Stephanie's POV
Thursday
Thursday na nga ngayon, meaning ngayon na kami aalis. Sabi ni Ms. Lee sakin last time na may kasama daw ako kaya lang di ko alam kung sino, di naman kasi sinasabi sakin ni Ms eh.
Maaga akong gumising kasi dapat by 6 nasa school na kami or else, maiiwan kami.
Time Check : 5:30 AM
Oo na, alam kong late na yan! Pero anong magagawa niyo, maaga na para sakin yan. Normally kasi, gumigising ako ng 6:30 pag may pasok, bakit ba? 8 pa naman ang start ng class ah! Pag wala namang pasok ang pinakamaaga ko na atang gising ang 10:30. Usually kasi pag weekend, 12 PM na ko gumigising eh, 12 midnight na kasi ako natutulog. Ang alam ko nga, ang pinakamaaga ko ng tulog yung 12 eh.
Okay, so much for that, kelangan ko ng magready baka kasi malate pa ko. Ayoko naman ng ganun.
Habang nag-aayos ako ng gamit, naalala ko yung convo namin ni Cosette kagabi. Tinanong niya ako kung bakit pumayag daw agad ako.
'Bakit nga ba?'
Naisip ko kasi na mas okay yun, at least kahit 5 days lang hindi ko makikita si Keith. Siguro kahit sa 5 days lang na yun, malilimutan ko kahit papano ang nararamdaman ko para sakanya. Sana.
After kong mag-ayos ng gamit ko, pumasok na ko sa CR at naligo na. After that, nagbihis na ko at bumaba na. Pagbaba naman, dumiretso na ko sa dining area. Konti lang naman ang kinain ko kasi malapit na talaga akong malate.
Time Check : 5:55 AM
Kitams! Malelate na ko! After kumain tumakbo na agad ako palabas at agad na sumakay sa kotse.
"Manong! Bilisan po natin!" sabi ko. Kita ko naman na napatawa si Manong Caloy dahil sa inasta ko. "Ano pong nakakatawa?" tanong ko.
"Natutuwa lang ako sayo, hija. Sanay ka kasi na late pumapasok pero ngayon parang ayaw mo talagang maiwan ka." sagot niya.
"Syempre naman po! Kaya po, dalian na natin kasi po oh!" sabi ko at pinakita ang oras sa phone ko.
Time Check : 5:58 AM
Lalo naman siyang napatawa ng makita ang orasan ko. Ano ba talagang nakakatawa? Malelate na nga ako, tinatawanan niya pa ko. Grabe siya oh!
"Si Rose talaga oh." Manong Caloy murmured at inistart na ang kotse. Hindi ko naman na pinansin ang pagngiti ni manong sakin.
************
"Grabe! Gumising na nga ako ng maaga naiwan pa rin ako?! Nasan ang hustisya?!" inis na sabi ko. Kita ko naman si Manong Caloy na tumatawa na naman.
"Manong? Ano po ba talagang nakakatawa? Kanina ko pa po kayo napapansin na pinagtatawanan ako eh." sabi ko. "Naiwan na nga po ako! Tinatawanan niyo pa po ako!" pagdadrama ko.
"Eh kasi naman----" di niya natapos ang sasabihin niya ng may biglang nagsalita.
"Oh, Ms. Lim, ang aga mo namang dumating." napalingon ako sa likod ko at laking gulat ko ng makita si Ms. Lee.
"Good morning po Ms. Bakit po andito pa kayo? Di ba po sabi niyo dapat exactly 6 AM ay nandito na? Eh, 6:15 na po eh." sabi ko sabay pakita ng oras sa phone ko.
"Ha? Anong 6:15? Steph, hija, 5:45 pa lang." nakangiti niyang sabi.
"Po?!" sigaw ko. Narinig ko naman ang tawa ni Manong Caloy, napatingin naman ako sakanya. Tumigil naman siya sa pagtawa at ngumiti sakin.
"Si Rose ang may sala." sabi niya. "Pinalitan niya ang oras ng phone mo kanina nung natutulog ka pa." sumbong niya.
"Grabe ha! Naisahan ako ni Manang dun. Yung feeling na sobra kang nagmadali kasi nga late ka ng nagising at yung feeling na di ako nakakain ng maayos, tapos ganto? Grabe talaga ang mga tao ngayon!" pagdadrama ko.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Kings and Queens
DiversosFour cool girls met the bad boys. War, friendship and love happened between those two rival groups. So they can say, it all started in their school, Willford Academy.