natapos na din silang kumain. Para silang di nakakain ng ilang days ah. Ubos ang pagkain sa table na pinahanda ko eh.
"Ui Steph, thank you ha. Busog na busog ako eh." sabi ni Mirjana
"Oo nga thank you talaga. Sa uulitin ha?" sabi naman ni Cosette
"Hay nako wala nang uulitin.Muka ngang busog na busog kayo. Naubos niyo kaya lahat ng pinahanda ko." sabi ko naman
"Sabi kasi ng mommy ko, wag daw magsayang ng food marami daw kasing batang nagugutom. Kaya inubos namin ni Mirjana." pagpapaliwanag ni Cosette
"Bakit pag ba naubos niyo lahat ng pagkain, mabubusog sila? O di kaya naman ay subuan mo isa isa para wala ng batang gutom at para masaya na rin" sarkastikong sabi ko
"Eh di ikaw ang magsubo sa kanila isa isa. Tutal ikaw naman ang nakaisip eh. At Ewan ko nga sa mommy ko, eh hindi naman yung mga bata ang kumain eh, kami naman. Pano sila mabubusog? Hay nako!!!!!" sabi ni Cosette
"Ang ibig lang naman sabihin ni tita ay wag tayong magsayang ng pagkain. Kasi mapalad tayo at may nakakain, eh yung iba.....wala kahit anong pagkain." sabat naman ni Mirjana
"Wow Mirjana san mo napulot lahat ng mga sinabi mo?" pang-aasar ni Cosette
"Ah yun ba? Sa mommy ko. Yun kasi ang lagi niyang sinasabi bago kami kumain. Kitams saulo ko na. Ulit- ulit ba naman araw-araw? Tingnan lang natin kung di mo pa yun masaulo." sagot ni Mirjana
"Tama na nga yan. Late na late na tayo eh. Baka kanina pa tayong iniintay ni Sophia sa kanila. Kaya tara na." pag-iiba ko ng usapan. Hahaba pa ang usapan wala namang patutunguhan, babalik lang sila sa simula

BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Kings and Queens
OverigFour cool girls met the bad boys. War, friendship and love happened between those two rival groups. So they can say, it all started in their school, Willford Academy.