Sophia's POV
"C'mon Kuya, please lang oh, ipatigil mo na sakanya yang bodyguard thing na yan." medyo inis na sabi ko.
"No! Ayoko!" pagpipilit naman niya.
"Kuya naman!!" pagmamaktol ko.
"You know me so well, Lhaye. Kapag sinabi kong no, its a no." seryosong sabi niya.
Tiningnan ko naman siya ng masama tsaka siya inirapan. Nakaramdam naman ako ng konting pagkahilo ng dahil sa pag-irap ko sakanya ng bonggang bongga.
"Kilala mo rin ako, Kuya." sabi ko at tinalikuran na siya tsaka nagsimulang maglakad. "Kung hindi mo siya patitigilin then ako ang magpapatigil sakanya." sabi ko at lumingon sakanya.
Nakatitig lang siya sakin at walang mababakas na kahit anong emosyon sakanya. Hindi ko na yun pinansin at naglakad na lang ulit ako papunta sa kotse ko.
**********
"Hey! Cosette!" tawag ko agad sakanya ng makita ko siyang palabas ng room. Tumigil naman siya at lumapit sakin.
"Oh! Ang aga aga, nakabusangot yang mukha mo. Bakit?" tanong niya agad.
"Nakakainis si Kuya eh!" sabi ko at narinig ko naman siyang tumawa ng mahina. Tumingin ako sakanya at tinaasan siya ng kilay. "Why are you laughing?" taas kilay kong tanong sakanya.
"Nothing." sagot niya at halatang nagpipigil ng tawa. Nakakainis siya ha!
"What?!" Inis na talagang tanong ko.
"No-nothing." sagot niya at tumawa ulit.
"Alam mo, nakakaasar ka!!" sabi ko at tinalikuran siya tsaka nagsimulang maglakad papunta sa room namin.
Ramdam ko naman na sumusunod siya sakin at tinatawag niya ko pero wala akong balak na lingunin siya. Naramdaman ko naman na binilisan niya ang paglalakad at ng makahabol na sakin ay agad niyang isinabit ang kamay niya sa braso ko. Tumigil ako at tiningnan siya, ngumiti lang naman siya sakin. Hinayaan ko na lang siya at pumasok na kami ng room. Pagpasok, sinalubong kami ng ingay ni Jana at Griffin.
"Yah! Ano nga kasing napag-usapan niyo ni Dad kahapon?!" sigaw ni Jana.
"Secret nga, ang kulit! Hahaha." sabi ni Griffin habang tumatawa. Pinagpapalo naman siya ni Jana pero inilagan lang yun ng inilagan ni Griffin.
Napailing na lang ako sa gulo nilang dalawa. Dumiretso na lang ako sa upuan ko at napansin si Cosette na nakatayo lang dun habang pinapanood ang dalawa.
Honestly speaking, ilang araw ko ng napapansin si Cosette na ganyan. Na lagi lang nakatingin samin at nakangiti. Minsan di ko maiwasang isipin na parang sinasaulo na niya ang mga mukha namin kasi anytime ay aalis siya at iiwan kami. Pero, naisip ko, san naman siya pupunta at bakit niya yun gagawin. At sa huli, marerealize ko na imposible yung iniisip ko. Haha.
Natigil lang ako sa pag-iisip ko ng may isang lapastangang pumitik sa noo ko.
*Poink*
"Ouch! Hoy Wesley, ano bang problema mo?!" sigaw ko sakanya habang hawak hawak ang noo ko. Ang sakit kaya ng pitik niya, mga feeling ko sobrang red na nung noo ko eh.
"Kanina pa kasi kitang tinatawag eh! Ayaw mo namang tumingin." sigaw din niya sakin pabalik.
"Bakit ba kasi?! Kita mo ng busy ako sa pag-iisip eh!" inis kong sabi sakanya.
"Oh! Talaga?! Hahaha!! Di bagay sayo ha." tatawa tawang sabi niya.
"Wag ka nga, Wesley, minsan lang yan gawin ni Sophia, pagbigyan mo na. Hahahaha!" sabat naman ni Griffin habang tawa ng tawa. Dahilan naman yun ng pagtawa ng iba pa.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Kings and Queens
عشوائيFour cool girls met the bad boys. War, friendship and love happened between those two rival groups. So they can say, it all started in their school, Willford Academy.