Chapter 23- Trouble

252 5 1
                                    

A/N:
Ito na po yung final portrayers ng characters:
Kings and Queens:

A/N:Ito na po yung final portrayers ng characters:Kings and Queens:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

****************Mirjana's POV2 days nang wala si Steph kaya aminado akong namimiss ko na din siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

****************
Mirjana's POV
2 days nang wala si Steph kaya aminado akong namimiss ko na din siya. Wala kasi akong masyadong kakulitan eh. Si Cosette, as usual tahimik. Si Sophia naman hindi ko makulit kasi lagi siyang kinukulit ni Clifton. Hayss alam niyo na kung sino. Si Wesley, ang dakilang playboy. Wushu, if I know he's just doing it to make Sophia fall for him. I know that stunts well.

"Here are the profile of the students who passed the audition. Ikaw na ang mag encode ng mga nakapasok and I'll take charge of the others" napatingin ako kay Griffin nang seryoso niyang ilapag ang envelope sa harap ko.

"If you had no question, I'll go ahead" sambit niya at tumalikod na at akmang maglalakad na nang pigilan ko siya.

"You're still mad at me, aren't you?" tanong ko pero napatingin lang siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya kaya unconsciously, nabitawan ko yun. Bumalik na ulit ang tingin niya sa unahan saka siya naglakad palabas ng dance org. office. Actually siya yung President nito at ako lang ang assistant niya kaya siguro ako yung pinag eencode niya nito.

Napabuntong hininga nalang ako saka napailing. Bakit nga naman siya hindi magagalit sakin diba? Ako naman talaga ang may kasalanan eh kung bakit siya galit. Below the belt na yung sinabi ko sa kanya. Pero kasalanan ko ba yun? Nadala lang naman ako sa emosyon ko eh.

"Hayy." buntong hininga ko saka ko binuksan yung laptop sa harap ko. Lunch time namin ngayon kaya naisipan ko munang tumambay dito sa office, tutal naboboring lang naman ako sa room eh.

Nagsimula na akong mag encode nung pinapagawa sakin ni Griffin. Nagfocus ako sa pag eencode nang bigla nalang tumunog ang phone ko nang sunud sunod. Agad ko yung kinuha at nanlaki ang mata sa nakita ko kaya agad akong tumakbo palabas ng office at dumiretso sa rooftop. Pagdating ko doon ay walang malay na Sophia ang bumungad sakin. Agad ko siyang nilapitan at tinapik tapik pero hindi siya nagigising.

"A beautiful scenery. Wow.." sambit ng isang babae mula sa likod ko. Napalingon ako sa kanya at agad nanlaki ang mata ko.

"Just what have you done to her?!" sigaw ko pero tumawa lang siya.

Clash of the Campus Kings and QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon